Wednesday, March 30, 2005

okay. isa pa! takot ako e.

ibang level to. kahapon e nagkita-kita kami nina cathe, kitin at nida sa rp. pero kasama ko muna si cathe, tas dumating sina kambal. kakatakot kasi...
magkaharap kami ni cathe sa dulong side ng mcdo. tas antai kami ng antai kina kambal... usapan e 12, 1 na! tas mei babae, nakatingin siya sa akin. nagtaka ako inisip ko tuloy kung kakilala ko siya. tas mei babae pa siyang kasama, parang pamilyar. tas nag-smile sila pareho. lumapit. lumapit. sina kambal na pala un. tinawanan nga nila ako nung sinabi kong hindi ko sila nakilala. nakakatakot talaga.
retrieval failure kasi ito friends. at kung iisipin ko ang lagay kong kukuha ako ng exam, hindi dapat ganito dahil baka sumpungin ako ng retrieval failure habang nag-eexam. mali un dahil mei grade na dapat akong makuha at hindi un mangyayari kung hindi ko maaalala ang mga pinagpuyatan kong basahin.
masakit na ang kaliwang mata ko. hindi naman siguro ako na-aksidente in the past... puro ganto ang nangyayari sa koreanovela twing gabi e. ung bida e naaksidente noon tas ngeon lang lumabas ang tunay na injury at mei nangyari sa memory at sa mata... mejo problematic. baka ako ung reality bahind it. mangyayari pa lang. at sino nga ulit ang mei sabing nag-aaral ako? anjan kasi ang tv e... hehehe.
wait lang. adil pala ung orasan nitong blog ko... bakit kaia? bahala na si superman, at si loverboy.

guilt trip forever

palagi na lang ganito. masama ako. hindi ba ako bagay sa lead roles na inaapi kaya mamahalin ng mga manonood? hindi ba pede un? palagi na lang ako ung nang-aapi e. sobra na ata. utos dito utos doon. wala namang ginagawang kapaki-pakinabang. pinagsisilbihan, bakit? donya ba? siguro walang silbi ang tamang term.
excuses at rotten reasons. siguro dapat ko ring pagsabihan ang sarili ko ng ganun para magising naman ako kahit paminsan-minsan.
gusto ko nang matapos ang exams ko sobrang masama na ang pakiramdam ko sa sarili ko. feeling ko isa akong kulangot sa pader. wala na ngang naiitulong, linisin pa! panget ng analogy, wala na kasing ibang pumasok sa isip ko.

bawal to e...

para akong sira. gumagawa ako ng rules para sa sarili ko pero hindi ko rin sinusunod. tulad ngayon. sabi ko e hindi muna ako magb-blog dahil kelangan kong mag-focus, na pinagdududahan ko namang nagagawa ko.
tulad kahapon. dahil mahal ko si kim at kaibigan ko siya at reunion ng kada, kahit wala si jaja, pumunta ako sa surprise party niya, kumain ng madami at nanood ng sine. aba ineng, parang hindi dalawa ang exam mo a. at ang consequence ng maraming pagkain at sine, maaga akong natulog, sabi kasi ng ate ko gumising na lang ako ng maaga, ia-alarm namin ang fon namin pareho. sori, wa-epek. mantika to e! shit 6am na ako nagising. tapos dahil mabuti akong kaibigan at mei broas para sa pamilya ko ang mahal kong si cathe, pumunta siya sa bahay at nag-lunch. masyadong masaya ang paligid pag may kaibigan sa paligid, lalo na kapag wala siyang exam tulad ko, nahahawa ako at tinatamad mag-aral. mas masarap maging masaya kesa pakahirap sa pag-aaral no!... kung ganyan ang rason, mas masarap talagang maging masaya... kung hindi yan, ewan! 12 na at pakiramdam ko hindi na ako makakaaral ulit. shit. i'm doomed. bye cs...

Sunday, March 20, 2005

malungkot talaga ako.

pang-ilang post ko na nga ito ulit? di bale, normal naman ang 3 post sa isang araw di ba?
nananakit na ang ulo ko sa pag-aaral para sa finals ng chem. nag-aral nga ba ako? nangarag ako sa pagka-cram ng paper para sa psych. may laman pa kaya un? nag-utos ng ibang gawain para mabakante ako. pero tangina, anjan ka pa rin. masakit ka na nga sa ulo, masakit pa sa puso. total ngarag-er ka. hindi kita maintindihan. gusto kitang sabihan ng "let me go" pero ako naman ang may hawak sa yo. nakikita kita sa utak ko. nagtayo ka na ata ng bahay mo jan. prente-prente samantalang nasasaktan ako. hindi pa naman umaabot sa iyakan. but then again. di bale. konting panahon na lang bubunutin mo na rin ang kutsilyong sinaksak mo sa ulo ko. mas masakit un pero at least pagtapos nun pede nang gumaling ung sugat na gawa mo. gayunpaman, malulungkot ako. ay hindi. palagi lang pala talaga akong malungkot. wag mo akong pansinin....
back to work guys(?).

