Tuesday, February 14, 2006

tunay na masayang balentayms...

wala akong natanggap na bulaklak...
wala naman akong inaasahang magbigay e...
may chocolates kaming kinain, salamat kina erin (and the gang) sa pamamahagi ng masarap na chocolate mallows, chocnut at chokochoko...
wala akong date... hindi nga ako nakapag-lunch ng matino e.
pero masaya ako.
napakinggan ko ang talk ni Benjamin Cervantes at nakakatakot siya. gayunpaman sigurado akong idol ko na siya mula sa oras na napakinggan ko ang talk niya. sobrang spontaneous at witty, kahit talagang intimidating at nang-i-intimidate. isa pa marami kaming paniniwala na halos pareho. ang pananaw tungkol sa si pagtatagumpay ng edsa, ang di pagsisikap ng mga tao ngayon na lalo pang pinalalala ng pagbibigay ng pamahalaan ng libreng materyal na bagay (ang pamahalaan ay para sa serbisyo, hindi fairy godmother)... gayunpaman, ayaw ko siyang maging mentor... ayaw kong mag-enlist sa kahit isa sa subjects niya. kung papayag siya ng mga sit-ins baka pede pa.
tapos nun, nag-penoy with friends... yey! nakatikim na rin ako ng penoy...
tapos nagpunta sa UP Fair! Love is in the (F)air... nakapagpa-henna din ako (kahit na dahil sa pawis ay mejo kumalat ung ibang black particles, masaya pa rin ako). yey! sabi nung mama na naglagay sa akin nito, seltic (anu bang tamang spelling nito?) sign daw ito... pero para sa akin e muka lang siyang buwan kaya ko siya pinalagay. oh wel. inaasar pa ako nung mama dahil mahirap pala siyang i-drowing sa balat tas ang likot ko pa. bawal lumingon dahil nasa batok un e... moving on... mejo makalat nga siya ngayon dahil pagkatapos magpa-henna ay kumain tas nakisiksik sa mainit at masikip na audience ng mga bands... ang naging interesting lang naman na mga bands sa akin e ung aizo (dahil ang vocalist ay bassist at first time kong maka-encounter ng ganun) at chempre giniling festival na may sobrang witty at makulit na vocalist... ang galing ng pagkakanta ng Hari ng Metal! astig! yey! kahit hindi ko inabot ung mga main acts, keri lang. giniling festival pa lang bawi na ang binayad ko sa entrance...
ang saya ko talaga.
nakakahiya nga lang sa mga magulang ko dahil nagpasundo pa ako e gabi na... hindi, madaling araw na. e ayaw naman nilang matulog ako sa ibnag bahay... oh wel. hapee pa rin.

Saturday, February 04, 2006

pagod at relihiyon...

parati na lang akong nagrereklamo sa lahat ng nangyayare sa buhay ko... kadalasan tungkol lang naman sa acads ang lahat ng ito.
at ayon na rin kay jik, nagiging relihiyosa ako dahil dito... tuwing ikukwento ko na lang kasi ang tungkol dito, bigla ko na lang naibubulalas ang pangalan ng diyos [refer to my previous post]. pero hindi lang naman si jik ang nakapuna... nabanggit na yan ni april sa akin dati... naalala ko lang ngayon.
tinanong niya ako kung bakt daw lagi na lang nasasama si god sa mga kwento ko... sabi ko kasi hindi ko na naiintindihan ang takbo ng mundo... hindi ko alam kung saan ako pupunta... hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ang mga nangyayari... at kailangan ko ng rason... si god ang pinakamabisang sagot sa ganitong mga tanong... nabubura bigla ang mga follow up questions...
sana lang hindi blasphemous ang mga pananaw ko... kasi hindi ko naman intensyon maging blasphemous...

lord, sana tama ang ginaawa ko...

noon, akala ko kapag iniintindi ko lahat ng rason at iba pang katulad nito, sapat na iyon para magkaroon ako at ang maraming taong naninirahan sa mundo ko ng maayos na relasyon...
kumplikado nga pala ang buhay... hindi isang desisyon lamang ang makapagsasabing magkakaroon ang isang tao ng ganito o ganyan...
ang hirap lang...
secretary ako... tagapangalaga ako ng maraming lihim... pero paano kung ako na lang ang nakakaintindi sa isang nilalang dahil ako lang ang may alam ng lihim niya? dapat ko bang itigil ang pagtatago at ilantad siya sa madla?
nakakainis na nakikialam pa ako dahil marami akong gustong mangyare... pero sa huli, mali ang pakikialam.
palagay ko dapat magpaliwanag ang dapat magpaliwanag... at hindi ako un.