Tuesday, February 22, 2005

late at night when all the world is sleeping...

this is something serious.
i have not been myself these past weeks? months? years? when did my real self last invaded this piece of... well, thing? is this amnesia? meow. oops, im serious.
it's late and im still wastin my time typing nonsense stuff in this... something that everybody in the world could have a chance to read. but the world cares not for these things and keeps itself busy to no longer need to care for these kinda stuff. wrong grammar. the world is sleeping.
when could i have my turn to take a rest? meow!
days pass by so quickly that i did not even see the one before this. or not that clear maybe. wrong grammar ulit! i am not sure if im happy with this pace. i don't know if i really like to wish for it to go faster, or slower. im pressured. im tired. im happy. im excited. im sad. im disappointed. i failed. i missed. i did great. im proud of myself. hala! mayabang! im confused. the sem is ending soon. just not sure if i did what i must and avoided what im not supposed to do. am i good enough? did i make the most of the time i was given? is this about the sem or something about death? not sure.
have i said what i was tasked to say? do you need to hear? will you listen when i start to speak? are you interested? are you with me? shit!
pagod lang to. i guess i have to sleep with the world.
night. help me decide. moon. watch over me. sit beside me. comfort me. hold my hand.
thank you.

paano ba ito?

gusto kong gawing pormal ang mga posts ko. palagay ko walang ibang paraan kundi isulat ang mga ito in english. pero hindi naman ako magaling doon. tagalog pa rin! baka ma-misinterpret pa ako ng mga tao dahil sa mga mali kong grammar.
naba-blanko ako parang si james blanco. harhar! walang pumapasok na matino sa utak ko. ano kayang nandito kung hindi matino? hmm. imaginations.
nalungkot ako sa kwento ng isang kaibigan kanina. love story na walang pinuntahan. sabi ko na hindi ako magkaka-boyfriend e. pero ayokong isumpa ung sarili ko. alam ko pa rin naman ang konsepto ng "self fulfilling prophesy". gusto ko pa rin makadama. nakakalungkot lang na palaging kelangan may masaktan. o siguro palaging pareho lang ang magkabilang panig na nasasaktan.
bakit kaya puro pag-ibig ang laman ng posts ko these days? hindi naman dapat. dahil kaya buong feb ang celebration ng valentine's at hindi pa tapos ang feb?
eto na lang. pangarap kong magka-banda. hindi. pangarap kong maging vocalist ng banda. nagsimula ito sa pagiging walang kwenta kong back-up kahapon. repeat that. walang kwenta. tama. at naisip ko na baka pede ko pa rin patunayan ang sarili ko. na makakagawa pa rin ako ng tama. ang galing ng banda ng n-11, vocals na lang ang kulang. is this destiny? hindi ata, may dumating na vocals na ang galing e. although hindi taga-n-11, hindi matatawaran ang galing! but then again, walang pakialaman sa pangarap ng may pangarap! pangarap kong ang bandang tinutukoy ko ay tumugtog sa fair. gusto kong maging tunay na banda, hindi ung grupo ng tao na jamming lang palagi walang gig. meow! gusto kong kumanta. paano?
andami ko palang gusto. gusto ko din matuto sumayaw at magdrowing. marami pa kaya akong oras para matutunan ang mga ito? higit pala sa lahat, gusto kong matutong mag-bowling. siraan na ito ng buhay. tuldok.

