Monday, February 26, 2007

kulay... kailangan ng kulay.


iniisip mo ba ako? iniisip din kita!!!


kagandahan... nakakalinlang.

tunay na pag-ibig. nawawala naman...
EIGHT! saan ka ba nagpunta?

nakapagtataka ang kapaligiran, ang buhay, ang mundo, ang tadahana... papaGod?

natambakan na naman pala ako ng gawain nang hindi ko namamalayan. nakakapagtaka dahil alam ko ako naman talaga ang sumasalo ng mga nagpapabigat ng buhay ko, pero bakit ganoon? baka wala na akong malay...
naiinis ako sa mga exam, quizzes at iba pang kamukha nito. bukod sa pagkahirap-hirap kasi ng mga ito sobra pa akong napapagod magpakitang gilas dito. pakiramdam ko kasi hinuhusgahan ako gamit ang bagay na di naman kaya talagang sukatin ang kakayahan ko. pero sa ganitong sitwasyon na wala naman binibigay na kahit ano, naiinsulto naman ako na hindi na inaalam ang kakayahan ko. ewan ko ba at parang mali lang talaga ang lahat.
may mga report pa akong dapat ay inaasikaso ko na dahil nalalapit na ang palabas ko... bahala na sa resulta. ngayon ang nais ko lang ay matapos na ito. pero wala pa pala akong alam... ano kayang lalabas sa bibig ko niyan?
nahihiya na akong parati akong nagmamarunong, lalo tuloy napaghahalatang wala akong alam. ang tanga! hindi na talaga ako natuto... parang kahapon lang ang lahat pero tinangay na ng hangin ang laman ng isip ko. kasama ng lahat ng sama ng loob at puso ang kaalaman at utak ko...
nakakaasar na ang mga taong nakakalimot sa mga binitiwang salita at pangako... at nakakainis na tinatamaan ako. sadya lang ata akong malilimutin at pati sariling hangarin ay nawala na sa pagkatao ko... ang ingay ko na kasi... nasaan na ang pakikinig? ang kapal na ng mukha ko... nasaan na ang pakikiramdam? paano ko pang panonoorin ang mundo kung hinahangad ko nang magnakaw ng atensyon? mali talaga ito.
pinaglalaruan ako... kailangan ko bang makipaglaro? buti na lang hindi na ako nasasaktan... malilimutin kasi ako. sana hindi ako biruin at iharap ka sa akin ngayon... hindi na ako handa. dati, kaya ko pang magkubli sa likod ng matatamis na ngiti... hindi ko na matantya ngayon. ayoko atang ganito ako... pero di ko naman alam kung anong gusto ko...
hinahanap-hanap ko na ang bigat ng kahapon... naaamoy ko ang kwarto ni mama jo kahit nasa paaralan naman ako... ninanais ko na ulit bigyan ng panahong makasama si boyps... ang mga pagkaing hinahatid na lang sa pinto kapalit ng ilang makulay na papel... gusto ko muling maglakad sa kalye para lang mapapayag ang mga taong kausapin ako... tumambay sa tindahan ng iba at panoorin ang mga taong dumarating at umaalis... fishballs, softdrink, tapsilog, shake... hindi naman magaan ang ganitong buhay... masarap ata talagang mapagod...
kapag pagod na ang katawan at utak... natutulog na lang ata nang basta ang puso at hindi na naghahanap ng kung ano pa man...
ang kamay ko ay inaabot ang mga bagay na dapat kong makamit... ang paa ko'y hinihila ng mga bagay sa mundo kong nagsasabing "hindi pa tayo tapos." sana lang nakakatangkad ang ganitong ehersisyo... gusto ko nang tumangkad!!!
kailan kaya matatapos ang lahat? sana malapit na...

Saturday, February 24, 2007

sa isang palabas

ginulat ako ng isang palabas dahil akala ko wala na talagang laman ang mga pinapakita sa tv ngayon. hindi naman talaga kalaliman ang tinutukoy kong laman, pero basta... gustung-gusto ko na tuloy ang palabas na iyon. tulad ng iba, pag-ibig pa rin naman ang tinatalakay nito, pero nakakatuwa dahil kahit kailan ay hindi maiisip na kontrabida ang mga third wheel (not unless damang-dama ang pagsuporta sa loveteam kaya lahat ng kontra ay kontrabida)... alam mo lang na sinusunod nila ang motto na ipaglaban ang pag-ibig hanggang sa huli. gagawin ang lahat para protektahan ang minamahal at siyempre mahalin din ng minamahal. nakakatawa na maganda lang iyon kapag ang dalawang bida ang gumagawa... pero paano ba malalaman kung ikaw ang bida o hindi? tapos ang galing na sa palabas na ito na-justify kung bakit hindi dapat ipilit ang pag-ibig sa isang tao... hindi ko maalala kung ano nga ba ang sinabi ng bidang babae sa lalaking third wheel, pero sigurado akong nawala ang paghahangad ko noong maging sila nung kausap niya... pero kung ako yun, dun na ako sa lalaking third wheel dahil ma-effort siya e. hehehe. ang galin lang... peyborit ko na ito.

