Tuesday, January 18, 2005

bakit kaya?

bakit kaya mas gusto kong mag-post dito kesa dun sa isa kong blog?
dahil kaya alam kong exposed un at ito e hindi?
dahil kaya mahirap "mag-isip" ng isusulat doon?
dahil kaya ito sa "dapat" maging laman nun?
hindi kasi talaga kumportable...
masayang magsulat sa blog...
pero hindi ko ma-enjoy ang konseptong maraming pwedeng bumasa nito...
mei tawag sa bias na ito e... hindi ko lang maalala...
101?

bakit kaya masaya ko ngayon pero malungkot pa rin?
dahil ba kay...?
dahil ba nakita ko sya...
but then again, reality bites!
hek... nangangagat talaga! kasi dun na lang un...
hindi ko sya malapitan...
dahil kaya hindi niya ako kilala?
o baka naman ayaw ko siyang kilalanin?
mei mga dahilan dun sa 2nd choice...
if ever mei magtatakang pwede pala un...

bakit kaya nakakabunggo ko siya araw-araw...
pero hindi niya ako matandaan?
hayup na short term memory yan ha!
bakit kaya tuwing maririnig ko siya...
hinihiling kong sana pangalan ko ang sinasabi niya?
at tuwing aawit siya, sana para sa akin un?
langyang telenovelas!
nagiging hopeless romantic na ata ako...
o baka hopeless lang...

bakit kaya malakas ang tandency kong maging stalker?
samantalang wala naman akong friendster acct?
but then again, na-realize kong...
it's one great tool for me...
kung aids ang stalking, hiv positive ako...
ampanget ata ng analogy...
bakit ko siya ini-istok in the first place?

bakit kaya nagsasayang ako ng oras dito sa lecheng computer na to?
bakit ba ayaw gumana ng surfster dito? vibe na lang tuloy...
bakit sabi dun sa internet card 25 hrs...
tapos wala pa atang 2 hrs bumigay na ung connection?
bading ba siya?

bakit kaya malungkot ang tao pag mag-isa...
samantalang dapat i-appreciate
ang ganung precious moments with the self?
ako naa-appreciate ko!
bakit ako lang? let me think...
baka hindi rin...

bakit ba mga wlang kwentang bagay ang laman neto?
bakit "siya" ang laman neto?
bakit ayoko na pero gusto ko pa rin...
bakit kaya parang mei nagsasabi sa akin...
na ayaw ko nang malaman kung ano ung mga sagot sa lahat ng tanong ko? ...
takot? hiya? galit?
puta! hayup!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home