Thursday, December 22, 2005

panahon ng nakawan

akala ko ang pasko ay panahon ng bigayan at mahalan... oo nga at nagmahal na ang mga bilihin at lalo pang humirap ang pera ngeon dahil marami ang kelangan ilaan para sa araw ng pasko... pero hindi ko talaga masakyan ang konsepto ng panloloko at sapilitang pagkuha ng gamit ng iba.
muntik na rin kasing mabiktima ang pinsan ko ng magnanakaw sa jeep... buti pa siya at muntik lang samantalang ako e natuluyan... pero ang mahalaga rito ay ang katotohanang takot ang dulot ng mga ganitong pangyayari. sabihin mang naiwasan niya ito ngeon, ano ang kasiguruhang hindi na mangyayari iyon ulit... lalo na sa akin. muntik na nga siyang manakawan e na-singahan pa ang ulo niya. yuck! how baboy can they get? ok. bagong modus yun... o luma na pero ngeon ko lang nalaman.
hay naku. kung minsan, nag-iingat ka nga pero ang ibang taong walang magawa sa mundo e hinahabol ka naman... syet!

ilang tulog na lang... pasukan na!

alam ko naman na mauuna ang pasko kesa pasukan pero hindi ko maiwasang isipin. dalawang linggo lang pala ang bakasyon at marami pang dapat gawin bago ang pasukan kaya wala rin kahit walang pasok. parang may klase pa rin wala nga lang prof. oh wel. buti na lang at karamay ko ang ate ko na namo-mroblema naman ng kanyang feasibility study tungkol sa mga kapihan... anu nga ba ang mgandang pangalan ng coffee shop kung mejo filipino (modern) ang tema? kaya kahit dapat ko nang matapos ang paper sa Kas1 na ndi ko pa alam kung paano gagawin dahil wala akong ideya sa kung ano ang inaasahan ng aking propesor na laman ng isang kasaysayan ng angkan, nakikiisip na rin ako para jan... idagdag pa ang floor plan ng site na ako na ang gumuhit kahit hindi naman ako marunong... oo na. nakakaawa ang ate ko dahil wala na siyang ibang mahingan ng tulong dahil wala ng pasok at ang hirap kausap ng mga partner nilang tga-cfad... pero nalaman kong masaya din palang isipin ang mga ganung bagay. nitong mga nakaraang araw kasi e pinipilit kong ipasok sa utak ko ang mga binsa ko tungkol sa aggression, physical attractiveness at persuation... nabigo ako. kain kasi ako nang kain ngeong bakasyon... at dahil malamig... tulog muna... in short, buhay baboy. syet. i bet nadagdagan na ulit ang timbang ko... bahala na ang weight training pagpasok ko.

asianovela overload...

