Monday, September 11, 2006

shifting out... ... ...

walang kasing haggard ang buhay ko bilang estudyante.
kaya naiisip ko nang tumigil.
kabaliwang isipin na magtatagumpay ako sa larangang pinili ko.
high school pa nga lang isinusuka ko na ang research... wala namang nagsabi sa akin na ito pala ang ibig sabihin ng psychology saUP. pakiramdam ko maling bulong ang pinakinggan ko noong sinulat ko ang kursong yun sa lahat ng application forms ng mga unibersidad na in-apply-an ko.
pero huli na.
at ngayon, higit kailanman dapat manindigan.
hindi ako mag-shi-shift.
ang engineering ay tulad na lang ng ateneo... isang pangarap na mananatili na lang na ganoon.
darating ang araw, malilimot ko din na gusto ko un.
parang ngayon, sa ateneo. hindi naman sa ayaw ko na doon. limot ko na lang na gusto ko siya.
marami pang bagay na gumugulo sa isip ko ngayon...
palabo ng palabo lang talaga ang buhay ko.
tanungin ba naman ang klase namin kung gusto ba naming magtrabaho? magpamilya? magbreastfeed?
hay naku... ang sabaw na ng ideya ng medskul para sa akin.
pamilya daw? kelan daw? 25? e dapat nag-aaral pa ako nun kung gusto ko ng stetoscope at white labgown...
bahala na ang mundong ibabaw sa mga nangyayari sa balat niya... at si bathala na rin sa pag-aayos ng mga dadaanan ko pa sa mundong ito.
hindi ko na alam ang gagawin ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home