kung gusto, may paraan
hehehe.
nagdalawang-isip akong gawing title ng post ko yun... pero wala naman talagang nagagawa ang pagdadalawang-isip hindi ba?
ang punto ko lang dito, natutuwa ako sa sarili ko lately.
hindi ito pagbebenta ng sarili. ang galing lang ng mga pangyayari.
natutuwa kasi akong nagagawa ko ang pangako ko sa sarili ko noong panahong dinudugo ako dahil sa lahat ng subjects ko... na looking back ay hindi naman talaga mahirap... pero due to lack of a better term e yun parati ang ginagamit ko. mahirap. parati lang nagmamadali. wala namang nagkasabay (thanks, papa god). hindi ko nga alam kung ano ang umuubos ng oras ko at parating kulang ako sa oras... pero ayon. hindi mahirap... nagmamadali lang talaga ako.
at ayon, dahil nga sa lahat ng sakit ng katawan ko kakahabol sa oras, nangako akong magpapasarap ngayon bakasyon. gusto ko kasi talaga yon. at pasarap nga ako ngayon... walang linis-linis ng bahay. walang bantay ng tindahan. walang luto, laba o plancha. wala. tulog lang at kain. ang kapal ng mukha ko. konsyensya ang kapalit ng kung anumang sarap na tinatamasa ko... at yun ang tanging paraan.
bumabawi naman ako sa pamamagitan ng pagbili ng pasalubong tuwing umaalis ako. mali yon. hindi binibili ang kahit anong abstract sa pagitan ng mga myembro ng pamilya... pero hindi naman ako nanunuhol. ginagawa ko yun dahil hiniling nila iyon. at dahil gusto ko naman silang pasiyahin kahit sa mga jologs kong gawa. ayan.
di lang yan, napapatahimik ko ang kung anumang nasa loob ko sa pag-aayos ng sarili ko... maaaring pagkatao, pisikl na anyo, o mga gamit at pag-aari (in any sense). kahit paano hindi na ako dagdag pa sa isipin ng iba. hindi man ako nakakatulong, hindi naman ako pabigat.
pero di lang sa ganitong aspeto totoo ang title ko... sa marami pang bagay. nakalimot na ako. malilimutin naman talaga ako... pero basta. nakalimot na ako. at masaya ako. ang iniisip ko lang e baka immaturity (may salita bang ganun) ang implication ng ganitong tugon sa mga pangyayari. mga bata lang ba ang gumagamit ng repression?
ewan... ang ewan ko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home