Monday, August 28, 2006

heto na naman ako... nagpapakagago

unahin muna ang dapat mauna.
ok. quitter na ako. tapos hindi pa ako nagpapaliwanag. hindi ko kasi sigurado kung gusto pa ba nilang marinig iyon. kung sakasakali, nakikita naman nila ang dahilan. yan ang sigurado ako. parang sa mag-on na nagbe-break lang naman ang linya ko e... "it's not you. it's me".
hirap na hirap lang talaga akong matuto. slow learner kung baga. sumasakit na ang lahat ng pedeng sumakit sa katawan ko. malungkot na ang mismong nagtuturo sa akin. hindi ko kasi talaga makuha. ano na? tama na hindi ba? hindi ko talaga kaya ang ganoon sa loob ng isang sem e. ngayon higit kailanman ko tinatanggap ang comment na wala akong kabataan at hindi ako naglaro.
sana nababasa lang ito ng dapat kong pagpaliwanagan. palagay ko kasi hindi ko rin ito masasabi sa kanya. sobrang kahihiyan lang talaga. noong una, ito ang pinakadahilan ng pananatili ko... kahihiyan. bumaliktad ang lahat at ang kahihiyan ang naging dahilan ng pagtigil ko. paano na?
ayon. kung nababasa ninyo ito. uulitin ko. naging mabuti kayo sa akin at masakit sa loob ko ang umalis. pero ako ang mali. ako ang hindi natututo. hindi na ninyo kasalanan un. at ako rin ang nagdesisyong tumigil. ang pathetic nga e. it's my nature. ang maging pathetic. shet.
sa totoo lang malungkot ako sa ginawa kong desisyon. masakit sa loob kong sumuko. may pride din naman ako. isa pa, ang pinakamalupit na kalaban ay ang luging emotional investments. kilala na ako sa pangalan. kilala ko na sila sa pangalan. buti na lang hindi pa kami umaabot sa batian level. kung hindi, hindi ko talaga yon kakayanin. pero tama ka. dapat alam ko kung kailan ako dapat tumigil. gusto kong mag-sorry nang paulit-ulit sa inyo dahil ang paasa ko. at mali iyon. ang sorry ay ang pinakatamang sabihin sa mga taong nasaktan at nakaramdam ng sama ng loob dahil sa akin. ayon. sorry talaga. hindi lang talaga ako maaasahan. mali ang magtiwala sa akin. sorry talaga.
may natutunan naman ako kahit hindi ko pa kayang akyatin ang finals. ayoko nang sabihing pagod na ako. nawiwili kasi ako at nasasabi ko iyon kahit hindi totoo. pag nagkakaganito naniniwala na rin ako at ipinamamalas ng katawan kong pagod na nga siya. kahit kakapahinga lang naman. nalaman kong mas mabuting pag-aralan ang mga mumunting bagay na hindi gaanong mahirap at mas kayang gawin kaysa sa sobrang hirap na hindi pa talaga kayang gawin. na may alaala pala ang mga kalamnan ko. na sa ibang panahon marapat gumawa muna bago mag-isip. at ang sobrang pag-iisip ay tumutuloy sa pagdadalawang isip. tumingin parati sa maaari pang abutin kaysa sa nadaanan na. na kung may nauna na sa iyong dumaaan sa tatahakin na landas, matuto sa mga nagawa na. higit sa lahat... maarte lang talaga ako. shet. paano na? paalam na...
wala namang nawala. isang manonood lang at tagahanga. kung baga FAN...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home