Getting over chem.
ayoko na ng chem. kakasawa nang sumakit ang ulo kakaisip sa tamang formula at equation. Kakasawa nang paikutin ang sarili ko sa pare-parehong tao; mei iba pa din naman akong subject. Siguro interesting rin naman sila.
Kanina, damang- dama ko un—kelangan ko din ng ibang mundo, di lang chem. at mas madaling malaman un kapag mei org mate ka nang nagtatanong tungkol sa presence mo sa tambayan, at kapag hindi ka na makarelate sa usapan ng mga tao sa org tuwing mei mtg na kelangan mong pumunta. Shit!
Psyh 101 na lang. dun ko talaga gusting papuntahin ung topic. Hindi ko lang gets kung bakit nilaglag ko ung sarili ko sa topic ng org ko at pagiging “the bad example” member. Eon, so psych na nga.
Dahil sa mahal kong subject na ito, nalaman ko kung ano ang mali sa akin. At sa problem-solving methods ko. fixations. Hindi ako lumalabas sa kahon ng problema, or ikinakahon ko ung problema at iniisip na hanggang dito lang ang pedeng maka-solve sa kanya (tao ba ung prob?). at least alam kong mei natututunan ako sa major ko.
Isa ko pa palang natutunan ay, na may pangalan pala ang konsepto ko ng “isang teyorya lag ang common sense dahil walang bagay na pare-pareho ang pakahulugan ng mga tao.” Ito ay tinatawag na false consensus effect. Ang saya! Damang-dama ko nang psych major ako! Woohoo!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home