Friday, October 27, 2006

kung gusto, may paraan

hehehe.
nagdalawang-isip akong gawing title ng post ko yun... pero wala naman talagang nagagawa ang pagdadalawang-isip hindi ba?
ang punto ko lang dito, natutuwa ako sa sarili ko lately.
hindi ito pagbebenta ng sarili. ang galing lang ng mga pangyayari.
natutuwa kasi akong nagagawa ko ang pangako ko sa sarili ko noong panahong dinudugo ako dahil sa lahat ng subjects ko... na looking back ay hindi naman talaga mahirap... pero due to lack of a better term e yun parati ang ginagamit ko. mahirap. parati lang nagmamadali. wala namang nagkasabay (thanks, papa god). hindi ko nga alam kung ano ang umuubos ng oras ko at parating kulang ako sa oras... pero ayon. hindi mahirap... nagmamadali lang talaga ako.
at ayon, dahil nga sa lahat ng sakit ng katawan ko kakahabol sa oras, nangako akong magpapasarap ngayon bakasyon. gusto ko kasi talaga yon. at pasarap nga ako ngayon... walang linis-linis ng bahay. walang bantay ng tindahan. walang luto, laba o plancha. wala. tulog lang at kain. ang kapal ng mukha ko. konsyensya ang kapalit ng kung anumang sarap na tinatamasa ko... at yun ang tanging paraan.
bumabawi naman ako sa pamamagitan ng pagbili ng pasalubong tuwing umaalis ako. mali yon. hindi binibili ang kahit anong abstract sa pagitan ng mga myembro ng pamilya... pero hindi naman ako nanunuhol. ginagawa ko yun dahil hiniling nila iyon. at dahil gusto ko naman silang pasiyahin kahit sa mga jologs kong gawa. ayan.
di lang yan, napapatahimik ko ang kung anumang nasa loob ko sa pag-aayos ng sarili ko... maaaring pagkatao, pisikl na anyo, o mga gamit at pag-aari (in any sense). kahit paano hindi na ako dagdag pa sa isipin ng iba. hindi man ako nakakatulong, hindi naman ako pabigat.
pero di lang sa ganitong aspeto totoo ang title ko... sa marami pang bagay. nakalimot na ako. malilimutin naman talaga ako... pero basta. nakalimot na ako. at masaya ako. ang iniisip ko lang e baka immaturity (may salita bang ganun) ang implication ng ganitong tugon sa mga pangyayari. mga bata lang ba ang gumagamit ng repression?
ewan... ang ewan ko.

Wednesday, October 25, 2006

pahinga sa wakas...

ang tagal ko nang hinihintay na dumating ang araw na ito.
pahinga na sa wakas.
matapos ang lahat ng pagbabasa at pagsusulat.
pati na ang mga pagsakay ng jeep at paminsan-minsang paglalakad...
hindi ko pa rin alam ang resulta ng lahat ng hirap para sa sem na ito.
ganoon pa man ay gumaan ang pakiramdam ko dahil wala nang deadline at exams na iisipin.
sa ngayon, pwede na akong matulog nang 8pm at gumising ng 7am.
hindi pwedeng later dahil magagalit ang nanay ko. at least pamilya ko na lang ang pressure ko...
wala nang pasaway na prof na ang hirap magpa-exam... o kaya strict lang talaga.

hindi ko pa sigurodo kung gaano na ka-tapos ang 118 para sa akin... bahala na.
tapos na ang physics... at lahat ng tao tinatanong kung malungkot daw ba ako.
sa totoo lang hindi pa ako sigurado... ambaba ng grade ko e. sayang baka pede pang habulin.
pede na rin ang 155. default grade, sabi nga nila.
sa bagay, hindi naman talaga ako mabuting estudyante sa subject na yan...
pasaway ang LA1. ambaba magbigay.
hindi naman ako nakaliban sa kahit isang class.
nagpapasa ako ng lahat ng requirements on time pa.
hindi talaga ako magaling gumuhit, inaamin ko yun pero grabe naman.
kung mga arki at ID ang kalaban, talo talaga ako.
hay naku, bahala na rin siya. hindi ko na yan mahahabol at nasa ibang bansa na siya.
ang 140 ay wala pang closure. bahala na rin.

ngayon problema ko na ang mga subject ko next sem... salamat sa on line registration.
pero... pahinga muna.
sabi nga sa 140, madaling isipin na gagawin ko ang ganito para sa kinabukasan ko...
pero pag nagdesisyon ka habang nakahiga sa kama, hindi ka muna babangon dahil nakakabuti rin naman sa sarili ang pagtulog, hindi ba?
hehehe.
yan ang nangyayari sa akin.
mauuna ang pagpapasarap tulad ng inuman at swimming (ngayong ber months... tama yan).

karapatan ko naman yon, di ba?
pahinga sa wakas!!!

Tuesday, October 03, 2006

ang asul na ngipin ng mga pc

salamat sa mabuting kalooban ni raiza
naranasan ko kahit ilang araw lamang, ang makapiling ang asul na ngipin ng mga pc.
malaking tulong pala cia.
nais ko na rin tuloy magkaroon ng ganun.
inggitera lang.

ang daming larawan, awitin.
pero bawal ang word.
sinasaniban ito ng alien at hindi ko na maintindihan mula doon.
ayon.

ang asul na ngipin ng mga pc