sana na lang...

wala lang. naisip ko lang na sana hindi na lang totoo ung sinasabi ng mga tao na hindi grades ang sukatan ng pagkatao. hindi ko to gusto dahil matataas ang grades ko. sa katunayan hindi ako dean's lister dahil wala namang ganun sa UP. ganunpaman hindi rin naman ako US o CS. masakit pa nito, hindi ko masabing hindi ako bitter. sana grades na lang ang sukatan ng pagkatao. hindi ako achiever. nakakuha na ako ng 3 sa classcard. bumagsak na ako sa marami-raming exams. p.e. na nga lang problema ko pa. pero pag grades ang basehan ng pagkatao, nadali ko nang sabihin na isa akong malaking kabiguan.then i could stop. living, believing. loving, believing. existing. wala nang pag-asa. at dahil hindi nga ganun ang patakaran ng mundo, napapaasa ako. marami pang aspekto ng buhay na pede kong pagtuunan ng pansin at palaguin. doon, pede pa akong magtagumpay. hindi kasi grades ang sukatan ng pagkatao. tanginang yan! sinilip ko na lahat ng aspeto ng pagkatao ko. acads... hindi pa ba sapat ang 3 para sabihin lahat-lahat? social life... mabait ang mga tao around me. thank God. kaso i matter. my personality matters. i ruin things. ayoko nang magkwento baka maiyak ako. next stop, love life... failure without question. love is a one-way street at bahay ko ung dead end where it starts. ironic. hindi ako bitter. ansarap siguromaging maganda. o kaya mabait. kahit hindi na pareho. family... black sheep ako sa pamilya. hindi yon aaminin ng mga magulang ko kaya i-rephrase natin. ako ang odd one out. ung ini-ekisan sa spot the difference. ung binibilugan sa alin ang naiba. ganung tipo. sa angkan namin, ako ang modern-day witch. hindi naman harmful pero nilalayuan lang talaga. natural nang ganun. religion... hindi ako aktibong bata. hindi ko pinaniniwalaan lahat ng sinasabi nila kaya hindi ko rin ginagawa lahat ng sinasabi nila. mei konek to sa social life e. ayokong magkwento. financially, i'm broke. kakabili ko lang ng bagong bag at kinailangan ko pang gawing to the max ang tawaran para lang mabili un. shit.
ansakit sa ulo ang mabuhay. at mahirap talaga na kailangan pang sumakit ng ulo ko para lang mabuhay.
hindi ako optimistic. obvious ba? hinsi ako sociable. hindi ako flexible. hindi ako open. higit sa lahat, hindi ako masaya.
angst mode forever.

cream. hehehe.

cream. kumusta naman?
alam kong hindi mo alam. ikaw ang dahilan kung bakit ako naging "coffee... without cream". madilim. di masinagan ng liwanag. parehong kulay. parehong kulay. madilim. bittersweet. hindi creamy dahil wala ngang cream. pait. tamis. tapang. sakit. saya. kailan? init. siyampre mainit ang kape. abnormal ang iced coffee at hindi masarap. isa pa walang iced coffee na without cream. init. yakap. sakit. saya.
paano na? malayo ka na. lalayo ka pa? ay without cream na nga pala. shouldn't get affected. buti na lang.
ikaw ang dahilan kung bakit ako naging "coffee... without cream". hindi mo na malalaman. kailanman....

Wednesday, March 16, 2005

tibo ata ako... mali... lesbiana?

