Sunday, February 13, 2005

Paano sirain ang isang araw?

Ngayon, isang bagay lang sa buhay ko ang nagging tama… o siguro, ito na ung pinakamalapit ko sa pagiging tama. Sa bowling class namin na ang passing grade ay getting at least 75 points per game, 74 ang score ko… and everybody feels sorry for me! Hindi ko tuloy alam kung kebs lang ba o ever so sorry for myself ako dapat. At ang one-point miss ko ang tanging tamang bagay na nangyari. Gaano na kaya kasama ung iba?
Pagtapos nung bowling, punta na sa tambayan para i-meet si Mai dahil mei babayaran daw sa cashier at sa akin niya un ipinagawa. Forever, dahil nga hindi ako ganun ka-belong kaya hindi mashadong “chatty” ang mga oras na un. Meow! Text pa ng text si Ate Zsha dahil ngeon din ung araw nung film viewing na isa ako sa co-head. Pagdating ni Mai, madali to the max ako kasi magkikita din kami ni Karen para magreview for chem.
So aun, pinuntahan ako ni Karen sa tambayan dahil nainip na siya sa kakahintay. Pumunta ako ng Computer Lab ng CSSP dahil akala ko doon babayaran ung dapat na bayaran. Pagtapos dapat daw P400 ung bayad, e kaso P100 lang ung binigay saken. E di kalkal na ko ng bag at hanap ng P300. Dahil wala akong pera, umutang muna ako kei Karen. Tapos, rush sa PHAn dahil kelangan ipakita ung resibo doon at mapirmahan ang iba pang ka-chuvahan. Pagdating ko doon, bukod sa pinagsabihan ako tungkol sa kalat ng org namin na hindi pa rin inaalis at overdue na daw… shit! Mali ung binayaran ko at kelangan ko pang pumunta ng Shopping Center dahil doon daw malapit ung Cashier’s office. Puta! Ibabalik pa kaya ng Com. Lab. ung pera namin? Bumalik naman kami ni Karen sa Com. Lab. para ipakiusap na ibalik ung pera. Kahit hiyang-hiya ako kei Karen (kaya sorry ako ng sorry habang daan kahit na alam kong wala naman ung nagagawa) at doon sa babae doon. Ibinalik naman niya ung pera, at salamat sa Diyos dahil buhay pa naman ako; sinabihan niya lang ako ng “naku! duduguin ako sa batang ito!” Hindi naman nakakamatay ang salita di ba? O akala ko lang un?
Okay! Punta na sa PNB kung kelangan pumunta ng PNB. Pagbayad ko doon, muli na namang nagalit ung babae doon. Ang niresibuhan kasi niya P50 lang, e P100 ung dapat kong bayaran. So nagkahiwalay pa ung resibo tuloy! At kasalanan ko un! Shit! Kelangan ko na sigurong iyuko ung ulo ko pag maglalakad ako! Ditto ko na start na-recognize ung feeling na tumatawid ka tas bigla kang binusinahan.
Hay salamat punta na lang ng PHAn at tapos na to. Hopefully, hindi na ako sermonan ulit nung babae tungkol sa kalat kasi wala akong alam tungkol doon! Pinaglakad ko si Karen pabalik doon kaya kelangan ko ulit magsorry ng sampunlibong beses! Pagdating ko doon tinanggap na ang resibo at okay na! hay… kakain na din at last!
Aba! Mei problema pa pala… ang plano namin ni Karen na magreview, asan na? at shit! 11:00 na at kakain pa kami! 11:30 ung start ng chem. class, nalimot ko ba?
So rush ulit sa chem. pagtapos kumain. Salamat sa good Lord at naglecture si ma’am bago magpa-quiz. But then again! Hindi ako nag-aral at mei quiz! Puta ulit! Meow! Sa lab naman, dahil nga sira na ang araw ko at akala ko hindi a un pedeng masira pa, nagkamali ako. Hindi sinagutan ni Jik ung parts ng probset na “Explain” at inaasahan niyang ako ang mamroblema dun! Ako ang dapat sumagot. Sigh. Kelangan e, group grade un. Tapos ang asar pa doon, ung nabunot niyang ire-report namin e ung hindi namin masagot! Meow!
Tapos, sa activity na isa ako sa mga head, isang failure! 4 dapat ang start ng viewing pero 4:30 na ako dumating at hindi pa nagsa-start dahil hindi napo-project ung movie. Mga quarter to 5 na siya nagstart. Tapos walang nanonood. Hindi ko rin maintindihan dahil hindi ko makita, maliwanag mashado ang araw. Tin-ry kong mag-aral sa chem.., walang epekto! Tama na to! Kaya un itinigil nga nila ung movie sa kalagitnaan ng pagpe-play neto. Sigh. Head ako nung activity na un.
Uwe na lang ako. Baka sakaling meron pang tamang bagay na mangyari.
What a day!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home