butterflies
muli ko na namang nakita ang pangarap ko...
aba! nagpaparamdam? nakakatuwa lang...
pero ngayon, tatanawin ko na lang siya...
habambuhay nang ganun...
parang isang paru-parong may makulay na pakpak...
maganda! pero, isa siyang paru-paro...
kailangan niyang lumipad...
at ngayon, titingalain ko na lang ang paglipad niya...
aantaying lumapit?
nakakalungkot lang na maalala...
minsan na itong dumapo sa aking kamay...
kaso lang hinayaan ko siyang makalayo...
hindi ko pa siya hinawakan para lagi na siyang akin...
pero dapat nga bang ganun ang ginawa ko?
dapat ko ba siyang kulungin sa aking palad?
dahil pangarap ko siya?
tama bang maging rehas ang aking mga daliri sa kanyang paningin?
pero ang tunay na tanong ay...
isa nga bang paru-paro ang panaginip at pangarap?
pareho ba silang kailangang lumipad?
EWAN!
gusto ko lang mag-share ng feelings for the day!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home