Sunday, January 09, 2005

gusto ko...

gusto ko ng vcd ng magic temple...
napanood nio ba?
ang gara! super pambata!
at nung napanood ko ulit netong huli...
aba! hindi lang pala si sambag ang dahilan para panoorin to!
mei lessons learned din ako!
kahit matanda na ko!
syet! anlupit pa neto...
reminds me of my childhood...
hala ate! ilang years ago na rin un!
nung bata kasi ako, ganyan ang mga usong palabas...
kung sino mang ka-edad ko ang hindi nakanood nung mga...
batang x... magic temple... magic kingdom... at kung anu-ano pa...
sa sine (tulad ko) hindi in noon...
at ung mga hindi pa rin nakakanood neto hanggang ngayon...
aba sobra ka na! hindi ka jologs ganun?

hay... naaalala ko ung panahon na wala akong pressure...
nung bata ako, kahit ilang araw akong absent...
isang sulat lang ng nanay ko ok na...
nanay ko pa ang manghihiram sa mga kaklase ko ng notes...
mei special exam pa... basta mei sulat...
mahaba pa ang oras ko nun...
wala pang mashadong projects na kumakain ng oras ko...
madami pang friends ang available...
dahil pare-pareho lang kami ng subjects...
oras ng breaks... at dismissal...
hindi pa ko naba-bother ng traffic kasi mei service pa ko...
kahit gabi nang makarating okay lang...
kasama ko naman ang makukulit kong servicemates...
mas okay nga noon ang gabihin...
adventure kasi...
madilim na tapos kwentuhan pa rin...
mga katatakutan... corny jokes at kung anu-ano pa!
ang saya maging bata!
gusto kong bumalik doon!

kaso hindi na pede... matanda na ko...
lost time is lost forever...
hala! scary! seryoso ba ko?
kaya bigyan ninyo na lang ako ng vcd ng magic temple...
gusto ko yun!
siguro dala ito ng maraming asukal na nasa tiyan ko ngayon...
whatever!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home