paano ba ito?
gusto kong gawing pormal ang mga posts ko. palagay ko walang ibang paraan kundi isulat ang mga ito in english. pero hindi naman ako magaling doon. tagalog pa rin! baka ma-misinterpret pa ako ng mga tao dahil sa mga mali kong grammar.
naba-blanko ako parang si james blanco. harhar! walang pumapasok na matino sa utak ko. ano kayang nandito kung hindi matino? hmm. imaginations.
nalungkot ako sa kwento ng isang kaibigan kanina. love story na walang pinuntahan. sabi ko na hindi ako magkaka-boyfriend e. pero ayokong isumpa ung sarili ko. alam ko pa rin naman ang konsepto ng "self fulfilling prophesy". gusto ko pa rin makadama. nakakalungkot lang na palaging kelangan may masaktan. o siguro palaging pareho lang ang magkabilang panig na nasasaktan.
bakit kaya puro pag-ibig ang laman ng posts ko these days? hindi naman dapat. dahil kaya buong feb ang celebration ng valentine's at hindi pa tapos ang feb?
eto na lang. pangarap kong magka-banda. hindi. pangarap kong maging vocalist ng banda. nagsimula ito sa pagiging walang kwenta kong back-up kahapon. repeat that. walang kwenta. tama. at naisip ko na baka pede ko pa rin patunayan ang sarili ko. na makakagawa pa rin ako ng tama. ang galing ng banda ng n-11, vocals na lang ang kulang. is this destiny? hindi ata, may dumating na vocals na ang galing e. although hindi taga-n-11, hindi matatawaran ang galing! but then again, walang pakialaman sa pangarap ng may pangarap! pangarap kong ang bandang tinutukoy ko ay tumugtog sa fair. gusto kong maging tunay na banda, hindi ung grupo ng tao na jamming lang palagi walang gig. meow! gusto kong kumanta. paano?
andami ko palang gusto. gusto ko din matuto sumayaw at magdrowing. marami pa kaya akong oras para matutunan ang mga ito? higit pala sa lahat, gusto kong matutong mag-bowling. siraan na ito ng buhay. tuldok.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home