babala sa mga lumuluha at nasasaktan
never dapat hilingin na hindi makaramdam. mali ang notion na mas madali ito kaysa masaktan. akala ko kasi noon totoo un kaya tin-ry ko sa sarili ko. nagpakabato dahil sa isang problema sa pag-ibig... pero hindi sa romantic love okay. promise, walang tulong ang ganoong paraan ng pagtakas sa problema. nakakabawas ng pagkatao.
ang tao ay isang social animal, nakakawala ng social life ang pagiging bato. ayaw ng mga taong sumama sa isang bato. kung sasama man sila o pasasamahin nila ako, tulad ng bato, parang wala rin ako. shit! what an existence!
hindi rin tama na turuan ang sarili na hindi umiyak para ipakita ang tapang o... basta! para sa kahit anong dahilan. walang kahit anong dahilan ang makakapag-justify sa ganitong gawa. darating ang araw na handa ka nang umiyak pero hindi ka na marunong. ansaket na ng dibdib dahil sa tindi ng emosyong nais kumawala, ansaket na ng mata dahil sa pagpapaliit dito ng ilang ulit at pagpikit-pikit na rin para lang mei luhang lumabas, nakaabang na ang tuyong panyong ipampapahid sa mga tubig na aagos sa pisngi, pero lahat mababalewala dahil hindi ka na marunong. mas madaling gamutin ang namugtong mata dahil sa magdamag na pag-iyak kaysa forever na accumulating na load ng emosyong walang outlet.
akala ko dati sapat na ang pagtulog bilang outlet. nag-classical conditioning ako na kapag malungkot ako at nasaktan o kaia galit, tulog lang wala na yan... mali! pag malungkot ako, bumabalik ung feeling na hindi naiiiyak. akala ko normal lang un. tapos madami na ung bumabalik. tapos dumadami pa. at...
hindi ko na kaya pero wala na akong magawa. apat na taon kong ginawa ung classical conditioning sa sarili ko, mashadong matagal ang i-reverse un. bak maging over-over na sa pagiging late.
hindi ko na kaya. walang makatulong sa aking bumuhat ng lahat ng ito dahil bato ako at the same time nakalimutan ko na kung paano umiyak. minsan nare-realize ko na pati pagtawa nalimot ko na. isa na akong malaking basura sa mundo....
shit!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home