Wednesday, February 16, 2005

babala sa mga lumuluha at nasasaktan

never dapat hilingin na hindi makaramdam. mali ang notion na mas madali ito kaysa masaktan. akala ko kasi noon totoo un kaya tin-ry ko sa sarili ko. nagpakabato dahil sa isang problema sa pag-ibig... pero hindi sa romantic love okay. promise, walang tulong ang ganoong paraan ng pagtakas sa problema. nakakabawas ng pagkatao.
ang tao ay isang social animal, nakakawala ng social life ang pagiging bato. ayaw ng mga taong sumama sa isang bato. kung sasama man sila o pasasamahin nila ako, tulad ng bato, parang wala rin ako. shit! what an existence!
hindi rin tama na turuan ang sarili na hindi umiyak para ipakita ang tapang o... basta! para sa kahit anong dahilan. walang kahit anong dahilan ang makakapag-justify sa ganitong gawa. darating ang araw na handa ka nang umiyak pero hindi ka na marunong. ansaket na ng dibdib dahil sa tindi ng emosyong nais kumawala, ansaket na ng mata dahil sa pagpapaliit dito ng ilang ulit at pagpikit-pikit na rin para lang mei luhang lumabas, nakaabang na ang tuyong panyong ipampapahid sa mga tubig na aagos sa pisngi, pero lahat mababalewala dahil hindi ka na marunong. mas madaling gamutin ang namugtong mata dahil sa magdamag na pag-iyak kaysa forever na accumulating na load ng emosyong walang outlet.
akala ko dati sapat na ang pagtulog bilang outlet. nag-classical conditioning ako na kapag malungkot ako at nasaktan o kaia galit, tulog lang wala na yan... mali! pag malungkot ako, bumabalik ung feeling na hindi naiiiyak. akala ko normal lang un. tapos madami na ung bumabalik. tapos dumadami pa. at...
hindi ko na kaya pero wala na akong magawa. apat na taon kong ginawa ung classical conditioning sa sarili ko, mashadong matagal ang i-reverse un. bak maging over-over na sa pagiging late.
hindi ko na kaya. walang makatulong sa aking bumuhat ng lahat ng ito dahil bato ako at the same time nakalimutan ko na kung paano umiyak. minsan nare-realize ko na pati pagtawa nalimot ko na. isa na akong malaking basura sa mundo....
shit!

Hindi naman talaga ako dapat bitter e

Kanina ko pa iniisip na hindi naman ako talaga bitter about valentine’s day. Masaya naman ako sa pagiging single ko. At isa pa, marami pang una sa listahan ng poproblemahin. Nahuhuli nga ata ang love life sa list na un e. I guess that’s something good.
Nagsisimula lang naman akong maging bitter pag mei nagtanong kung mei date ba ako. Well, friends.
Lalo na kapag tinanong kungbakit wala akong love life at kung bakit walang nanliligaw sa’ken. It’s subtly saying na, bakit ako hindi attractive? Bakit walang may gusto sa’ken? Come on. Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan pang sa akin un itanong. At gago ang naniniwala sa sagot na tulad ng sagot ko—wala akong panahon para jan. duh! Ang babae, hindi pedeng sumagot ng ganun kasi kahit wala silang panahon kung ung lalake meron, meron at meron silang love life. Lalake ang nanliligaw at lalake lang ang nawawalan ng panahon kaya hindi nagkaka-love llife. Hehe, siguro muka akong lalake kaya tinatanggap ang excuses at rotten reasons ko.
Hindi ako naniniwala kay marize na kapag hindi ka pa nagiging happy heart, never kang maka-categorize sa lonely hearts. Ang mga kebs na hearts ay in one way or another lonely kaya nagging kebs. Meow! Pero hindi naman kebs ang heart ko about valentine’s day. In fact, happy heart ako dapat kung hindi dahil sa bagsak kong quiz sa panpil. Hindi lang talaga pedeng hindi masira ang isang araw ko e no? bukas, I’m more than sure na ang degree ng pagiging sira ng araw ay beyond repair na naman. Parang ung araw na nag-take ako ng chem. exam. At ang best part about tom. ay ang dahilan na naman ng pagkasira ng araw ay, well, chem.
Pero this is about love and the day’s occasion.
Iba lang talaga ang pakiramdam na maging babae. Lalo sa araw na ito. Sensitive lang siguro ako. Tama si Jolene. Dapat matutong magdiga. Papaturo nga ako sa kanya. Mei tutoring sessions ata si Nikka with her e kaya naging ultimate mendidiga si Nikka. Hinsi ko alam kung hihilingin kong maging tulad niya. But I guess pagdidiga would make me feel good, kasi free na i-express ang sarili. But then again. Patay ako sa mga magulang ko. hindi nila ako pinapasok ng up para magdiga ng mga prospects. Meow!
To know more about pagdidiga, go to Jolene’s blogsite—www.tabulas.com/~dapithapon. Astig siya talaga! Go blockmate!
I guess sa ngayon e forever munang theme song ng love life ko ang just my imagination. Happy valentine’s day!

