uyyy. kumusta naman ako?
sabe ni karen, sabi daw ng friend niyang si meg, ang blog ay ginawa para sa pakikipag-usap sa sarili. hmmmm. hindi kaya pang-baliw ito? pero hindi yun ang point ko. gusto ko lang i-justify ang title ko ngayon.
aba aba aba. ilang araw akong hindi nag-internet kaya naman hindi ko nalaman na lumabas na pala ang result ng pre-enlistment for summer at ngayon ang last day for 2nd enlistment. pucha talaga. hasel. hehehe tagalog un! eto pa. ang aking pinakamamahal na mailbox ay may lamang 685 unread messages. o ano? laban pa? ganyan kapag adik.
bahala na ang summer pero hindi pedeng hindi ako magkaroon ng subjects for summer kasi may trabaho ako sa up. hay. sana hindi sakit ng ulo tulad ng chem.
kanina lang e mejo bored na ako. hindi ko na kasi kailangan gumawa ng komiks. hindi na kailangan gumawa ng paper. hindi na kailangan intindihin ang anthropological explanations of everything around us. hindi na rin kailangan magbasa ng chem buk at subuking magsagot ng sample exams. wala na akong gawain na obligado akong gawin. ang resulta. inaya ako ng ate ko na gumawa ng bag mula sa isang pantalon na beyond repair na at hindi na isusuot ng matinong tao. ang resulta, okay naman. pedeng gamitin. ni gagay. bahala na siya dun.
ngayon. super excited talaga akong mag-blog. dapat nga kahapon e. kaso natulog ako ng maaga dahil sa sobrang pagod ng isip ko dahil sa chem exam. sa mga hindi naman nahirapan e okay lang un. kulang lang talaga ako sa aral.
marami na akong gustong i-type dito. pero knowing myself, gusto kong sa isa pa uling post ilagay ung mga un dahil ang mga posts ko dapat coordinated, dapat per topic. hehehe. naisip ko bigla na hindi pala coordinated ang mga posts ko. well, kelangan ko munang ayusin bago ko ilathala at hayaang mabasa ng mundo.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home