Hindi naman talaga ako dapat bitter e
Kanina ko pa iniisip na hindi naman ako talaga bitter about valentine’s day. Masaya naman ako sa pagiging single ko. At isa pa, marami pang una sa listahan ng poproblemahin. Nahuhuli nga ata ang love life sa list na un e. I guess that’s something good.
Nagsisimula lang naman akong maging bitter pag mei nagtanong kung mei date ba ako. Well, friends.
Lalo na kapag tinanong kungbakit wala akong love life at kung bakit walang nanliligaw sa’ken. It’s subtly saying na, bakit ako hindi attractive? Bakit walang may gusto sa’ken? Come on. Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan pang sa akin un itanong. At gago ang naniniwala sa sagot na tulad ng sagot ko—wala akong panahon para jan. duh! Ang babae, hindi pedeng sumagot ng ganun kasi kahit wala silang panahon kung ung lalake meron, meron at meron silang love life. Lalake ang nanliligaw at lalake lang ang nawawalan ng panahon kaya hindi nagkaka-love llife. Hehe, siguro muka akong lalake kaya tinatanggap ang excuses at rotten reasons ko.
Hindi ako naniniwala kay marize na kapag hindi ka pa nagiging happy heart, never kang maka-categorize sa lonely hearts. Ang mga kebs na hearts ay in one way or another lonely kaya nagging kebs. Meow! Pero hindi naman kebs ang heart ko about valentine’s day. In fact, happy heart ako dapat kung hindi dahil sa bagsak kong quiz sa panpil. Hindi lang talaga pedeng hindi masira ang isang araw ko e no? bukas, I’m more than sure na ang degree ng pagiging sira ng araw ay beyond repair na naman. Parang ung araw na nag-take ako ng chem. exam. At ang best part about tom. ay ang dahilan na naman ng pagkasira ng araw ay, well, chem.
Pero this is about love and the day’s occasion.
Iba lang talaga ang pakiramdam na maging babae. Lalo sa araw na ito. Sensitive lang siguro ako. Tama si Jolene. Dapat matutong magdiga. Papaturo nga ako sa kanya. Mei tutoring sessions ata si Nikka with her e kaya naging ultimate mendidiga si Nikka. Hinsi ko alam kung hihilingin kong maging tulad niya. But I guess pagdidiga would make me feel good, kasi free na i-express ang sarili. But then again. Patay ako sa mga magulang ko. hindi nila ako pinapasok ng up para magdiga ng mga prospects. Meow!
To know more about pagdidiga, go to Jolene’s blogsite—www.tabulas.com/~dapithapon. Astig siya talaga! Go blockmate!
I guess sa ngayon e forever munang theme song ng love life ko ang just my imagination. Happy valentine’s day!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home