Saturday, April 30, 2005

regrets... feeling it is defferent from reading it...

may conflict ako sa isang group of peeps. at sobrang guilty ako when they come to mind. alam ko kasing ako ang at fault. one day i wished to papa god na sana makatabi ko siya (isang specific person na feeling ko maiintindihan ako pag nagpaliwanag ako tungkol sa dahilan ng actions ko) sa jeep or sa trike. antagal kong nag-aantay at feeling ko hindi para sa akin ang wish ko na un dahil hindi naman ipinagkakaloob. minsan nga sobrang naghahanda ako ng speech para if ever mangyari ung hiling ko e prepared ako. hayy. tapos one day natuwa siguro si papa god sa akin at ibinigay niya ang hiling ko. kaya lang kulang pala ang preparations ko. hindi nag-work ang plans ko. and this is the most unexpected thing to happen when this wish was granted. @#!#@#$ hindi ko nakilala ung taong gusto kong kausapin. it's the most stupid thing on earth to happen. nalaman ko lang na siya un nung bumaba na siya. siyet! katabi... sa jeep... at eto pa ha... kahit sobrang luwag nung jeep dat tym e super katabi ko siya dahil mainit, gets isiniksik ang sarili para itago ang sarili sa haring araw. katabi ko siya at wala akong nagawa. e well, tapos na un. siguro dapat pag hihiling ako kay papa god dapat isama ko sa hiling ang self- factor. malaking bagay pala un. regrets. sa mga dapat ginawa pero hindi nagawa.

ang husay talaga ng summer... magpasakit ng ulo!

akalain mo un? hayop! akala ko i'm taking summer just for fun. ung para lang makabawas ng load sa sem na aabutin ako ng siguro lampas ng 20 units... at para na rin may ibang dahilan ang pagpasok bukod sa magpakabibo sa org para sa fopc... mali ang akala ko... ang grade pala na makukuha ko sa subject na kinuha ko ay idadagdag sa previous sem... eto ang problema... nagcompute ako ng grade ko last sem at lumalabas na cs ako. pressure dahil sa sobrang dali ng math100 (sarcastic ako... pero alam kong marami pang mas mahirap na math jan...) at sa bilis magsalita ng prof ko... at sa sobrang seryoso kong mag-aral, sobang masaya talaga to... woooohoooo! pressure! dapat uno na to! pucha. bukod pa sa pressure na i-redeem ang sarili mula sa tres na math17. wala nang ibang venue para gawin ito dahil ito na ang huli kong math! syet!
eto pa. mei destiny ako ngaong summer na magtingin ng magagandang damit at tsinelas. summer kasi at mas comfy ang mga ganun. tapos pagdating ko sa store, ready na akong bilhin dahil sapat na ang naipon kong pera... kumusta naman ang gusto kong mga bagay? nasa kamay na sila ng ibang tao at di sapat na mei pera akong pambili dahil wala na ung bibilhin ko. hay. sana ma-enjoy ko talaga to... totally! woohoooo!

sabi ng candy... at ang buhay kong parang basura

candy mag: libra... it's time to let the cat out of the bag, dear libra! secrets you've been keeping should be revealed this month in the proper forum. keeping them will only lead to more hurt in the future. don't worry about rejection. coming clean will only show you who your real friends are.
ang buhay kong parang basura... mukhang tama ang candy mag dahil kahit hindi ko naman planong sundin ang mga sinabi niya (hindi ko dindibdib ang mga horoscopes no... nakakatawa lang talaga na may mga taong sinasabi sa iyo ang mga dapat mong gawin dahil parang alam nila ang bukas)e nangyari pa rin. may mga secrets na akong lumabas kaya technically ay hindi na sila secrets. hindi ko nga lang sure kung proper forum un. pero, tulad nga nga sabi ko, ang buhay ko ay parang basura... sinegregate (rootword: segregate) ko muna bago ko itinapon sa labas ng bahay ko. may mga bagay na pedeng malaman ng friends, may mga bagay na para lang sa strangers, at may mga bayay na sarili na lang ang makakaintindi.
ewan ko kung dapat ko ba talagang ikatuwa na meron akong dating secret na hindi na ngayon. mejo hati ang pagkatao ko tungkol sa ganyang bagay e... hehehe. syet, bigla ko naimagine ung hating pagkatao. hehehe.