Friday, February 16, 2007

purong-puro

tapos na ang linggo ko na tinadtad ng exam at papeles... kinulayan lang ng ilang sama ng loob na kailangang kontrahin ng pag-iingay at pakikipagkiskisang siko sa mga "naka-itim"...
hay. hindi ko akalaing ganito na ako kalala.
hindi ko alam kung hindi ko lang makita ang gustong ipakita ni bathala sa akin o wala naman ako talagang dapat makita. hindi ito tungkol sa pag-ibig... buhay.
para lang pagtakpan ang lahat ng hirap na inaabot ko dahil sa mga pinilit kong isama sa buhay ko noong mga huling linggo ng oktubre hanggang unang linggo ng nobyembre...
mga desisyon kong hindi naman talagang palpak... sabaw lang talaga.
iniiralan na ako ng inggit ko ngayon... sana mayaman na ako at ang pamilya ko. sana binabayaran ako para magsulat sa blog na ito tungkol sa tunay kong pananaw sa mundo at iba pa. sana may koche na ako at marunong nang magmaneho. sana sigurado na ako sa mga gusto ko para pede kong sundan ang puso ko. sana tulungan ako ni bathala.
papa god. asan ka ba kasi?
bakit sa lahat ng nangyari sa akin sa buwang ito, pare-pareho lang ang nararamdaman ko?
o haraya ko lang ba ang lumilinlang sa akin?
buti na lang may My Girl para panatilihin pa ang katinuan ko.
julian... bakit ba kasi ang layo mo?
pumunta ka nga rito at bigyan mo rin ako nung buwan na inuulan ng niyebe.
hehehe.
pagod na pagod lang talaga ako ngayon. pero ayokong magpahinga. sa trabaho, lilinaw ang lahat dahil magkakasilbi ako at mamumunga.
masaya ako sa epekto sa akin ng panonood, hindi ako makatulog kahit ilang oras pagkatapos ng palabas.
ilang taon na ang nakararaan, natakot akong maubos ang luha ko kaya sinabi ko sa sarili kong kapag dumarating ang mga pagkakataong pakiramdam ko ay aagos ito, aantukin ako at makakatulog...
isang araw sa buwang ito... wala akong kasing saya dahil sa mga nakita kong posibilidad.
pinaghandaan kong mabuti ang lahat para hindi ako magkamali...
kaya lang, ang pagkakataon... nakikipaglaro sa akin.
sarili kong maskara ang pumigil sa lahat...
sa totoo lang, wala naman talagang nawala.
ngayon lang... isa ka na sa mga taong hinihiling kong makita ako nang hindi ako nakikita.
ay hindi... dati ko nang hiling na ganyan ang mangyari sa pagitan ko at ng buong mundo.
itinangi lang kita at pinangarap na magkita tayo...
mahaba at mahimbing na tulog ang sumunod...
gusto ko na lang pumunta ng korea ngayon. para puntahan si julian...
magsaya sa pag-ulan ng niyebe... balik-balikan ang jeju island... tumakbo palayo, paakyat sa 63 building at tanawin ang seoul sa pamamagitan ng binoculars dito...
bbashya!!!

disappointment

nakakainis si papa god. hindi bumabawi sa akin...

kung sana nag-aral lang akong mabuti...
sana hindi ako natutulog sa klase...
sana nag-iisip akong mabuti...
at... sana hindi ako umasa.
babagsak lang din naman ako.
ngayon... nakainom na ako ng KAPE, gising na ako.
promise.
nakakaasar lang.
ang mahal mahal na ng kape e.
higit pa sa lahat ng paghahanda, saya ng pag-aabang, malayong lakarin at matagal na paghihintay ang halagang ibinayad ko.
kasalanan ko naman iyon e,
binili ko pa rin kasi kahit mahal.
hindi bale, HULING kape na ito.
Happy Valentine's Day!!!