one way...
wala.
naisip ko lang kung gaano ka-appropriate ang surprise nina karen at tin (sabi ko na groupmates e... you love me... i love you too!) noong birthday GA kung saan isa ako sa mga binigyan ng regalo. kahit na pinahiya ako sa harap ng mga BOPS at POPS na dating neutral ang pananaw sa akin. i bet ngeon e nega na sila sa akin...
pero... may i just clarify things... and redeem my dignity. hehehe. paninirang puri talaga ang naganap. hindi ako nag-eemail sa mga prof ko para kumustahin sila... nagpapasa lang ako ng paper onlyn pag ayaw nila talagang tumanggap ng hard copy ng kahit ano. tapos hindi ko rin sinadyang iwanan ang payong ko doon. may mga bagay na nangyayari nang wala akong control... pero aaminin kong masaya akong nangyari iyon. sa pagkakataong ito sigurado akong hindi ko pinaniniwala lang ang sarili ko sa mga sinasabi ko. totoo to. kung may dapat aminin e aaminin ko naman. tulad ng pag-aabang sa kanya. pagiging alerto everywhere dahil he could be the person standing next to me. at sa pagkakataong iyon ay hindi ko siya babatiin dahil kikiligin ako at mamumula sa harap niya. hindi pa pede. hindi pa tapos ang sem e. kelangan ko na lang iyon panindigan at never na siyang batiin ever. pero napapaisip ako kung gusto ko ba siyang gaguhin at batiin siya at isnabin at different times para isipin niyang may sayad ako... hmmm. parang fun talaga un. un na lang ang gagawin ko.
going back...
ayon... one way daw dahil sa kanya. pero duh. mas appropriate pa yon for other reasons...
one way dahil sabi ko nga to someone somewhere, sa isang aspeto ng buhay... maipapaliwanag ko ang sitwasyon ko bilang nakatira sa isang bahay sa dead end ng isang one way street... at ang direksyon ng one way street ay palayo sa bahay ko. wala lang. naisip ko... wala akong koche kung ganun dahil huhulihin ako tuwing papasok na ako sa bakuran ko. ang jologs nun. ubos pera ang lagay. hehehe.
pero ayon. ganun ka-relevant sa akin ang one way.
tama nga. one way. ako. one way. parati na lang. one way.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home