ang adik ko talaga ngeon bakasyon. nanonood pa ako ng frog prince, amazing twins, 18 vs. 29, star, only you, chun hyang, stained glass... and the like. buti na lang at wala kaming cable... kung hindi ay hahaba pa ang listahang yan.
ewan ko ba kung bakit wala akong kasawa-sawa sa mga ganyang kwento e umpisa pa lang naman e tinuturo na kung sino ang para kanino. parang yung frog prince. yung iba pa e rewind na... aioko nang isa-isahin. naalala ko tuloy ang sabi ko noon na ang meteor garden 1 kahit ilang beses pa ulit ipalabas e papanoorin ko pa rin dahil... wala lang. ok ang jologs nun.
pero ganunpaman e totoo naman. paborito ko pa rin sina charlie at gary pero mas gusto ko si charlie dahil masaya siya. gusto ko ulit mapanood ang scent of love (meron bang may alam na mei ganitong palabas bukod sa akin?) dahil hindi ko nasubaybayan nang maayos un at masaya dahil hindi naman nagkatuluyan ung dalawang bida. gusto ko si christopher dahil mei pinapaalala siyang tao sa akin... iniisip ko kung saan pang koreanovela ko nakita si tj han, pamilyar siya e. ang galing ng ideya na may nakaraan sina charlene at ronald kaya hindi kasing karaniwan ang ganitong kwento na basta-basta lang mangyayari sa isang mahirap at mayaman. ampogi lang talaga ni lee dong gun.
pero sa totoo lang, mga fave scenes ang nakakapagpaalala sa akin ng mga palabas na to lalo na ung mga hindi ko na napapanood ngeon. ung sa scent of love, ung moment nina mike at jeric... astig na best friends. ung amazing twins e nung mamatay si gigi... mahal kasi siya ni charlie. sa meteor garden ung pagkikita nina lei at shanchai pagtapos suntukin ni shanchai si dao. sa dolphin bay nung kinanta nung kalaban ung long long journey... mas maganda ung version nia e. sa frog prince naman e nung tumutugtog sila ng piano tas akala ko naalala na ni ronald na mayaman siya tlaga. ung sa only you e nung pinipilit ni jilian na mei responsibilidad sa kanya si tj dahil lang magkababayan silang nagkita sa ibang bansa. cool. tapos sa my 19yr old sister in law e kapag sinasabi nung bidang babae na "ayan. kumikislap na naman ang mata mo dahil nagso-solve ka ng math probs." lalo pa nung hiniritan siya nung kausap niya "ikaw din kumikislap ang mata mo." "huh? hindi naman ako mahilig sa math problems a." "hindi dahil dun, dahil sa luha." paborito ko naman ang paraan ng pagtugon ni chun hyang sa patibong ni sander... ung ndi na daw siya magpapakita sa kanilang dalawa. go girl!
syet. e puro pa naman un love stories...
sana manalo ung haplos na touch flick... andun si mark heras e. ultimate jologsness. pero un lang kasi ang maganda.
basta. paminsan talaga e pinag-iisip din naman ako ng mga jologs na love stories. sa bagay, wala namang love story na hindi jologs e. aii, ung kina cathe at jolens pala cool. in one way or another. eniwei. bahala na. basta. sana movies naman! the classic pa rin ang number1 sa isip ko.

Monday, December 19, 2005

krismas break nga ba?

ang ewan nito... wala dito ang mga magulang ko at nasa malayo silang lugar... at kinailangan namin ng ate ko na lumagi sa ibang tahanan... ang sad. namiss ko tuloy ang bahay namin... ang weird... hindi ako makapag-net... hindi makagalaw nang maayos... kasi hindi ko naman bahay un e. but am back sa aming home sweet home... may pasok pa rin ang ate ko at kasama ko ang lola ko...
pero kahit naka-ilang araw nang walang pasok e minumulto pa rin ako ng natambak kong trabaho... 3 papers... 2 sa GE at 1 malupit na major... kumusta naman ang rrl na hindi ko pa naman tapos basahin ang mga lit. syet... at ang kas1 paper na tungkol sa mga ninuno ko pa... ewan... mas may pag-asa pa ung paper tungkol sa lantern... pero kung meron ngang pag-asa un, bakit kaya ndi ko pa ginagawa?
buti na lang at ndi pa din tapos ang globe unlimited... nakakabati pa rin ako sa madaming tao... kahit mukang asar na sila sa panggugulo ko... hehehe. buti nga naalala ko pa e. sana hanggang pasko na at bagong taon pa ang unlimited.
andami ko pang dapat gawin at wala pa akong nauumpisahan dahil ang nakikita ko e ang ideyang krismas break at pedeng maging bum. pero bawal un...
wala kaming krismas tree ngeon... wlang parol o kaya krismas greeting sa dingding. buti na lang at mei bnigai si marize na cd ng krismas song at un ang pinatutugtog ko ngeon... dalawang maliit na santa claus at mga pundang pamasko ang nagpapaalala sa akin na malapit nang dumating ang araw na dahil ng matagal na walang pasok... ang lamig...
sa labas... dito sa kwarto, kung walang aircon e mainit... hay naku... dito na lang ako sa kwarto tatambay sa araw ng pasko...
tulog na ang mga kasama ko sa bahai at ako'y nagsusunog pa ng taba. kelangan ko to dahil ang panahon ngeon e nagtutulak sa aking kumain ng marami... at gumawa ng konti... aii ndi... ndi na pla gumalaw... tamad!
aioko na... aioko na pumasok pero aioko maburo dito sa bahay... anlungkot... paskong-pasko.

