Sunday, February 13, 2005

When the mind takes over everything

Ayoko nang maging mind over matter. Mali e.
Kanina, gusto ko nang makinig sa chem. Nag-try kasi si ma’am na i-explain ulit ung concepts. Nangungulit si Dan. Pinatitigil ko siya palagi dahil kelangan ko na talagang makinig. Pero mali ung ginawa ko. Siguro dahil tungkol sa love life at valentine’s day ang tinatanong niya at gustong pag-usapan, ayoko un. Gusto niya akong pakantahin. Maling oras.
Tapos, eto namang si Farts e nagpapasaway na naman. Naasar ako kasi namili na ng gustong gawin at iniwan ung mga ayaw niya at mahirap sagutin na tanong para ako ang mag-explain. Tapos tulad din ni Dan ay nangungulit. Nagpapapansin. Iniisnab ko lang dahil marami ang dapat gawin at hindi na naman kami matatapos pag pinatulan ko pa. sabi din kasi un ng utak ko. But then again, gusto ko siyag kausapin. Ako nga etong nangungulit sa kanya before na hindi na siya sumasama sa amin; in the end hindi ko pa rin siya pinansin. ano bang tumatakbo in the back of my mind? Kinantahan ako ng “Partner, pansinin mo naman ako.” Shit ang sama ko talaga! Hindi ko pa rin siya gaanong pinapansin kahit na kinantahan ako ng religious song (take note nagpaalam pa siya sa akin para gawin un). Hay naku!
Nagbabalik si Dan para hiritan na naman ang mood ko. Ngumiti daw ako. Nag-fake ako ng smile for about 10 seconds tas balik sa dati. Sabi niya nung time na nakangiti ako, “ayan, ngiti ka”. Tas nung bumalik sa dati, “o ambilis magpalit.” gusto ko ba talgang ngumiti noon? o gusto ko lang na tulad nila, magpapansin?
Naglalakad ako pauwi nang silayan ko ang pinakamagandang nilalang—ang buwan. Las quarter na ata, tas ung part na natira e ung nasa baba. Naisip ko, pinangingiti din ako ng buwan (tulad ni Dan).
Walang magagawa, when mind takes over.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home