Saturday, August 27, 2005

kunwari naman august 19 nagyon...

happy birthday Gec-gec, happy bithday Gec-gec, happy bithday, happy birthday, HAPPY BIRTHDAY GEC-GEC! *kanta po ito*
masaya pa rin ako... di lang dahil birthday ng mahal kong si Gec. eto kwento
kahit walang pasok ngayon e pumunta pa rin ako ng UP para sa isang meeting ng fincom... to my dismay, sarado ang AS (sa tambayan ang meeting place) at wala pa dun ung mga ka-meeting ko, considering na late na ako ng 3-5 mins sa call time. buti na lang at di masyadong matagal ang inantay ko bago dumating ang isang taong pamilyar... ung head ng fincom. pinilit niyang pumasok kami ng AS kahit sarado dahil nandun ung mga iso-sort na stuff para sa rummage sale bukas. buti na lang at walang guard that time kaya tuloy-tuloy lang kami. mei dalawa pang taong dumating pero di makapasok dahil andun na ung guard. tapos pinapaalis na kami ni kitchie nung dumadaang guard dahil bawal daw... si kitch na bahala dun. tapos nung wala nang iso-sort, lumabas na kami... pinakain naman kami ni tin (isa sa dalawang taong dumating pero di nakapasok) ng food na ginawa nila ni april para sa buddy date nila. sarap. dami kong kinain. pagtapos, napagdesisyunan naming apat na maaga pa kaya dadaan muna kami sa condo ni tin para manood ng THE CLASSIC. ang ganda sobra! sabi nga namin ni alex "ito ung tipo ng pelikula na hindi mae-enjoy kapag may boyfriend na". mula ngayon, eto na ang all time favorite kong movie (pero all time fave character ko pa rin si willy wonka). tas ang fave char ko dito e si tae-soo. panoorin niyo! ang ganda! kwentuhan tayo pag napanood niyo na! fave scene ang sang-min act sa ulan... ayoko na ngang magdala ng payong ngayon dahil dun pero di pede... aun...
tapos, dito matutulog si alex ngayon dahil wala daw siyang tutulugan para makapunta sa rummage sale bukas. pinainom nga siya ni ate kaye ng ginawa niyang "shandy". ang saya. late na kami natulog dahil kwentuhan pa.
o di ba? nakapag-celebrate pa rin ako ng birthday ni gec kahit malayo siya. masaya! ^_^

kunwari august 18 ngayon...

isang araw bago ang kaarawan ng mahal kong si Gec...
hindi ko talaga malilimot ang araw na ito. panu ba naman... last week *flashback*
...asar na asar ako sa geog exam ko dahil di ko natapos *tanga* kaya naman nagsulat ako sa mga extra yellow papers ko tungkol sa sama ng loob ko. at dahil na rin siguro sa pagod that day, nagsulat na rin ako tungkol sa mga gusto ko sana... eto yun
gusto kong malaman ng mga tao: naghahanap ako ng taong mag-aaksaya ng panahon at lakas (wholesome to). gusto kong libutin ang UP nang naglalakad (paguran ito) kasama ang isang tao (isa lang kasi mao-op ako pag dalawa na sila) na magkukwento sa akin tungkol sa buhay, at makikinig sa kadiliman at kalalimang nilalaman ng puso't isipan ko, na mga bagay ring ayaw marinig ng karamihan ng tao... (cut na jan dahil yan lang ang importante)
*end of flashback* thursday ngayon at bukas ay walang pasok. ang saya nito kasi nag-cancel ung 2 kong last clas today. commercial muna... dumaan c someone sa nook at mei hinahanap, tas bago siya umalis e sabi niya "nga pala, nakita kitang nagjo-jogging *smile*" sobrang na-bother lang ako at di un dahil crush ko siya dahil di na... he's just a guy-bestfriend prospect... ayoko lang na may nakakakita sa akin sa mga instances tulad ng running clas ko na hindi ako mukang tao... going back to my story. dahil nga wala akong clas, tinanong ko si Alex (orgmate-blockmate) kung gusto ba niyang maglakad-lakad... wala na rin naman daw siyang clas so pumayag siya. eto pa masaya, sinamahan niya akong pumasok sa college na gustung-gusto ko pero di ko pa napupuntahan, ang MUSIC! ang saya, mei astig na guy na nagda-drums sa floor, mei group na orchestra level kahit puro strings lang, mei astig na group of girls na ethnic instruments ang trip, mei naririnig kaming vocals pero di namin mahanap, at best of all ay ang close encounter sa isang guy na cutie para sa akin dahil super galing mag-flute... feel na feel pa nung tumutugtog. gusto ko din matuto tumugtog ng kakaibang instrument. eon, tapos naglibot pa kami ni Alex... first time kong malaman kung san exactly ang ChoKiss. dinala ko siya sa Heartbreak kung san kami parati tumatakbo. at dahil halos dalawang oval un, napagod kami at nagutom kaya nag-isaw kami sa may kalay, at dahil sa sobrang anghang ng sawsawan nag-gulaman sa may sc, parehas kaming nakadalawa ^_^. ang saya ko. siya ang tumupad sa pangarap ko for the week. hehehe. sabi namin dalawa e uulitin namin un. kapatid ko talaga ung si Alex, ang saya namin pareho e.
in the end, mei hang over pa ako ng ----trip (hindi ko alam kung anung klase e) namin ni alex. ^_^

