istoking... at ang kaakibat na heartaches....
ok. nagmamarunong kasi ako. nag-back fire tuloy sa akin...
ang pagiging istoker ay masaya kung alam mo bilang stalker na nakaka-isa ka sa iniistok mo.
pero pag nilipad na ng hangin ang lahat ng pantakip mo sa sarili mo... dudugo na ang buong sarili mo dahil sa kahihiyan... lalo na kung dahil lang iyon sa sariling katangahan o pagmamarunong.
oo na. gusto kong makita ang mga bagay na tungkol sa iyo... ang mahal mo... ang mga palagi mong kasama... mga gusto mo... ang mga umuubos ng oras mo... ikaw.
at oo na rin... kumuha ako ng remembrance.
di ko naman alam na madaling mahuli ang mga tulad ko... ok. huli mo na ako.
kanina nakita kita. ayaw kitang pansinin. lalo mong mapapatunayan e. tayo lang doon pero nahihiya ako sa yo e. sa totoo lang habang hinihintay kong umalis ka na e pakiramdam ko tatalon ang puso ko palabas ng katawan ko... at dadaan siya sa bibig ko. ayon. siguradong mamumula ako kapag binati kita kaya wag na lang.
ok na sana e... kung hindi lang may nagsabing tinitignan mo ako noon. hindi ako natuwang ginawa mo iyon. oo gusto kita at papansin ako... pero sa pagkakataong iyon, palagay ko nag-abala akong lumapit para lang mapalapit at hindi para mamasdan. hindi nagbabago ang pananaw kong ang nais ko lang mangyari bilang isang nilalang ay manood, hindi ang panoorin. balisa na ako mula doon.
akala ko tuloy kilala na kita. at nag-uumapaw ka sa araw na ito. akala ko lalo kitang nakilala. mali ako. at hindi ko sigurado kung matutuwa ba akong nagkaganoon nga.
basta ang dulo ng lahat ng ito... ayaw ko na dapat sa iyo at unti-unti ko nang bibitiwan ang pagiging istoker.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home