Wednesday, December 14, 2005

paasa lang... naisip ko pa

isang taong walang pangalan ang nakakainis dahil paasa.
noon kasi sabi ko na makikilala ko ang soulmate (ok jologs) ko sa pamamagitan ng pagpapakilala niya sa akin. unang una ay hindi ako nagpapakilala ng sarili ko. pangalawa dapat ay siya ang magsabi ng pangalan niya sa akin at dapat sasabihin din niya ang pangalan ko. tipong "hi. i am... ang you are?... ah. hi fatima." at dapat twice tong mangyari. ok... signs na jologs. dahil jologs ako. pero mga grade school pa ako noon ha. centuries ago na un... at nakakainis dahil naalala ko pa. at ang lupit nito e mei taong halos magawa niya un. pero hindi naman kami close kaya paasa talaga. halos mangyari na... halos soulmate na pero natatapos lang sa halos... note nga pala na pedeng babae to ha. walang soulmates na hindi close. sana malapit ko na talaga siyang mahanap...
gec! ikaw ba yan? sabi ko na at ikaw lang ang hinihintay ko e... hehehe.

christmas wish...

pangalawang pasko ko pa lang ito sa up at... ewan. bukas ko pa malalaman kung masaya ako. kanina naman ay masaya ang mga pangyayari... krismas party at carolling. kumain ako ng madami. kumanta rin ako ng madami. ang galing (ko? ewan... namin? ewan pa rin...). gayunpaman ay hindi pa rin ako masaya sa kabuuan ng buhay.
siguro ay masyadong malaki ang inaasahan ko sa panahong ito na dapat ay makapagpasaya sa akin kaya hindi ko na nakikita ang talagang saya nito. basta naniniwala pa rin akong ang pasko ay para na lang sa mga bata at sa ngayon (oo, aaminin ko na) hindi na ako bata.
ang hiling ko sa paskong ito ay higit na sa laruan, libro, damit na pamasko...
alam na ng lahat ng tao ang tungkol sa pagkakaroon ko ng deadline sa pasko. ang ingay ko kasi. naghahanap pa rin ako ng crush na didigain para sa sem na ito at wala pa ring nangyayari. ang UGBF ko ay ipinagkakait pa rin ng tadhana. hindi pa rin nagkakatotoo ang hiling ko nitong nakaraang kaarawan ko na hindi naman tungkol sa lalaki (dahil mas mahalaga pa rin ang grades at ang pagtatapos nang may babanggiting mga kakaibang salita pagkatawag sa pangalan ko...). ano na bang nangyari sa mga tagadinig ng hiling? kung sa pasko pa ako papakinggan ni santa claus ay mahuhuli na ako... ano nga ba ang hinahabol ko? wala lang... may tao na kasi akong nakikita at palagay ko kapag hindi pa bago magpasko ay wala na akong aasahan... ay UGBF nga pala un at hindi kung ano pa man...
hindi ko alam kung bakit parati kong iniiiwas ang sarili kong hilingin ang mga ganoong bagay. nauuwi tuloy ako sa pagbibigay ng deadline sa sarili ko. hai.
ngayong pasko. alam kong malungkot pa rin ako. tulad ng mga nakaraang pasko na hindi na ako bata. o hesus... baka naman ikaw ang UGBF ko... sana magkit't magkasama tayo bago magpasko.

salamat sa mga alitaptap

nakakatuwa dahil sa higit labinwalong taon kong namamalagi sa mundong ito ay hindi pa ako nakakita ng tunay at buhay na alitaptap kahit minsan...
isang magandang nilalang na kumikinang sa dilim. ang dami pa nilang nagliliwanag sa damuhan ng bakanteng lote malapit sa bahay nina lani. masaya ako sa karanasang ito! maipagmamalaking kahit minsan sa buhay ko ay nagisnan ko ang ganitong ganda!
wow!