Getting over chem.

ayoko na ng chem. kakasawa nang sumakit ang ulo kakaisip sa tamang formula at equation. Kakasawa nang paikutin ang sarili ko sa pare-parehong tao; mei iba pa din naman akong subject. Siguro interesting rin naman sila.
Kanina, damang- dama ko un—kelangan ko din ng ibang mundo, di lang chem. at mas madaling malaman un kapag mei org mate ka nang nagtatanong tungkol sa presence mo sa tambayan, at kapag hindi ka na makarelate sa usapan ng mga tao sa org tuwing mei mtg na kelangan mong pumunta. Shit!
Psyh 101 na lang. dun ko talaga gusting papuntahin ung topic. Hindi ko lang gets kung bakit nilaglag ko ung sarili ko sa topic ng org ko at pagiging “the bad example” member. Eon, so psych na nga.
Dahil sa mahal kong subject na ito, nalaman ko kung ano ang mali sa akin. At sa problem-solving methods ko. fixations. Hindi ako lumalabas sa kahon ng problema, or ikinakahon ko ung problema at iniisip na hanggang dito lang ang pedeng maka-solve sa kanya (tao ba ung prob?). at least alam kong mei natututunan ako sa major ko.
Isa ko pa palang natutunan ay, na may pangalan pala ang konsepto ko ng “isang teyorya lag ang common sense dahil walang bagay na pare-pareho ang pakahulugan ng mga tao.” Ito ay tinatawag na false consensus effect. Ang saya! Damang-dama ko nang psych major ako! Woohoo!

Sunday, February 13, 2005

When the mind takes over everything

Ayoko nang maging mind over matter. Mali e.
Kanina, gusto ko nang makinig sa chem. Nag-try kasi si ma’am na i-explain ulit ung concepts. Nangungulit si Dan. Pinatitigil ko siya palagi dahil kelangan ko na talagang makinig. Pero mali ung ginawa ko. Siguro dahil tungkol sa love life at valentine’s day ang tinatanong niya at gustong pag-usapan, ayoko un. Gusto niya akong pakantahin. Maling oras.
Tapos, eto namang si Farts e nagpapasaway na naman. Naasar ako kasi namili na ng gustong gawin at iniwan ung mga ayaw niya at mahirap sagutin na tanong para ako ang mag-explain. Tapos tulad din ni Dan ay nangungulit. Nagpapapansin. Iniisnab ko lang dahil marami ang dapat gawin at hindi na naman kami matatapos pag pinatulan ko pa. sabi din kasi un ng utak ko. But then again, gusto ko siyag kausapin. Ako nga etong nangungulit sa kanya before na hindi na siya sumasama sa amin; in the end hindi ko pa rin siya pinansin. ano bang tumatakbo in the back of my mind? Kinantahan ako ng “Partner, pansinin mo naman ako.” Shit ang sama ko talaga! Hindi ko pa rin siya gaanong pinapansin kahit na kinantahan ako ng religious song (take note nagpaalam pa siya sa akin para gawin un). Hay naku!
Nagbabalik si Dan para hiritan na naman ang mood ko. Ngumiti daw ako. Nag-fake ako ng smile for about 10 seconds tas balik sa dati. Sabi niya nung time na nakangiti ako, “ayan, ngiti ka”. Tas nung bumalik sa dati, “o ambilis magpalit.” gusto ko ba talgang ngumiti noon? o gusto ko lang na tulad nila, magpapansin?
Naglalakad ako pauwi nang silayan ko ang pinakamagandang nilalang—ang buwan. Las quarter na ata, tas ung part na natira e ung nasa baba. Naisip ko, pinangingiti din ako ng buwan (tulad ni Dan).
Walang magagawa, when mind takes over.

Paano sirain ang isang araw?

