Wednesday, October 25, 2006

pahinga sa wakas...

ang tagal ko nang hinihintay na dumating ang araw na ito.
pahinga na sa wakas.
matapos ang lahat ng pagbabasa at pagsusulat.
pati na ang mga pagsakay ng jeep at paminsan-minsang paglalakad...
hindi ko pa rin alam ang resulta ng lahat ng hirap para sa sem na ito.
ganoon pa man ay gumaan ang pakiramdam ko dahil wala nang deadline at exams na iisipin.
sa ngayon, pwede na akong matulog nang 8pm at gumising ng 7am.
hindi pwedeng later dahil magagalit ang nanay ko. at least pamilya ko na lang ang pressure ko...
wala nang pasaway na prof na ang hirap magpa-exam... o kaya strict lang talaga.

hindi ko pa sigurodo kung gaano na ka-tapos ang 118 para sa akin... bahala na.
tapos na ang physics... at lahat ng tao tinatanong kung malungkot daw ba ako.
sa totoo lang hindi pa ako sigurado... ambaba ng grade ko e. sayang baka pede pang habulin.
pede na rin ang 155. default grade, sabi nga nila.
sa bagay, hindi naman talaga ako mabuting estudyante sa subject na yan...
pasaway ang LA1. ambaba magbigay.
hindi naman ako nakaliban sa kahit isang class.
nagpapasa ako ng lahat ng requirements on time pa.
hindi talaga ako magaling gumuhit, inaamin ko yun pero grabe naman.
kung mga arki at ID ang kalaban, talo talaga ako.
hay naku, bahala na rin siya. hindi ko na yan mahahabol at nasa ibang bansa na siya.
ang 140 ay wala pang closure. bahala na rin.

ngayon problema ko na ang mga subject ko next sem... salamat sa on line registration.
pero... pahinga muna.
sabi nga sa 140, madaling isipin na gagawin ko ang ganito para sa kinabukasan ko...
pero pag nagdesisyon ka habang nakahiga sa kama, hindi ka muna babangon dahil nakakabuti rin naman sa sarili ang pagtulog, hindi ba?
hehehe.
yan ang nangyayari sa akin.
mauuna ang pagpapasarap tulad ng inuman at swimming (ngayong ber months... tama yan).

karapatan ko naman yon, di ba?
pahinga sa wakas!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home