Tuesday, December 13, 2005

sabi ni Papa God magpalit na daw ako ng hikaw

ok. hindi ko alam kung ano ang iniisip ko noong mga panahong iyon...hindi na ako nakapagsalita pagkatapos... marahil ay binabalikan na ako ng tadhana sa mga panahon ng panloloko ko sa mga kaibigan kong nakikita ko sa Katipunan.
hindi naman masama ang loob ko na nakuha ang hikaw ko e. sa palagay ko naman e sapat na ang tagal ng pagsisilbi niya sa akin... isa pa e luma na rin naman un at marumi na. tamad kasi akong magpalinis sa unisilver. isa pa un, mura lang naman siya.
ang ikinasasama lang ng loob ko ay ang katotohanang naloko ako at naisahan. nakakahiya pa dahil ang nakuha sa akin ay isang bagay na nakadikit na sa katawan ko... buti na lang hindi ang pinakamamahal kong telepono. nakakainis pa dahil nakakita na ako dati ng babaeng nabiktima ng ganoong paraan. kumusta naman ang dapat na pagkatuto sa karanasan ng iba? ang tanga ko talaga! naramdaman ko namang may humahawak sa tenga ko hindi ko pa siya napigilan. tanga! hindi pa ako nagsalita dahil ayoko naman ng eskandalo. ayoko na tinitignan ako ng maraming taong hindi naman malapit sa akin. iniisip kong hinuhusgahan na nila ako bilang papansin at kung anu-ano pa. oh wel. ito pa ang nakakainis. dahil ang nakabiktima sa akin ay isang barker sa katipunan (ng mga jeep na papuntang antipolo... sss at kung anu-ano pa...) pagkatapos niyang makuha ang dalawa kong hikaw e binigyan pa siya ng pera nung barker ng jeep na sinasakyan ko... kumusta naman ang reward? ang driver naman ng jeep na ito e wala ring ginawa pagkatapos kundi sabihan ang mga pasahero na ingatan ang mga suot na alahas. oh wel.
ayoko talaga ng pakiramdam ng naiisahan. responsable na ako sa sarili ko mahigit isa't kalahating taon na. sa nangyaring ito... ewan ko na kung responsable pa rin ako. sa kasabihan nga, ang mangyari minsan ay hindi na mauulit pero mangayring makalawa ay paulit-ulit na mangyayari pa. sa ngayon, inaabangan ko na ang pangalawa. hindi na ako naghihikaw. at hindi na ako tatanga.
opo Papa God. papalitan ko na ang hikaw na iyon. pero sa ngayon, isinusumpa ko lahat ng nakahawak man lang ng hikaw ko matapos itong kunin sa tenga ko, kasama na ang kumuha nito, magkakabukol-bukol ang katawan ninyo... magsusuka at ilalabas lahat ng laman ng katawan ninyo... pero hindi kayo mamamatay. aabutin ng daang taon ang buhay ninyo pero walang kikilala sa inyo bilang tao. pandidirihan kayo at lalayuan. mabubuhay nang walang pagmamahal. kailangan ninyong matuto ng aral kaya paulit-ulit na ipapaalala sa inyo ang araw na ito at ang iba pang nilinlang ninyo... at ang pagbabagong hindi ko alam kung kaya ninyo pang gawin. mahabang buhay ng pag-iisa.