i'm really bothered. do i look like any of the "key" words of my title? tibo? lesbiana? ah, siguro ako ung "mali".
lately bigla kong nadama na may mali. teka, kapag ba kunwari mei gusto akong babae tapos... basta gusto ko siya, pero hindi to the point na nakikita ko ung sarili ko at siya na mag-asawa or nasa kama in the sense na alam ng mga taong above 18 (in a sense di ko un dapat alam si ba?) ibig sabihin e hindi ako lesbiana? shit i'm confused. lalaki ang gusto ko, ilang beses ba dapat un ulitin sa sarili? in a way totoo naman un e. ewan ko ba. isang tao lang talaga nakapagpaduda sa akin na babae ako. sa ngayon. noon, ung mga nakaraan, mei siguro lima? ewan, dapat ba un bilangin?
recently nakita ko ung isa sa dating nakapagpaduda sa akin... sa fx, mei kasama. wala lang. kebs! anu ngayon? ni hindi nga ako pinansin e. hindi ko rin dapat pansinin!
pero... wag na! kwento ko na lang. alam ba ninyo... kung marami kayo... na dati nakapanaginip ako na mei hinalikan akong babae. sa panaginip ko e hindi naman tumanggi ung sarili ko so... ewan. nung pagkagising ko, ewan ulit. kakaibang pakiramdam. close-up pa naman ung panaginip ko at parang nangyari talaga. as in ung naramdaman talaga. shit! hindi ako tibo!
pero feeling ko as of this moment mahal ko talaga ung taong un. pero hindi na niya dapat malaman. share lang ng pakiramdam.

Tuesday, March 08, 2005

akala ko ayaw mo na?

napadaan ako sa kwarto, nakita kita. nilapitan kita at nakita kong malungkot ka. mei bago ba? suicidal ka na ba ngayon? usap tayo. pressure na naman ng studies ang sinisisi mo. hmmm, sa pagkakaalam ko hindi ka naman nag-eeffort, anung karapatan mong ma-inis di ba? galit ka na ba dahil sinisisi na naman kita sa mga galit na nadadama mo? true friend ako kaya ganun. hehehe. peace! teka, parang super ptressed ka talaga. over naman ang concern mo sa acads mo. i bet zero ang hardiness mo. o baka naman mei ibang bagay na gumugulo, ayaw mo lang i-acknowledge, in denial? hmmm, socially unaccepted ba? over ka naman, bakla. mare, try mong kausapin ang mga tao sa paligid mo. palagay ko mei masasabi silang payo sa iyo. aba! baklang ito! oo na hindi ako makarelate dahil negative ang experience ko sa mga ganyang bagay. anu na naman itong "panu mo malalaman kung ganun lang siya talaga?" question? akala ko ba praktisado ka jan. correction, psycho student ako. hehehe. o tapos? tapos? tapos? uy ang ganda ha... tuloi mo... talaga? uuuuy... kaso? anung kaso? ay jologs pala ang love life mo e. tama. yan ang fighter, "at least alam niyang nag-eexist ako", mga pa-epek mo talaga o... ayaw mo na? sure ka na ba? yan din ang sinabi mo dun sa dati mo a. ows? ... o kita mo na! sabi ko na balik ka lang sa dati e. ayaw-ayaw ka pa jan. anu ka ngayon? ilang bwan na to? hehehe, wlang pag-asa. hindi na kayo magkikita at tulad lang siya ng iba pang nakaraan, aalalahanin na lang pero hindi na pedeng balikan... tama na yan. buti hindi ka naiyak. yup. yup. ang galing mo mare! pero umaasa ka pa rin ano? na kahit hindi niya alam ang nasa loob mo e parehas kayo ng saloobin? na sa'yo lang niya un ginagawa? na hindi na matatapos itong panahon na to? tama na. tama na sabi. ayawan mo na. sinasabi ko sa'yo, bitiwan mo na siya.
... dumating ang ate ko...
"o, kumusta ka naman? aba iha, maganda ka na. 48 years ka na ata sa harap ng salaming yan no. pagamit mo naman sa iba. may pila na dito."
worf! meow!

Sunday, March 06, 2005

i guess i have to stop

did someone really tell me, at one point in my life, that i go deeper than the average?
maybe i got tired of diving the deep waters of life. not that i'm dead, though, but similar to that is a lost life and self. but i thought being malalim is innate, how come i slipped out of it?
maybe the atomic structure, the moleular orbital theory and the intermolecular forces keep me from being me.
i should not be doing this anyway. wasting time in front of the computer monitor and typing things which only i could understand. the aguila criticism is waiting, and so is the anthro reading, and so is the extemporaneous speech for comm3, so are the three chapters of psychology, best of all are the infinite chapters of chem waiting to be "discovered". how the hell do i expect myself to even pass a subject? what more being a college scholar?
i guess i forgot how to think. the retrieval has a very huge problem. i know i've done thinking before, i simply could not remember how.
time goes too fast, it spins me around about two revolutions around the world in a minute. exaggeration. twenty-four hours is not enough for everyday's work and, of course, leisure. how could i stop? if i do, i'd be left behind, super behind. keeping up with it exhausts all my energy. how could i go deeper?
i always say this. i miss the old me. unfortunately, i could not remember who "she" was, all i know is that "she" was great, greater than i am. all i know is that i want to see her soon.