Tuesday, April 26, 2005

regrets...

***REGRET in many ways is a fate worse than death. it is unchangeable and there is no justification worthy enough to cure it. don't let yourself fall victim to it.

i guess i have read that fic for the thousandth time. maybe i'll never tire reading that despite the very samll fonts of my copy (arial 5). hehehe. i simply love it. it discusses life and philosophies about it. a very insightful fic. although i must warn those people who are not fond of yaoi; this is a yaoi gundam wing fic which contains citrus in very minimal amount.
if you are still interested, search yahoo or google for "regret by niko". it also has a sequel-"chance". hope you enjoy reading.:)

hay, ang summer... ang INIT!!!!

kumusta daw ang summer ko? gumigising ako ng 5am dahil sabay kami ng ate ko kung maligo at pumasok. ang ate ko kasi 7am din ang 1st class, tulad ko. kailangan kasi namin magsabay sa tricycle dahil pareho kaming na-gi-guilty pag mag-isa lang sa trike hanggang highway. kaya naman dumarating ako ng maaga sa up... isipin na lang natin na 6am ako umalis ng bahay e kapag regular sem at 8 ang class ko (meaning sumasabay ako sa mga humahabol sa rush hour) e 30 mins. lang ang papuntang up. kumusta naman ang mga toki jeep na nagsisimula pa lang atang pumasada ng 6:45. lakad ang beauty ko. paano pa kaya katulad kanina na hinatid ako ng tatay ko? ako ata ang nagbukas ng math building. hayop! pero okay lang dahil at least gising na gising ako pag nagtuturo ang prof kong mabilis magsalita. hehehe.
eto pa. ang effort talaga ng may org. pero masaya pa rin. kumusta naman ang fopc? ang init ng tambayan sa vinzon's. buti na lang 2nd floor ang tambayan namin kaya bawas effort na rin sa pag-akyat. hehehe. kaya rin hanggang 11 ako sa up kahit 935 ang tapos ng klase ko. ang malupit pa mei mga ga ang fopc na 3pm pa. hayop! tambay everywhere na ito! kinita ko na si cathe para sabay kaming mag-lunch, nabulok na ako sa nook. ay naku!
kumusta naman ang plano kong mag-aral mag-drive? pede pang ipagpaliban un! at ang plano kong ayusin itong pinakamamahal kong blog... ipagpaliban na rin. kelangan magpakabibo sa math 100 at fopc.
*** masaya ako ngayon... hehehe, myk, akala ko math 100 din ang archi? mali ba ako? hehehe. nakita ko si miguel at sabi niya nagsa-summer daw siya ng math 53... gusto nating hulaan kung anung course niya? hehehe. ansaya ko. namamansin pa din siya. nice guy!;)

Saturday, April 16, 2005

sniff, sniff, sniff...

it's kinda freaky how a certain scent could trigger so much memories. or maybe it scares me because of my retrieval failure, which inhibits me from seeing the huge picture of a memory. i could not fully understand the past that my sense of smell presents to me. it simply becomes a familiar feeling. detatched from the rich meaning that used to make sense to me.
this scares me a lot. to death. what if my nose's retrieval failure is contageous and then infect my eyes? what if both of them bacome unable to trigger memories? my eyes store more events, pictures and feelings like my nose. what do i do without those? what happens to the memory lost? will the world still make sense? will i still matter?

