malungkot talaga ako.
pang-ilang post ko na nga ito ulit? di bale, normal naman ang 3 post sa isang araw di ba?
nananakit na ang ulo ko sa pag-aaral para sa finals ng chem. nag-aral nga ba ako? nangarag ako sa pagka-cram ng paper para sa psych. may laman pa kaya un? nag-utos ng ibang gawain para mabakante ako. pero tangina, anjan ka pa rin. masakit ka na nga sa ulo, masakit pa sa puso. total ngarag-er ka. hindi kita maintindihan. gusto kitang sabihan ng "let me go" pero ako naman ang may hawak sa yo. nakikita kita sa utak ko. nagtayo ka na ata ng bahay mo jan. prente-prente samantalang nasasaktan ako. hindi pa naman umaabot sa iyakan. but then again. di bale. konting panahon na lang bubunutin mo na rin ang kutsilyong sinaksak mo sa ulo ko. mas masakit un pero at least pagtapos nun pede nang gumaling ung sugat na gawa mo. gayunpaman, malulungkot ako. ay hindi. palagi lang pala talaga akong malungkot. wag mo akong pansinin....
back to work guys(?).
1 Comments:
hala... at talagang pinanindigan mo nga ang hindi muna mag-post noh? fao, take a break ha... sbe nila it's good, more of mas advisable siguro,to take a break every hour kapag nag-aaral. *grins* try mo...
o chige... good luck po sa deadlines mo... pate rin sa exams!
12:51 AM
Post a Comment
<< Home