Tuesday, February 01, 2005

eto na nman ako... hindi na natuto...

tsk... noong... basta NOON lang ganto na ang nangyare... gusto kita, parang gusto mo din ako... pero mali ako... over lang talaga ung mga meaning na binibigay ko sa mga ginagawa mo sa akin... but then again... mei ibang tao na sa buhay mo... malayo ka na sa akin ngayon, kasi nga andun ka na sa lover mo... wait, ang panget pala ng term... pro wala na akong ibang maisip na term na babagay... eon...
ngayon, wala na sa akin ung kung anu man NOON... but now ur back... at kanina lang kita na-recognize... and since wala naman nagbabasa ng mga blogs ko dito... my god! CREAM, you've taken a male form...

*** oo na! produkto ako ng catholic school kaia hindi pa rin tama para sa akin ang ganitong mga bagay... ayoko rin i-point out... it's for me to describe... and whoever reads this in the future to find out... kapag nabasa to ni sir u sasabihin nia plastik ako dahil tinanong nia sa clas b4 kung meron sa aming makalumang pananaw pa rin ang pinaniniwalaan... hindi ako nagtaas ng kamay...

naaasar ako at naniwala ako... biktima na naman ata ako... hindi pa naman ako marunong makipag-deal with male forms (pucha anu ba to? zsa zsa zaturna?)... siguro, isa akong baboy-ramo (shet ang panget ng pinagkumparahan sa sarili... hindi ba pedeng panda bear?) na ambilis ng takbo kaia hindi nakatingin sa dinadaanan kaia nahuhulog sa patibong ng mga mangangaso...
pero ba't ganun? parang mei mali... ang mga mangangaso gustong hulihin ang mga baboy-ramo... pero IKAW hindi mo naman ako gustong hulihin di ba? baka hindi ako baboy-ramo (thank god *sigh of relief* hindi ako baboy-ramo... or baboy for that matter)... ako ung mga dahong nahuhulog at nagkakataon lang na nahuhulog dun sa mga holes na un... patibong mo pala, di ko na-recognize... well, for one e hindi nag-iisip ang mga lantang dahon na nalalagas at nahuhulog sa lupa (in this case, sa patibong nga nahulog)...
naaasar na talaga ako... ilang beses ka bang magpapakita sa akin (in your different but very beautiful forms)? ilang beses mo pa akong lilinlangin? at ilang beses pa akong masasaktan dahil sa iyo? buti na lang hindi tipo ng sakit na nakakaiyak *teary-eyed*...
langya talaga! nangako ako, at ayokong sabihin niya un sa mundo... naging mabuti ang mundo sa kanya (sa akin kaia?) at hindi ko gustong magalit siya dahil LANG sa akin (self pity ba ito?)...
wala na tong pupuntahan, at wala man lang makakaalam dahil wlang nagbabasa... that's GREAT!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home