Saturday, January 08, 2005

pumili ka

minsan akong nakasakit ng damdamin... minsan din akong nasaktan...
pero hindi ko pa rin alam ang pipiliin ko...

ikaw?

kung skaling mahal mo ko... iwan kita... masaktan ka dahil dun...
alin ang mas gusto mo?

umalis ako dahil gusto kong umalis...
--iba ang gusto kong kapiling...

umalis ako dahil ayaw ko nang manatili...
--hindi na kita nais makapiling...

umalis ako kahit ayaw ko...
--hindi ako masaya sa ginawa ko...

kung halimbawa ay mahal mo ako...
masaya ka ba kung saan ako masaya?
kung ikaw ang dahilan ng lungkot ko,
handa ka bang magsakripisyo?
kung nasasaktan ako, masasaktan ka rin ba?
sapat na ba sa iyo ang malaman
na mahal din kita?
alin bang dahilan ang pinakamadaling tanggapin
ng isang taong nasaktan?

pumili ka...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home