Ngayon, isang bagay lang sa buhay ko ang nagging tama… o siguro, ito na ung pinakamalapit ko sa pagiging tama. Sa bowling class namin na ang passing grade ay getting at least 75 points per game, 74 ang score ko… and everybody feels sorry for me! Hindi ko tuloy alam kung kebs lang ba o ever so sorry for myself ako dapat. At ang one-point miss ko ang tanging tamang bagay na nangyari. Gaano na kaya kasama ung iba?
Pagtapos nung bowling, punta na sa tambayan para i-meet si Mai dahil mei babayaran daw sa cashier at sa akin niya un ipinagawa. Forever, dahil nga hindi ako ganun ka-belong kaya hindi mashadong “chatty” ang mga oras na un. Meow! Text pa ng text si Ate Zsha dahil ngeon din ung araw nung film viewing na isa ako sa co-head. Pagdating ni Mai, madali to the max ako kasi magkikita din kami ni Karen para magreview for chem.
So aun, pinuntahan ako ni Karen sa tambayan dahil nainip na siya sa kakahintay. Pumunta ako ng Computer Lab ng CSSP dahil akala ko doon babayaran ung dapat na bayaran. Pagtapos dapat daw P400 ung bayad, e kaso P100 lang ung binigay saken. E di kalkal na ko ng bag at hanap ng P300. Dahil wala akong pera, umutang muna ako kei Karen. Tapos, rush sa PHAn dahil kelangan ipakita ung resibo doon at mapirmahan ang iba pang ka-chuvahan. Pagdating ko doon, bukod sa pinagsabihan ako tungkol sa kalat ng org namin na hindi pa rin inaalis at overdue na daw… shit! Mali ung binayaran ko at kelangan ko pang pumunta ng Shopping Center dahil doon daw malapit ung Cashier’s office. Puta! Ibabalik pa kaya ng Com. Lab. ung pera namin? Bumalik naman kami ni Karen sa Com. Lab. para ipakiusap na ibalik ung pera. Kahit hiyang-hiya ako kei Karen (kaya sorry ako ng sorry habang daan kahit na alam kong wala naman ung nagagawa) at doon sa babae doon. Ibinalik naman niya ung pera, at salamat sa Diyos dahil buhay pa naman ako; sinabihan niya lang ako ng “naku! duduguin ako sa batang ito!” Hindi naman nakakamatay ang salita di ba? O akala ko lang un?
Okay! Punta na sa PNB kung kelangan pumunta ng PNB. Pagbayad ko doon, muli na namang nagalit ung babae doon. Ang niresibuhan kasi niya P50 lang, e P100 ung dapat kong bayaran. So nagkahiwalay pa ung resibo tuloy! At kasalanan ko un! Shit! Kelangan ko na sigurong iyuko ung ulo ko pag maglalakad ako! Ditto ko na start na-recognize ung feeling na tumatawid ka tas bigla kang binusinahan.
Hay salamat punta na lang ng PHAn at tapos na to. Hopefully, hindi na ako sermonan ulit nung babae tungkol sa kalat kasi wala akong alam tungkol doon! Pinaglakad ko si Karen pabalik doon kaya kelangan ko ulit magsorry ng sampunlibong beses! Pagdating ko doon tinanggap na ang resibo at okay na! hay… kakain na din at last!
Aba! Mei problema pa pala… ang plano namin ni Karen na magreview, asan na? at shit! 11:00 na at kakain pa kami! 11:30 ung start ng chem. class, nalimot ko ba?
So rush ulit sa chem. pagtapos kumain. Salamat sa good Lord at naglecture si ma’am bago magpa-quiz. But then again! Hindi ako nag-aral at mei quiz! Puta ulit! Meow! Sa lab naman, dahil nga sira na ang araw ko at akala ko hindi a un pedeng masira pa, nagkamali ako. Hindi sinagutan ni Jik ung parts ng probset na “Explain” at inaasahan niyang ako ang mamroblema dun! Ako ang dapat sumagot. Sigh. Kelangan e, group grade un. Tapos ang asar pa doon, ung nabunot niyang ire-report namin e ung hindi namin masagot! Meow!
Tapos, sa activity na isa ako sa mga head, isang failure! 4 dapat ang start ng viewing pero 4:30 na ako dumating at hindi pa nagsa-start dahil hindi napo-project ung movie. Mga quarter to 5 na siya nagstart. Tapos walang nanonood. Hindi ko rin maintindihan dahil hindi ko makita, maliwanag mashado ang araw. Tin-ry kong mag-aral sa chem.., walang epekto! Tama na to! Kaya un itinigil nga nila ung movie sa kalagitnaan ng pagpe-play neto. Sigh. Head ako nung activity na un.
Uwe na lang ako. Baka sakaling meron pang tamang bagay na mangyari.
What a day!