Tuesday, August 16, 2005

ang field trip sa geog1

pagod kung pagod ang field trip na ito. kasama ko ang isang orgmate, si Andrew. siya lang ang ka-close ko doon kaya kahit di ko siya kaklase e tabi kami sa bus at siya ang ultimate kasama ko. cuddly naman si Drew kaya masaya. pero tulog lang naman ang ginawa ko sa bus e. palagay ko ang seatmate ko ay ganun lang din ang ginawa. tapos dahil late na kami umalis at maulan pa ng sobra dahil bagyo pa nung pumunta kami sa taal,tagytay e direcho na kami agad sa philvlocs. pero bago ang kwentong philvolcs, eto funny, ang daming times na tumigil ung bus namin dahil ang pasaway ng mga lalake, parating nasi-cr. hehehe. sabi nga nung isang girl na malapit (physically) sa akin, "ang daya ng mga lalake, dapat tumigl di para mak-cr naman ang mga girls". hehehe. ayon, kwentong philvolcs na. salita lang ng salita ung mama (guy na matanda ha hindi nanay) doon. kelangan ko nang magbanyo at iisa lang ang banyo doon. ang malupit, may isang guy na clssmate ko ang nais ding gumamit ng banyo pero buti na lang at ladies first. tapos ang laking gulat ko na kasama pala sa field trip ung crush ko nung fopc times pa, at eto for the record, bading siya.
ok next na lang. walang kwenta un e. so eon, kelangan na sumakay ng bangka para makarating sa crater. e may crush ako sa class namin (pero di to level ni m***** ha... para lang mei tinitignan sa boring at nakakapagod na sem na ito) kaso ang layo niya sa amin ni Drew kaya di ko siya naging kagrupo sa bangka. angsay pa naman. sabi namin ni Drew dun kami sa mei dulo sa unahan dahil maganda ang view, e umuulan, kumusta naman? naligo ako ulit. kumusta naman ang extra shirt lang ang dala? ewan kung bakit di ko sinunod ang palno kong magdala ng extra pants at slippers. after ng boat ride ang nakaka-excercise at test ng endurance na trek papunta sa crater. itong trek ay talaga naman. nadulas ako ng paupo level ng dulas. tapos puti pa ang rubbershoes ko. nung naglalakad na, mejo malapit na ako dun sa crush kong classmate. pero kebs. maya na ang kwento bout him. lakad pa... lakad pa... amoy oregano na ata ako at madami na akong nasalong tinik ng mga halaman. ayan na ang crater! hindi pala pedeng maligo... ok lang. naligo na ako sa ulan dahil nakakatamad magpayong. kain. pahinga. ok balik na.
lakad ulit. sabi namin ni Drew dun kami sa may unahan para una kaming makakabalik. e napagod siya. chubby kasi e. hehehe. jox. isa pa rin naman kami sa una pero hindi ultimately una. dahil matagal ang dalawa naming boatmates, chika muna kay manong driver... dun na kami sa likod dahil ayaw na namin mabasa.
pagbalik sa philvolcs, hindi tumigil ung bangka sa dapat niyang tigilan kaya si Drew ay nabasa, ako, nagpabuhat kay manong. senyorita e. hehehe.
lunch time ng mga 3pm dahil snax lang kami dun sa crater, sa isang karinderiang sosyal. andito ulit si crushie. nilibre ako ni Drew ng inumin. hehehe. balik na sa bus.
on d way home, tulog ulit. pero maginaw sobra dahil basang-basa ako kahit ang jacket ko. kaya nung tumigil ung bus sa may starbucks, nagpabili ako kay Drew, dapat lilibre ko siya e binayaran na niya ung kanya, bahala siya. siya lang ang bumaba dahil nga senyorita ako. hehehe. ayon tapos updates ng UP game mula sa isang classmate na tumawag pa sa isang friend para magpakwento. si Drew ay ganun din, tinawagan ang girlfriend na hindi naman taga-UP para magpa-update... abala tong si Drew oo... ayon tas... uwi na dahil sobrang pagod, tulog ulit.

