inakala kong buwan
sabi ko noon "nakita ko na ung buwan ng mundo ko!"
palagi ko siyang tinitingala mula noon...
sinusundan ko siya...
at tulad ng tunay na buwan...
aba! sinusundan din niya ako...
pakiramdam ko ang lapit-lapit lang niya...
kaya iniunat ko ang kamay ko pataas...
para maabot siya... pero wala...
masyado siyang malayo...
sabi ko tuloy sa kanya,
"hindi kita maabot, lumapit kanaman"
pero hindi siya gumalaw...
masyado siya talagang malayo...
di nagtagal, natanto ko...
hindi niya pala ako nauunawaan...
hindi lang pala siya sa mundo ko matatagpuan...
ang masakit pa,
hindi pala niya ako nakikita...
para akong tanga... tanga talaga...
ang inakala kong buwan, bituin pala...
isang bagay na kailanma'y titingalain lamang at aabutin...
ngunit kahit maubos lahat ng lakas ko
wala pa ring mangyayari...
ni hindi ko siya mahahawakan...
nauunawaan ko na ngayon...
wala palang buwan ang mundo ko!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home