Tuesday, February 08, 2005

silver toes

pucha! nagiging silver toes na ba ako? ang sumikat na kanta ng parokya na... well, ayoko nang sabihin... but then again... parang kelangan pa rin... tungkol sa mga babaeng feeling gusto sila ng mga guys na nasa paligid nila... but in reality, it's so bad na diri ang nararamdaman ng mga taong un actually... well, clear ba ang explanation? i guess i really have to work hard on my communication skills... meow!
eto kasi un e... hindi ko mabasa ang mga lalakeng "nasa buhay ko" ngeon dahil in the first place wala naman ibang lalake sa buhay ko before kundi ang aking pinakamamahal na ama at ang mga uncle ko... so puro na sila matured di ba? may asawa at seryoso sa lahat ng ginagawa... pero ang mga kasalamuha kong lalaki ngayon ay iba... mga gagong nilalang na... tama na un at baka makarating pa sa kanila... pero at least mei idea di ba? eon... hindi sila seryoso sa buhay nila at magulo sila... in the end, babalik pa rin ako sa difficulty kong basahin sila! although hindi sila libro, kelangan kong gawin un para alam ko kung paano sila pakitunguhan ng hindi sila ma-ooffend at hindi rin magfi-feeling!
kaso lang ang mga approaches ko ata ay mali... mali ang "basa" ko sa galaw nila... kelangang ko pa siguro mag-conduct ng more experiments... meow! at parang mali din ang "basa" nila sa akin! akala nila iniiwasan ko sila, mataray ako, snob at kung anu-ano pa... ang pag-iingat ko sa mga sasabihin at gagawin ko... hay... kaya tuloi sila nagpapaka-feeling close...
tangina! ang hirap ng tanga!
hopefully, walang magsabi sa akin na ikaskas ko ang muka ko sa semento... babasagin ko ang muka niya if ever! hehehe! as if kaya ko... peace!

Sunday, February 06, 2005

nakakalungkot!

meow!
iginawa ko ung pinsan/tita ko ng testimonial sa friendster, pero account ng ate ko ung gamet ko (for one, wala naman akong friendster account)... okay naman para sa akin ung ginawa ko... mejo pasaway lang ang method used... hek, para signature...
nalulungkot lang ako kasi sa mga blogs ko parang hindi na ako ung gumagawa... wala na ung lalim na nakita sa akin nung isang tao... na nakita ko din sa sarili ko eventually... pero slowly ay nawala... ngayon e no more traces... kalungkot talaga!
nakakainis kasi na mei grade ung mga blog ko... alam kong ang pagkatao ko ay madaling maapektuhan ng social desirability bias... at un ang dahilan ng lahat ng to! dail sa mga bagay na expected sa akin na isipin! kelangan mga realizations sa panpil17... kelangan applications ng realizations sa panpil17... kelangan panpil17... asar!
paano na ang buwan? ang pag-ibig at ang tunay na paghahangad ng lahat ng tao dito? na ang pagtanggi sa paghahanap nito ***kahit babae ka pa*** ay kaplastikan! paano na ang nakaraan kong hinahabol ako? ang taong nagpapalit ng anyo at hinahatak ako? meow!
nagmamadali na ang nakatatanda kong kapatid sa paggamit ko nitong kompyuter namin! wala akong magawa kundi hilingin bumilis ung oras at dumating na ang araw na meron na akong sariling laptop, video cam at P910i... kotse na rin kung pede... at i-pod mini *sana ngeon na to kasi baka ma-laos bago ko maranasan...
malapit na ang kaarawan ko! sa lahat ng nakakabasang mei kakayahang tuparin ang mga materyal kong pangarap, tinatawagan ko kayong wag mahiya... i do appreciate nice, generous gestures! meow... as if!

Saturday, February 05, 2005

kanta ko... as of this time... lang...

CRAZY FOR YOU(spongecola)

Swaying room as the music starts
Strangers making the most of the
dark
Two by two their bodies become one

I see you through the smokey air
Can't you feel the weight of my stare
You're so close but still a world away
What i'm dying to say, is that

Chorus:

I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's
true
I never wanted anyone like this
It's all brand new, you'll feel it in my
kiss
I'm crazy for you, crazy for you

Trying hard to control my heart
I walk over to where you are
Eye to eye we need no words at all

Slowly now we begin to move
Every breath i'm deeper into you
Soon we two are standing still in time
If you read my mind, you'll see

(chorus)

It's all brand new, i'm crazy for you
And you know it's true
I'm crazy, crazy for you

Thursday, February 03, 2005

pessimist ka!!!!!!!!