ang crush ko for the sake of having one...

astig to kasi ang alam ko mei girlfriend na siya at yun ang dahilan kung bakit ko siya crush. ang pinaghihinalaan kong gf niya ay clasmate din namin at nandun din sa field trip. pero hindi yon ang astig. eto...
hindi sila sabay pumapasok sa clas. palaging nauuna ung babae at tumatabi siya sa mga kaibigan niya. ung guy, wala siyang kaibigan sa clas kaya usually e alone, pero dahil marunong humirit e nakakita din ng mga katropa. pero pag may time sila na maging together e nagtatabi naman sila pero hindi pda. tabi lang talaga sila. tas pagtapos ng clas e nauunang umalis ung lalake.
ning field trip hindi sila tabi sa bus dahil katabi pa rin nung girl ang friends, ung guy ay may sariling mundo. sa boat ride, di sila boatmates. di rin sila sabay sa trek. pero sa madudulas na parte, hinintay nung guy ung girl para alalayan. from there on sabay na sila. tas, such an entertaining guy talaga, dun sa crater e nagkaron ng challenge. paramihan ng talbog ng bato na magagawa. nakalima atang talbog ang batong binato niya (ay, redundant...) tas nung kainan na, magkasama ang friends nilang dalawa tas inantay nung guy ung girl bago kumain. adik. super duper sweet sila. astig talaga.
sila naman talaga di ba?
eto pa... nung exam namin, nalaman kong inaantay pala nung guy ung girl sa labas dahil naunang natapos ung guy... i guess ganun talaga sila everyday, antayan... super sweet!

Wednesday, August 03, 2005

ang wierd ko pala...

kaninang umaga, papasok na ako ng skul... parehas na ruta pa rin, de riles kasi ako. sakay ng trike, baba sa hi-way, tawid sa overpass, sakay ng jeep na papuntang cubao, baba sa petron, lakad papuntang sakayan ng katipunan... wait. tingin sa semento at i-chek ang ichura? kasama ba talaga un? shet! araw-araw ko palang ginagawa un... kahit saan pa... papuntang skul o pauwi ng bahay! mirror ba ang shadow? sapat na bang tignana ang anino para masabing presentable na ako? hayop. ang jologs ko pala. isipin mo na lang, nag-aayos ako ng buhok habang naglalakad at nakatingin sa semento. ummm... baliw? malayo sa katipunan ang mandaluyong di ba? hehehe. gaga ko talaga.

eniwei, ang saya ko dahil nakanood ako ng sine... at record breaking ito dahil premier(?) ng charlie and the chocolate factory tapos napanood ko na at sa sine mismo ha! wooohooo! di tulad ng spongebob movie na mas maaga pa sa screening date nung mapanood ko salamat sa mga kaibigan kong pirata. hehehe. at eto pa. first time ko kaninang pumunta ng sm north (iha, taga-UP ka ba talaga?) at ang isang blockmate na de koche na first time din pumunta don, at isa pang blockmate ang nagdala sa akin doon at sumama sa aking manood ng sine. ang saya talaga! tapos kami lang ata ang tao sa sinehan... woohooo!

tapos nag-GA kami kanina... ako ang nag-update sa committee namin dahil ako ang head sa upcoming event ng libecom--ang sportsfest... na gaganapin sa sabado... na araw ng field trip sa geog. kumusta naman ako? head pa ang nawala sa event di ba? pasaway! gaga lang the whole day... ngayon, pagod na at marami pa ring kelangan gawin.