Friday, February 16, 2007

purong-puro

tapos na ang linggo ko na tinadtad ng exam at papeles... kinulayan lang ng ilang sama ng loob na kailangang kontrahin ng pag-iingay at pakikipagkiskisang siko sa mga "naka-itim"...
hay. hindi ko akalaing ganito na ako kalala.
hindi ko alam kung hindi ko lang makita ang gustong ipakita ni bathala sa akin o wala naman ako talagang dapat makita. hindi ito tungkol sa pag-ibig... buhay.
para lang pagtakpan ang lahat ng hirap na inaabot ko dahil sa mga pinilit kong isama sa buhay ko noong mga huling linggo ng oktubre hanggang unang linggo ng nobyembre...
mga desisyon kong hindi naman talagang palpak... sabaw lang talaga.
iniiralan na ako ng inggit ko ngayon... sana mayaman na ako at ang pamilya ko. sana binabayaran ako para magsulat sa blog na ito tungkol sa tunay kong pananaw sa mundo at iba pa. sana may koche na ako at marunong nang magmaneho. sana sigurado na ako sa mga gusto ko para pede kong sundan ang puso ko. sana tulungan ako ni bathala.
papa god. asan ka ba kasi?
bakit sa lahat ng nangyari sa akin sa buwang ito, pare-pareho lang ang nararamdaman ko?
o haraya ko lang ba ang lumilinlang sa akin?
buti na lang may My Girl para panatilihin pa ang katinuan ko.
julian... bakit ba kasi ang layo mo?
pumunta ka nga rito at bigyan mo rin ako nung buwan na inuulan ng niyebe.
hehehe.
pagod na pagod lang talaga ako ngayon. pero ayokong magpahinga. sa trabaho, lilinaw ang lahat dahil magkakasilbi ako at mamumunga.
masaya ako sa epekto sa akin ng panonood, hindi ako makatulog kahit ilang oras pagkatapos ng palabas.
ilang taon na ang nakararaan, natakot akong maubos ang luha ko kaya sinabi ko sa sarili kong kapag dumarating ang mga pagkakataong pakiramdam ko ay aagos ito, aantukin ako at makakatulog...
isang araw sa buwang ito... wala akong kasing saya dahil sa mga nakita kong posibilidad.
pinaghandaan kong mabuti ang lahat para hindi ako magkamali...
kaya lang, ang pagkakataon... nakikipaglaro sa akin.
sarili kong maskara ang pumigil sa lahat...
sa totoo lang, wala naman talagang nawala.
ngayon lang... isa ka na sa mga taong hinihiling kong makita ako nang hindi ako nakikita.
ay hindi... dati ko nang hiling na ganyan ang mangyari sa pagitan ko at ng buong mundo.
itinangi lang kita at pinangarap na magkita tayo...
mahaba at mahimbing na tulog ang sumunod...
gusto ko na lang pumunta ng korea ngayon. para puntahan si julian...
magsaya sa pag-ulan ng niyebe... balik-balikan ang jeju island... tumakbo palayo, paakyat sa 63 building at tanawin ang seoul sa pamamagitan ng binoculars dito...
bbashya!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home