Heto ako ulit… naaasar! Hindi kaya pessimistic lang talaga ako? Kasi naman ung mga tao sa paligid ko, parang tanga… ay hindi, mali un! Hindi ko lang sila talaga maintindihan. Nagtataka sila kung bakit tahimik lang ako. Tinatanong nila ako kung anung problema ko. E sila naman itong hindi talaga intersado sa mga sasabihin ko; hindi naman kasi importante ung mga bagay na tipong gusto ko lang i-share sa kanila.
Oo na! Trivial na ako palagi! E paano, sila lang naman ang nagkakaintindihan… ang tatay ko, ang nanay ko, ang ate ko at ang mundo nila sa Maynila. Oops! Mei nalimot pala ako… idagdag pa dapat dun ang pagkain, diet, and things of the like na sila lang ang mei alam at pakialam… syet! Ayoko nang maging deviant!
Isa ito sa mga dahilan kung bakit nalulungkot akong nasa UP ako ngayon… pero buti na lang at nkakapagpasaya pa rin sa akin ang pagiging taga-UP at pagpunta sa UP.
Pessimistic nga ako… at least alam ko na!
Ituloi natin ang mga bagay tungkol sa pagiging trivial ko… kaya lang naman ako ganun e para maintindihan nila ang sitwasyon ko, ang mga bagay na nakaapekto sa pananaw ko, ang mga pinahahalagahan ko… ang buhay ko. Kaso nga forever nang hindi natatapos ang kwento ko, kelangan kasi in detail para hindi sila ma-mislead at hindi ma-misunderstand ang mga bagay tungkol sa akin… but then again, hindi kasi tungkol sa diet, pagkain, Morayta at Legarda ang buhay ko… hanggang katipunan lang ang inaabot ng utak ko. Kahit nga ako tuloi, nalulungkot na hindi ko man lang abutin ang cubao… puta! Hindi kasi nila naiintindihan ang pagsakay sa ikot, ang layo ng PHAn sa CAL if you travel by foot and you next class starts immediately after the previous one ended, ang hirap mag-isp ng schedule for the next sem, ang sakit ng loob na dala ng hindi pagiging US o CS man lang lalo kapag lahat ng friends and blockmates mo ay isa sa dalawang un, ang sakit ng ulo dahil sa puyat na kelangan mong pagdaanan bago ang isang exam or simply bago mag-chem…
Kaya naman, ayaw ko na silang pakialaman… hindi kasi ako maka-relate. Marami pa akong mas importanteng gawain kaysa ipilit ang sarili kong i-relate sa mga buhay nila (can you realate me?)… pagod na rin akong mag-effort. If ever hindi obvious, at lest ngayon alam ninyo nang mei effort din naman ako.
Masakit din naman sa parte ko … kaso wala na rin akong magagawa… (not very much like me to say “wala akong magagawa”… maybe time changes and I changed with time)

Wednesday, February 02, 2005

salamat lilie...

