Friday, April 08, 2005

kung minsan naiisip ko...

sana...
...hindi na lang naimbento ni edison ang bumbilya para naman mailaan ko at ng iba pang tao ang gabi kung saan ito talaga nararapat--pahinga.
...wala na lang oras para hindi malimitahan ang mga masasayang pagkakataong nagaganap sa bawat buhay. hayaan na lamang na ang kalikasan ang tumulong sa atin para hatiin ang araw para sa iba't ibang gawain.
...wala na lang gatas na pampatalino ng baby para hindi agad mawala ang pagka-inosente sa mga bata, walang kumpetisyon sa murang edad. matututunan din naman nila iyan sa tamang panahon.
...ang buhay ng tao ay may eraser at permanent marker.

1 Comments:

Blogger AYEN* said...

sana...
...ako na lang ang nakaimbento ng bumbilya at hindi si edison para ng sa ganun may makabuluhang pinatunguhan ang buhay ko.
...pero mas magulo siguro kung we let nature do the time management for us. siguro dagdagan na lang ung 24 hours na meron tayo for one day. (ngek! parang wala din eh..)
...promil! agree ako jan... e di sana hindi tayo nahihirapan sa chem, este, hinde na naten kelangan pang intindihin kung bakit mas mabilis ang pick-up ng iba ksa sa aten.
...at tama lang na meron tayong papel na pdeng sulatan at sunugin khet na permanent marker ang gamitin?

aysh! bored na ko.... ayaw ko na!
teka... nagugutom na ko... bili lang kme ng pagkain ha... *grins*

8:35 PM

 

Post a Comment

<< Home