Tuesday, March 08, 2005

akala ko ayaw mo na?

napadaan ako sa kwarto, nakita kita. nilapitan kita at nakita kong malungkot ka. mei bago ba? suicidal ka na ba ngayon? usap tayo. pressure na naman ng studies ang sinisisi mo. hmmm, sa pagkakaalam ko hindi ka naman nag-eeffort, anung karapatan mong ma-inis di ba? galit ka na ba dahil sinisisi na naman kita sa mga galit na nadadama mo? true friend ako kaya ganun. hehehe. peace! teka, parang super ptressed ka talaga. over naman ang concern mo sa acads mo. i bet zero ang hardiness mo. o baka naman mei ibang bagay na gumugulo, ayaw mo lang i-acknowledge, in denial? hmmm, socially unaccepted ba? over ka naman, bakla. mare, try mong kausapin ang mga tao sa paligid mo. palagay ko mei masasabi silang payo sa iyo. aba! baklang ito! oo na hindi ako makarelate dahil negative ang experience ko sa mga ganyang bagay. anu na naman itong "panu mo malalaman kung ganun lang siya talaga?" question? akala ko ba praktisado ka jan. correction, psycho student ako. hehehe. o tapos? tapos? tapos? uy ang ganda ha... tuloi mo... talaga? uuuuy... kaso? anung kaso? ay jologs pala ang love life mo e. tama. yan ang fighter, "at least alam niyang nag-eexist ako", mga pa-epek mo talaga o... ayaw mo na? sure ka na ba? yan din ang sinabi mo dun sa dati mo a. ows? ... o kita mo na! sabi ko na balik ka lang sa dati e. ayaw-ayaw ka pa jan. anu ka ngayon? ilang bwan na to? hehehe, wlang pag-asa. hindi na kayo magkikita at tulad lang siya ng iba pang nakaraan, aalalahanin na lang pero hindi na pedeng balikan... tama na yan. buti hindi ka naiyak. yup. yup. ang galing mo mare! pero umaasa ka pa rin ano? na kahit hindi niya alam ang nasa loob mo e parehas kayo ng saloobin? na sa'yo lang niya un ginagawa? na hindi na matatapos itong panahon na to? tama na. tama na sabi. ayawan mo na. sinasabi ko sa'yo, bitiwan mo na siya.
... dumating ang ate ko...
"o, kumusta ka naman? aba iha, maganda ka na. 48 years ka na ata sa harap ng salaming yan no. pagamit mo naman sa iba. may pila na dito."
worf! meow!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home