on being trowa

someone once told me that among the five gundam (wing) pilots, i am trowa.
it was so long ago, and i think it was quite late for me to search trowa's profile now. but i did. i didn't watch the series, i just read fics. what brought me to searching for his profile is not of importance; what's important is that i did.
the only thing i knew about him was that he is a silent type, quite indifferent at that. i thought, yeah somewhat me. but when i read about him, i learned the reason behind this attitude, it's quite surprising. as a kid, he lost his family and was forced to fight in the war; and as a teen, he was forced to be a gundam pilot because it was an alternative over death. he doesn't have choices, he does things because there is nothing else better to do. it was said in his character analysis that he cares so much for quatre because he reminds him of the innocence that he lost as a kid. he fights wishing that the ugly past that he had would no longer exist for others and hoping that the beautiful face of life would be shown to him... in time. oh, i forgot to say that as a teen, he did not have anything. no friends, no family, no past, not even a name. trowa is actually not his name but was a name he was aked to use. his past was not with him too, selective amnesia maybe. and thanks to the other gundam pilots, he had a social life. that was all he had.
then i thought, is trowa living here inside me? there are just so many things in common although not all the things i wrote are included. just striking resemblance. but i like being him. there are just things that even pain could not stop me from seeing beauty.

the self

naalala ko ang kwento ni ayen sa akin bago kami mag-exam sa chem. ang movie na the terminal. naaalala ko na ung bida doon ay nagtagumpay... o masasabi ng mga tao na nagtagumpay dahil iisa na lang ang papel na ginampanan niya sa buhay niya nung panahong iyon. ang maging mabuting anak sa namatay na ama. tapos naisip ko ang mga roles ko sa buhay and sometimes the schema of my roles are triggered within me by a name. yeah. what's in a name?
wala lang... kasi ganto yan. i realized that in the past (more or less) 17 years of existence, i've had roughly 20+ names. i've been patty to immediate family members, to all relatives, childhood friends and all my ate's friends. i've been fao/fau to all my highschool and college friends/aquaintance... whatever. i've been fai to some orgmates. i've been faoey (hehehe, pa-cute lang) to my kada.
there are also special names that only one person is allowed to call me that way. hehehe. patty-pul... ate makri... amishu!
honey star... to my koko krunch.
pillow... to my beloved shie.
nyt... to my nyt too.
kimbies to my kimbies.
kapuso... to my kapuso...
my lab... to isang my lab.
farts... to my farts...
these names... i would not allow anybody else but the people listed beside the name to call me that way... because schemas are schemas and i don't want to confuse myself. i can't be like the lead in terminal; these names represent the different selves within my self that keeps me far from accomplishing my tasks easily. but i do love these selves, and because some are quite hidden at this moment, i miss that part of me, which surely, at the time when it was the most active self, i was very happy.
i hope the people listed above also have only one person (me) to call them the special names i wrote. hehehe. pasaway lang. pa-espesyal... parang halo-halo na may 12 na laman at may ice cream pa... woooohooo. sarap!

Saturday, April 09, 2005

hindi ako malungkot, naalala ko lang.

ikaw na nagsabi sa akin "alam mo pag umiyak ka, magagalit ako sa mundo. ano pang sakit ang kaya niyang ibigay para paluhain ka?"
hay. nung oras na sinabi mo iyan sa akin, tuwang-tuwa ako. mahalaga pala ako sa iyo. at ganito kahalaga. dahil sa iyo pinilit kong maging matatag. ikaw ang nagpaalala sa akin na kaya ko. pero mukhang nagkamali ka.
mali ang taong pinili mong paniwalaan. kulang ang lakas ko para ipagpatuloy ang ganitong laro. buti na lang wala ka. hindi mo nasaksihan ang pagguho ng mundo ko. hindi mo rin nalaman ang di ko pagtupad sa pangako ko. dapat kasi pinakinggan mo ako nung sabihin ko sa iyong darating ang araw na matatabunan ang kalaliman ko at magiging tulad na ako ng iba. pero ang pagtanggi mo sa araw na iyon ang nagpapaniwala sa akin sa sarili ko. buti na lang at hindi mo alam.
asan ka na ba ngayon? antagal na nating hindi nagkita. kumusta ka na kaya? nakita mo na ba ang hinahanap mo? sana... para sumaya ka naman. kahit sa iba...