Sunday, December 11, 2005

anlabo ng mundo ko... ikaw rin ba?

dahil ata to sa 115... nagi-guilty ako dahil ang pasaway kong partner. (sori marize...bati tayo ha...)
oh my god... malimot ko ba naman na kunin ang biblio ng mga references ko, paano na? tapos imbes na outline ang gawin ko e puro mga tanong ang ipinadala ko kei marize... lalo tuloy siyang naguluhan... ewan ko ba. nung binasa ko ung mga lit parang lalong lumabo ung topic namin. siguro dahil iniisip ko na ang pag-eexperiment at hindi ang dapat magawa ngayon na outline. buti na lang magaling ang pertner ko (ok... bawal pa rin ang social loafing pero bakit ganito ang content ng post ko?)

ang weird pala talaga ng psych... naalala ko tuloy ang sabi ni ma'am conaco na kapag parang wala kang interest na pedeng i-pursue for experimentation, better ask youself and assess the reason for being in the department. actually, ganun ang pakiramdam ko ngeon. but this is no turning back. no option of shifting... no giving up... mei 118 pa... ay hindi pa pala tapos ang 115. syet!

eniwei... lalo pang lumalabo ang mundo ko... siguro dahil magpapasko na at mainit ang ulo ko tas malamig ang paligid... foggy tuloy ang winshield... syet...

nahihiya talaga akong wala akong contribution sa outline namin... kaylangan palitan ang mindset bukas at mag-research na ng rrl para hindi na naghahabol sa pasahan. ayoko na ng gantong feeling!

Tuesday, December 06, 2005

si maxi...

gusto ko lang mag-plug na sana panoorin ng mga tao ang pagdadalaga ni maximo oliveros... matagal ko na siyang napanood. wala lang time magsulat dito. at dahil blog ko to, walang makakapigil sa aking mag-comment sa pelikulang un kahit ang nagbabasa pa nito e hindi pa un napapanood.

una, ang pogi nung pulis... para siyang si dennis trillo na macho at manly. pogi talaga.
pangalawa, mahal ko na si Kuya Bogs... pero bilang kuya lang... ung character at hindi si Ping Medina. napakalambing at despite that lalaking-lalake pa rin, di mapapagkamaliang bading. ang galing kasi kahit ni-braid (ng pambabaeng way) ni maxi ung mahabang buhok ng kuya niyang to e macho pa rin. hehehe. word for the day ang macho! favorite scenes ko yung ayaw kumain ni maxi dahil sa problema niya sa crush niyang pulis tas nilapitan siya ng kuya bogs niya at isinandal ang ulo sa braso niya. sabi ni maxi "kuya, ang bigat ng ulo mo." tas sabay shake ng braso para umalis na ang kuya niya tas sabe ng kuya niya "maxi, patirintas ng buhok ko." AWWWW. tas isa pa. ung nakita ni kuya bogs na malungkot si maxi at mei hawak na papel... kinuha niya ung papel at binasa tas kinausap niya si maxi sa loob ng jeep... sabi ni kuya bogs "o hindi na to makakarating sa bahay basta ipangako mo hindi ka na makikipagkita sa pulis na yon... kung hindi magagalit talaga ako sayo." tas umiyak si maxi sa balikat ng kuya niya. AWWWW ulit. asan na ba ang kuya bogs ko? dahil sa character na to lalo kong gusto ng kuya....
pangatlo, ang ganda ng story. cool ang idea na hindi ipakita ang title sa umpisa ng story bagkus e ihuli un... sakto sa oras ng pagdadalaga ni maximo oliveros. maganda rin ang konseptong naintindihan ni maxi ung pulis sa nangyari sa tatay niya. astig na isang hindi stereotype na pulis ang laman ng kwento at siya pa ang pag-ibig na nagdala kay maxi sa pagdadalaga. ang galing na ang katulad ni maxi e na-recognize ang na tama na ang oras at nakapagdalaga pa kahit na dalawang tulad niya ang dumaan at hindi tumutol sa pagkawala ng kabataan kahit hindi dinadaanan ang pagdadalaga. isang kakaibang perspektibo rin ang ipinakita tungkol sa kapangyarihan at kasamaan sa pagitan ng tatay at ng bagong chief. at ang pinaka nakakuha ng pansin ko ay ang pagpapakitang malapit na ang pasko (naglagay pa si maxi ng christmas lights) at ang pagtatapos ng kapaskuhan (tinatanggal na ng kapitbahay ang mga palamuting pamasko) ngunit hindi ipinakita ang mismong araw ng pasko o hindi nakita sa pamilya ni maxi ang pagdiriwang ng araw na ito. at sa huli, di tulad sa pagbubukas ng kwento, ipinakitang malinis ang paligid at si maxi lang ang laman ng kalye, bukod sa pulis na halos kasabay lang niya. interesanteng hindi sila nagpansinan nung pulis sa huli at hanggang ngayon e inaaalam ko pa kung anong ibig sabihin nun...
astig talaga. at gusto ko pa siyang panoorin ulit para marami pa akong maisulat tungkol dito. uulitin ko tong palabas na to... pag may pera na ako. hehehe. wish ko lang na sana ung napanood ko e walang cut. oh wel.

