Monday, September 11, 2006

shifting out... ... ...

walang kasing haggard ang buhay ko bilang estudyante.
kaya naiisip ko nang tumigil.
kabaliwang isipin na magtatagumpay ako sa larangang pinili ko.
high school pa nga lang isinusuka ko na ang research... wala namang nagsabi sa akin na ito pala ang ibig sabihin ng psychology saUP. pakiramdam ko maling bulong ang pinakinggan ko noong sinulat ko ang kursong yun sa lahat ng application forms ng mga unibersidad na in-apply-an ko.
pero huli na.
at ngayon, higit kailanman dapat manindigan.
hindi ako mag-shi-shift.
ang engineering ay tulad na lang ng ateneo... isang pangarap na mananatili na lang na ganoon.
darating ang araw, malilimot ko din na gusto ko un.
parang ngayon, sa ateneo. hindi naman sa ayaw ko na doon. limot ko na lang na gusto ko siya.
marami pang bagay na gumugulo sa isip ko ngayon...
palabo ng palabo lang talaga ang buhay ko.
tanungin ba naman ang klase namin kung gusto ba naming magtrabaho? magpamilya? magbreastfeed?
hay naku... ang sabaw na ng ideya ng medskul para sa akin.
pamilya daw? kelan daw? 25? e dapat nag-aaral pa ako nun kung gusto ko ng stetoscope at white labgown...
bahala na ang mundong ibabaw sa mga nangyayari sa balat niya... at si bathala na rin sa pag-aayos ng mga dadaanan ko pa sa mundong ito.
hindi ko na alam ang gagawin ko.

Thursday, September 07, 2006

one way...

wala.
naisip ko lang kung gaano ka-appropriate ang surprise nina karen at tin (sabi ko na groupmates e... you love me... i love you too!) noong birthday GA kung saan isa ako sa mga binigyan ng regalo. kahit na pinahiya ako sa harap ng mga BOPS at POPS na dating neutral ang pananaw sa akin. i bet ngeon e nega na sila sa akin...
pero... may i just clarify things... and redeem my dignity. hehehe. paninirang puri talaga ang naganap. hindi ako nag-eemail sa mga prof ko para kumustahin sila... nagpapasa lang ako ng paper onlyn pag ayaw nila talagang tumanggap ng hard copy ng kahit ano. tapos hindi ko rin sinadyang iwanan ang payong ko doon. may mga bagay na nangyayari nang wala akong control... pero aaminin kong masaya akong nangyari iyon. sa pagkakataong ito sigurado akong hindi ko pinaniniwala lang ang sarili ko sa mga sinasabi ko. totoo to. kung may dapat aminin e aaminin ko naman. tulad ng pag-aabang sa kanya. pagiging alerto everywhere dahil he could be the person standing next to me. at sa pagkakataong iyon ay hindi ko siya babatiin dahil kikiligin ako at mamumula sa harap niya. hindi pa pede. hindi pa tapos ang sem e. kelangan ko na lang iyon panindigan at never na siyang batiin ever. pero napapaisip ako kung gusto ko ba siyang gaguhin at batiin siya at isnabin at different times para isipin niyang may sayad ako... hmmm. parang fun talaga un. un na lang ang gagawin ko.

going back...

ayon... one way daw dahil sa kanya. pero duh. mas appropriate pa yon for other reasons...
one way dahil sabi ko nga to someone somewhere, sa isang aspeto ng buhay... maipapaliwanag ko ang sitwasyon ko bilang nakatira sa isang bahay sa dead end ng isang one way street... at ang direksyon ng one way street ay palayo sa bahay ko. wala lang. naisip ko... wala akong koche kung ganun dahil huhulihin ako tuwing papasok na ako sa bakuran ko. ang jologs nun. ubos pera ang lagay. hehehe.
pero ayon. ganun ka-relevant sa akin ang one way.
tama nga. one way. ako. one way. parati na lang. one way.

Tuesday, September 05, 2006

istoking... at ang kaakibat na heartaches....

ok. nagmamarunong kasi ako. nag-back fire tuloy sa akin...
ang pagiging istoker ay masaya kung alam mo bilang stalker na nakaka-isa ka sa iniistok mo.
pero pag nilipad na ng hangin ang lahat ng pantakip mo sa sarili mo... dudugo na ang buong sarili mo dahil sa kahihiyan... lalo na kung dahil lang iyon sa sariling katangahan o pagmamarunong.

oo na. gusto kong makita ang mga bagay na tungkol sa iyo... ang mahal mo... ang mga palagi mong kasama... mga gusto mo... ang mga umuubos ng oras mo... ikaw.
at oo na rin... kumuha ako ng remembrance.
di ko naman alam na madaling mahuli ang mga tulad ko... ok. huli mo na ako.

kanina nakita kita. ayaw kitang pansinin. lalo mong mapapatunayan e. tayo lang doon pero nahihiya ako sa yo e. sa totoo lang habang hinihintay kong umalis ka na e pakiramdam ko tatalon ang puso ko palabas ng katawan ko... at dadaan siya sa bibig ko. ayon. siguradong mamumula ako kapag binati kita kaya wag na lang.
ok na sana e... kung hindi lang may nagsabing tinitignan mo ako noon. hindi ako natuwang ginawa mo iyon. oo gusto kita at papansin ako... pero sa pagkakataong iyon, palagay ko nag-abala akong lumapit para lang mapalapit at hindi para mamasdan. hindi nagbabago ang pananaw kong ang nais ko lang mangyari bilang isang nilalang ay manood, hindi ang panoorin. balisa na ako mula doon.
akala ko tuloy kilala na kita. at nag-uumapaw ka sa araw na ito. akala ko lalo kitang nakilala. mali ako. at hindi ko sigurado kung matutuwa ba akong nagkaganoon nga.

basta ang dulo ng lahat ng ito... ayaw ko na dapat sa iyo at unti-unti ko nang bibitiwan ang pagiging istoker.