Friday, April 08, 2005

mukhang tama si myk.

kanina andito ang mga pinsan kong bata. mga 4-9 years old.
nakipaglaro sila sa ate ko.
habulan harutan at kung anu-anu pa.
dedma lang ako. di ko trip e.
tas naalala ko ang palaging pang-asar ni myk.
mukhang may punto siya.
hindi nga ako naglaro nung bata ako.
hindi ko na-enjoy ang paglalaro. hindi ako natutuwa sa ganun.
ala lang. sharing.

kung minsan naiisip ko...

sana...
...hindi na lang naimbento ni edison ang bumbilya para naman mailaan ko at ng iba pang tao ang gabi kung saan ito talaga nararapat--pahinga.
...wala na lang oras para hindi malimitahan ang mga masasayang pagkakataong nagaganap sa bawat buhay. hayaan na lamang na ang kalikasan ang tumulong sa atin para hatiin ang araw para sa iba't ibang gawain.
...wala na lang gatas na pampatalino ng baby para hindi agad mawala ang pagka-inosente sa mga bata, walang kumpetisyon sa murang edad. matututunan din naman nila iyan sa tamang panahon.
...ang buhay ng tao ay may eraser at permanent marker.

hindi ako malungkot, naalala ko lang.

ikaw na nagsabi sa akin "alam mo pag umiyak ka, magagalit ako sa mundo. ano pang sakit ang kaya niyang ibigay para paluhain ka?"
hay. nung oras na sinabi mo iyan sa akin, tuwang-tuwa ako. mahalaga pala ako sa iyo. at ganito kahalaga. dahil sa iyo pinilit kong maging matatag. ikaw ang nagpaalala sa akin na kaya ko. pero mukhang nagkamali ka.
mali ang taong pinili mong paniwalaan. kulang ang lakas ko para ipagpatuloy ang ganitong laro. buti na lang wala ka. hindi mo nasaksihan ang pagguho ng mundo ko. hindi mo rin nalaman ang di ko pagtupad sa pangako ko. dapat kasi pinakinggan mo ako nung sabihin ko sa iyong darating ang araw na matatabunan ang kalaliman ko at magiging tulad na ako ng iba. pero ang pagtanggi mo sa araw na iyon ang nagpapaniwala sa akin sa sarili ko. buti na lang at hindi mo alam.
asan ka na ba ngayon? antagal na nating hindi nagkita. kumusta ka na kaya? nakita mo na ba ang hinahanap mo? sana... para sumaya ka naman. kahit sa iba...

hindi ako malungkot, naalala ko lang.

ikaw na nagsabi sa akin "alam mo pag umiyak ka, magagalit ako sa mundo. ano pang sakit ang kaya niyang ibigay para paluhain ka?"
hay. nung oras na sinabi mo iyan sa akin, tuwang-tuwa ako. mahalaga pala ako sa iyo. at ganito kahalaga. dahil sa iyo pinilit kong maging matatag. ikaw ang nagpaalala sa akin na kaya ko. pero mukhang nagkamali ka.
mali ang taong pinili mong paniwalaan. kulang ang lakas ko para ipagpatuloy ang ganitong laro. buti na lang wala ka. hindi mo nasaksihan ang pagguho ng mundo ko. hindi mo rin nalaman ang di ko pagtupad sa pangako ko. dapat kasi pinakinggan mo ako nung sabihin ko sa iyong darating ang araw na matatabunan ang kalaliman ko at magiging tulad na ako ng iba. pero ang pagtanggi mo sa araw na iyon ang nagpapaniwala sa akin sa sarili ko. buti na lang at hindi mo alam.
asan ka na ba ngayon? antagal na nating hindi nagkita. kumusta ka na kaya? nakita mo na ba ang hinahanap mo? sana... para sumaya ka naman. kahit sa iba...

Tuesday, April 05, 2005

masaya talaga ako! woooohoooo!

