pessimist ka!!!!!!!!
Heto ako ulit… naaasar! Hindi kaya pessimistic lang talaga ako? Kasi naman ung mga tao sa paligid ko, parang tanga… ay hindi, mali un! Hindi ko lang sila talaga maintindihan. Nagtataka sila kung bakit tahimik lang ako. Tinatanong nila ako kung anung problema ko. E sila naman itong hindi talaga intersado sa mga sasabihin ko; hindi naman kasi importante ung mga bagay na tipong gusto ko lang i-share sa kanila.
Oo na! Trivial na ako palagi! E paano, sila lang naman ang nagkakaintindihan… ang tatay ko, ang nanay ko, ang ate ko at ang mundo nila sa Maynila. Oops! Mei nalimot pala ako… idagdag pa dapat dun ang pagkain, diet, and things of the like na sila lang ang mei alam at pakialam… syet! Ayoko nang maging deviant!
Isa ito sa mga dahilan kung bakit nalulungkot akong nasa UP ako ngayon… pero buti na lang at nkakapagpasaya pa rin sa akin ang pagiging taga-UP at pagpunta sa UP.
Pessimistic nga ako… at least alam ko na!
Ituloi natin ang mga bagay tungkol sa pagiging trivial ko… kaya lang naman ako ganun e para maintindihan nila ang sitwasyon ko, ang mga bagay na nakaapekto sa pananaw ko, ang mga pinahahalagahan ko… ang buhay ko. Kaso nga forever nang hindi natatapos ang kwento ko, kelangan kasi in detail para hindi sila ma-mislead at hindi ma-misunderstand ang mga bagay tungkol sa akin… but then again, hindi kasi tungkol sa diet, pagkain, Morayta at Legarda ang buhay ko… hanggang katipunan lang ang inaabot ng utak ko. Kahit nga ako tuloi, nalulungkot na hindi ko man lang abutin ang cubao… puta! Hindi kasi nila naiintindihan ang pagsakay sa ikot, ang layo ng PHAn sa CAL if you travel by foot and you next class starts immediately after the previous one ended, ang hirap mag-isp ng schedule for the next sem, ang sakit ng loob na dala ng hindi pagiging US o CS man lang lalo kapag lahat ng friends and blockmates mo ay isa sa dalawang un, ang sakit ng ulo dahil sa puyat na kelangan mong pagdaanan bago ang isang exam or simply bago mag-chem…
Kaya naman, ayaw ko na silang pakialaman… hindi kasi ako maka-relate. Marami pa akong mas importanteng gawain kaysa ipilit ang sarili kong i-relate sa mga buhay nila (can you realate me?)… pagod na rin akong mag-effort. If ever hindi obvious, at lest ngayon alam ninyo nang mei effort din naman ako.
Masakit din naman sa parte ko … kaso wala na rin akong magagawa… (not very much like me to say “wala akong magagawa”… maybe time changes and I changed with time)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home