nakakalungkot!
meow!
iginawa ko ung pinsan/tita ko ng testimonial sa friendster, pero account ng ate ko ung gamet ko (for one, wala naman akong friendster account)... okay naman para sa akin ung ginawa ko... mejo pasaway lang ang method used... hek, para signature...
nalulungkot lang ako kasi sa mga blogs ko parang hindi na ako ung gumagawa... wala na ung lalim na nakita sa akin nung isang tao... na nakita ko din sa sarili ko eventually... pero slowly ay nawala... ngayon e no more traces... kalungkot talaga!
nakakainis kasi na mei grade ung mga blog ko... alam kong ang pagkatao ko ay madaling maapektuhan ng social desirability bias... at un ang dahilan ng lahat ng to! dail sa mga bagay na expected sa akin na isipin! kelangan mga realizations sa panpil17... kelangan applications ng realizations sa panpil17... kelangan panpil17... asar!
paano na ang buwan? ang pag-ibig at ang tunay na paghahangad ng lahat ng tao dito? na ang pagtanggi sa paghahanap nito ***kahit babae ka pa*** ay kaplastikan! paano na ang nakaraan kong hinahabol ako? ang taong nagpapalit ng anyo at hinahatak ako? meow!
nagmamadali na ang nakatatanda kong kapatid sa paggamit ko nitong kompyuter namin! wala akong magawa kundi hilingin bumilis ung oras at dumating na ang araw na meron na akong sariling laptop, video cam at P910i... kotse na rin kung pede... at i-pod mini *sana ngeon na to kasi baka ma-laos bago ko maranasan...
malapit na ang kaarawan ko! sa lahat ng nakakabasang mei kakayahang tuparin ang mga materyal kong pangarap, tinatawagan ko kayong wag mahiya... i do appreciate nice, generous gestures! meow... as if!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home