Monday, December 05, 2005

musika... buhay ko

ang sarap talaga ng pakiramdam pag kumakanta ako, kahit na ako lang ang nagkakaroon ng magandang pakiramdam. pakiramdam ko may lakas akong gawin ang maraming bagay (i.e. minutes sa kas, post dito, telebabad sa kaibigan). ok, ung mga nakasulat jan e ndi ko madalas gawin kahit ung telebabad part. isipin nio, gabi na at buhay pa rin ako kahit hindi na ako nag-dinner dahil tinamad na ako. ok sige... kanta pa.
" friends ask me how i feel, am nonchalant about it. am going to extremes to prove am fine without you. but in reality am slowly losing my mind underneath the guise of smile gradually am dying inside..."
antagal ko na palang hindi kumakanta ng pagkantang alam ko... basta. talo daw ang isko sa voices. kumusta naman ang almost grand slam? sa bagay wala naman akong K magsalita tungkol doon dahil isang taon lang ako naging isa sa kanila, ako pa ung panira.
"so i wear my disguise till i go home at night i turn down all the lights and then i breakdown and cry..."
nasaan na nga ba ang musika ko ngayon? anjan-jan lang sa tbi-tabi? ewan.
"i think i better go get out and let me release some stress. don't ever wanna feel no pain. hopin for the sun but it looks like rain..."
nakakapagod nang kumanta. pero hindi ako nagsasawa. pahinga lang ang kelangan ko at maya-maya e balik na ako sa dati. kakanta na ulit.

ay... ang civil status ko pala married na!

are you happy for me? oh wel... can i just? ganito kalakas ang majors... umaabot sa punto ng kasalan. hi marize. *smile* masasabi mo bang happily married tayo kahit pareho tayong brats? pero ako pa rin ang bratinella dahil ako ung mildly brat at pretty brat. hehehe. gayunpaman ako pa rin ang dadi sa relationship na ito. hehehe. although kami lang naman ni marize ang umamin sa aming marriage dahil ang mga perfect match tulad nina nikka at aj, jolens at drew, art at april e never umamin ng ganitong level ng commitment.

oh mi god. kumusta naman ang experimental psych na si ma'am conaco ang prof? nararamdaman ko na ang whipping niya kahit hindi pa niya nilalabas ang kanyang little latigo. ambilis niyang makalimot ng hirap na dinudulot niya sa pamamagitan ng kakaibang hirap na assignments. syet! at kumusta naman ang physical attractiveness at aggression bilang IV? please operationalize... Lord, help us.

what God has put together let no task divide... tama ba to? anyway aiintindihan naman ang ibig kong sabihin di ba? let this commitment last even after 115. hehehe.

pero liliwanagin ko lang ha... hindi ako tibo.