sana na lang...
wala lang. naisip ko lang na sana hindi na lang totoo ung sinasabi ng mga tao na hindi grades ang sukatan ng pagkatao. hindi ko to gusto dahil matataas ang grades ko. sa katunayan hindi ako dean's lister dahil wala namang ganun sa UP. ganunpaman hindi rin naman ako US o CS. masakit pa nito, hindi ko masabing hindi ako bitter. sana grades na lang ang sukatan ng pagkatao. hindi ako achiever. nakakuha na ako ng 3 sa classcard. bumagsak na ako sa marami-raming exams. p.e. na nga lang problema ko pa. pero pag grades ang basehan ng pagkatao, nadali ko nang sabihin na isa akong malaking kabiguan.then i could stop. living, believing. loving, believing. existing. wala nang pag-asa. at dahil hindi nga ganun ang patakaran ng mundo, napapaasa ako. marami pang aspekto ng buhay na pede kong pagtuunan ng pansin at palaguin. doon, pede pa akong magtagumpay. hindi kasi grades ang sukatan ng pagkatao. tanginang yan! sinilip ko na lahat ng aspeto ng pagkatao ko. acads... hindi pa ba sapat ang 3 para sabihin lahat-lahat? social life... mabait ang mga tao around me. thank God. kaso i matter. my personality matters. i ruin things. ayoko nang magkwento baka maiyak ako. next stop, love life... failure without question. love is a one-way street at bahay ko ung dead end where it starts. ironic. hindi ako bitter. ansarap siguromaging maganda. o kaya mabait. kahit hindi na pareho. family... black sheep ako sa pamilya. hindi yon aaminin ng mga magulang ko kaya i-rephrase natin. ako ang odd one out. ung ini-ekisan sa spot the difference. ung binibilugan sa alin ang naiba. ganung tipo. sa angkan namin, ako ang modern-day witch. hindi naman harmful pero nilalayuan lang talaga. natural nang ganun. religion... hindi ako aktibong bata. hindi ko pinaniniwalaan lahat ng sinasabi nila kaya hindi ko rin ginagawa lahat ng sinasabi nila. mei konek to sa social life e. ayokong magkwento. financially, i'm broke. kakabili ko lang ng bagong bag at kinailangan ko pang gawing to the max ang tawaran para lang mabili un. shit.
ansakit sa ulo ang mabuhay. at mahirap talaga na kailangan pang sumakit ng ulo ko para lang mabuhay.
hindi ako optimistic. obvious ba? hinsi ako sociable. hindi ako flexible. hindi ako open. higit sa lahat, hindi ako masaya.
angst mode forever.
1 Comments:
hindi ka masaya? hmm... dahil sa mga bagay bagay. alam mo... delikado kang maiwan mag-isa. kung anu-ano yang naiisip mo. sobra, malalim ka talaga, ngayon sigurado na ko dun. nde man ako 100% sure sa sasabihin kong to, dahil na rin siguro nde ako sure kung anong pagbabasihan, pero tama lang siguro na nasa psych ka. wag mo ng itanong kung bakit mo kinuha yan course na yan. ngayon siguro nde mo mxdo lam kse there's not much reason-- that you know of, ha... iba pa ung alam ng ibang tao! in the near future malalaman mo din... *grins* after reading ur posts... hmmm...
anyway, hindi ka nga optimistic. sabi mo eh. pero, willing ka naman maging open dun sa "brighter side" ng life. hmm.. pxnxa ka na. nde ako marunong bumasa ng tao pero ito lang masasabi ko, masyado kang seryoso! wag mo dibdibin lahat dahil hindi lahat yan ay nagmamatter ng malaki. minsan parang filler lang yan sa life mo, you just have to take things lightly. wag masyado serious. tsk. paulit - ulit na ako ah.
nga pala... alam mo naman na i talk nonsense d ba? *grins*
last na to... mag-CW10 na kase. lam mo... pde mong gawing channel un for ur emotions. aba, malay mo mai-uno mo pa! o di may pambawi sa tres... kidding aside, pde ka talaga maging writer...
6:39 AM
Post a Comment
<< Home