aba. kelangan itong malaman ng maraming tao. konti lang ang mei alam ng blogsite ko pero pede na un. at least merong mei alam. mei isa akong friend na officially e mei lovelife na ngayon. a, hindi. mali pala un. mejo matagal na pala un pero ngayon nga lang ulit ako nagkaroon ng tym magblog. at kiligin. masaya ako para sa yo! smile. todo smile. hehehe. kinikilig ako.
kasi naman sila na ata ang mei pinaka nakakakilig na love story. ayokong ibuko ang taong ito dahil baka alam niya itong site na ito. o baka merong kilala siya tapos alam ang site na ito pero hindi niya dapat malaman ang kwento. eniwei ang pinakaimportante sa story nila is that wala silang formal ligawan. ayaw kasi nung guy na manligaw at mukhang nai-explain niya ng maayos dun sa girl ang rason kaya okay lang. pero truely, pati ako na-convince although ngayon e hindi ko na maalala ang explanation na yan. it has something about being special. at dahil dun e may na-realize ako tungkol sa sarili ko.
naisip ko na never ko pa naman talagang naramdaman ang romantic love. thank god. ang mga laman nitong blog na ito na tao e... well, hindi ko talaga sila romantically love. pero love ko pa rin sila. the point is special lang talaga sila para sa akin. so bitter-bitteran lang talaga ang lahat ng ito. mas masarap lang talaga maging malungkot. pero malungkot maging palaging malungkot.
kaya ngayon masaya naman ang drama nga buhay ko. tigil muna sa luhang hindi naman tumutulo. mei next time pa naman para sa baha ng luha sa loob ng katawan ko. hehehe. pero actually meron pa rin akong dapat ika-lungkot ngayon. hindi nga lang ito ang gusto kong panahon para isipin un. kailangan kong ngumiti. kasi hiniling niya. hehehe. smiley!
woohooo! summer is here friends! sana makapunta ako sa hundred islands ulit. sana matuloy ang summer getaway ng kada. woohooo! i'm super excited!!!!!

hay, may nakalimutan ako.

hehehe. masaya nga pala ako ngayon, hindi lang dahil marunong na akong ngumiti pero dahil may nababasa na akong comments ng mga tao. salamat kina karen at myk, nalaman kong may tao pa pala sa mundo. pero hindi ibig sabihin nun na gusto ko nang malaman ng mga tao ng blogsite ko. pag nangyari un mas malupit na screening ng mga contents ang gagawin ko.
hindi kasi ako ung tipo ng tao na prangka. hindi ako marunong magsalita kaya pinipigilan ko ang gawin un. tapos madami pa ang magiging audience. aba. pipi na ako.

uyyy. kumusta naman ako?

sabe ni karen, sabi daw ng friend niyang si meg, ang blog ay ginawa para sa pakikipag-usap sa sarili. hmmmm. hindi kaya pang-baliw ito? pero hindi yun ang point ko. gusto ko lang i-justify ang title ko ngayon.
aba aba aba. ilang araw akong hindi nag-internet kaya naman hindi ko nalaman na lumabas na pala ang result ng pre-enlistment for summer at ngayon ang last day for 2nd enlistment. pucha talaga. hasel. hehehe tagalog un! eto pa. ang aking pinakamamahal na mailbox ay may lamang 685 unread messages. o ano? laban pa? ganyan kapag adik.
bahala na ang summer pero hindi pedeng hindi ako magkaroon ng subjects for summer kasi may trabaho ako sa up. hay. sana hindi sakit ng ulo tulad ng chem.
kanina lang e mejo bored na ako. hindi ko na kasi kailangan gumawa ng komiks. hindi na kailangan gumawa ng paper. hindi na kailangan intindihin ang anthropological explanations of everything around us. hindi na rin kailangan magbasa ng chem buk at subuking magsagot ng sample exams. wala na akong gawain na obligado akong gawin. ang resulta. inaya ako ng ate ko na gumawa ng bag mula sa isang pantalon na beyond repair na at hindi na isusuot ng matinong tao. ang resulta, okay naman. pedeng gamitin. ni gagay. bahala na siya dun.
ngayon. super excited talaga akong mag-blog. dapat nga kahapon e. kaso natulog ako ng maaga dahil sa sobrang pagod ng isip ko dahil sa chem exam. sa mga hindi naman nahirapan e okay lang un. kulang lang talaga ako sa aral.
marami na akong gustong i-type dito. pero knowing myself, gusto kong sa isa pa uling post ilagay ung mga un dahil ang mga posts ko dapat coordinated, dapat per topic. hehehe. naisip ko bigla na hindi pala coordinated ang mga posts ko. well, kelangan ko munang ayusin bago ko ilathala at hayaang mabasa ng mundo.