kahit di mo to nababasa... okay lang! sa mga future readers nitong site na to, at least alam ninyong hindi lang si rachel ang best bud ko... but then in question ang reciprocation... wait! mei ganun bang term? rootword ang reciprocate...
lilie... si lilie ay kaibigan ko simula grade school... and conflicts are inevitable (hindi kaya turo lang ito ng sistema sa akin at hindi naman totoo?) tas nung hayskul, nagkaroon kami ng nokbuk ng sulatan namin... kilala niya si CREAM... at hopefully she'll not spill anything about...
dahil sa konseptong cream at lilie naisip ko kani-kanina lang na ang buhay ko ay isang malaking SECRET! hmmm, intriguing noh?! bakit kaya ang tao sabihan lang ng word na "secret" e parang nanalalaki ang mga tenga at biglang mabilis gumana ang utak for clues? eniwei, hindi ko gustong sasabihin ang secret at hindi ko rin kayang sabihin ito... kasi naman... duh-ER! buong buhay ko un! kasya ba un sa isang blog?
but then again... the point is... kaya naging secret ang buhay ko (i guess buhay din ng lahat ng tao) kasi tulad ng konseptong cream- si lilie lang ang mei alam ng tungkol sa kanya... at hindi pa kumpletong detalye (or so i thought...) parte-parte lang ng pagkatao ko ang alam ng bawat isang tao sa buhay ko... hindi ko sure kung ang mga magulang ko ang pinaka-may-alam at ung mga hindi ko mashadong nakikita ang may least na alam tungkol sa akin or it's the other way around...
at dahil sa blog na ito, kapag mei nagsabing masamang tao ako... walang maniniwala dahil hindi naman nakita ng taong un ang buong FATIMA... at i guess isang pangalan para sa isang aspekto ng pagkatao ko... kung kilala ng isang tao lahat ng isusulat ko... well ibang level na stalking ang ginawa niya... idol ko na siya mula ngeon...
here goes... ang pagkakabaha-bahaging FATIMA: patty, fao, ate fao (magkaiba to sa nauna), pat, fai,/f/, nyt, pillow, kimbies, kapuso, honeystar, babes, fudje, tim, timang (",), farts, faith, fats,... okay! suko na ako! andami pa pero ayoko nang mag-dig deep in myself... naiiyak na ako at ayoko yun! basta, ang punto dito, kailangan marunong magtago... bakit? wala lang! gusto ko lang! hek...
eniwei... salamat lilie!

Tuesday, February 01, 2005

eto na nman ako... hindi na natuto...

tsk... noong... basta NOON lang ganto na ang nangyare... gusto kita, parang gusto mo din ako... pero mali ako... over lang talaga ung mga meaning na binibigay ko sa mga ginagawa mo sa akin... but then again... mei ibang tao na sa buhay mo... malayo ka na sa akin ngayon, kasi nga andun ka na sa lover mo... wait, ang panget pala ng term... pro wala na akong ibang maisip na term na babagay... eon...
ngayon, wala na sa akin ung kung anu man NOON... but now ur back... at kanina lang kita na-recognize... and since wala naman nagbabasa ng mga blogs ko dito... my god! CREAM, you've taken a male form...

*** oo na! produkto ako ng catholic school kaia hindi pa rin tama para sa akin ang ganitong mga bagay... ayoko rin i-point out... it's for me to describe... and whoever reads this in the future to find out... kapag nabasa to ni sir u sasabihin nia plastik ako dahil tinanong nia sa clas b4 kung meron sa aming makalumang pananaw pa rin ang pinaniniwalaan... hindi ako nagtaas ng kamay...

naaasar ako at naniwala ako... biktima na naman ata ako... hindi pa naman ako marunong makipag-deal with male forms (pucha anu ba to? zsa zsa zaturna?)... siguro, isa akong baboy-ramo (shet ang panget ng pinagkumparahan sa sarili... hindi ba pedeng panda bear?) na ambilis ng takbo kaia hindi nakatingin sa dinadaanan kaia nahuhulog sa patibong ng mga mangangaso...
pero ba't ganun? parang mei mali... ang mga mangangaso gustong hulihin ang mga baboy-ramo... pero IKAW hindi mo naman ako gustong hulihin di ba? baka hindi ako baboy-ramo (thank god *sigh of relief* hindi ako baboy-ramo... or baboy for that matter)... ako ung mga dahong nahuhulog at nagkakataon lang na nahuhulog dun sa mga holes na un... patibong mo pala, di ko na-recognize... well, for one e hindi nag-iisip ang mga lantang dahon na nalalagas at nahuhulog sa lupa (in this case, sa patibong nga nahulog)...
naaasar na talaga ako... ilang beses ka bang magpapakita sa akin (in your different but very beautiful forms)? ilang beses mo pa akong lilinlangin? at ilang beses pa akong masasaktan dahil sa iyo? buti na lang hindi tipo ng sakit na nakakaiyak *teary-eyed*...
langya talaga! nangako ako, at ayokong sabihin niya un sa mundo... naging mabuti ang mundo sa kanya (sa akin kaia?) at hindi ko gustong magalit siya dahil LANG sa akin (self pity ba ito?)...
wala na tong pupuntahan, at wala man lang makakaalam dahil wlang nagbabasa... that's GREAT!