Sunday, January 08, 2006

hormone level... down!

malungkot ako ulit... hindi ko alam kung bakit nababaguhan pa ako.
nitong mga huling araw e puro paper ang pinagkakaabalahan ko... at hindi pa nakuntento ang mundo, nasira ang file ng nagawa ko nang mga ipapasa. ang galing!
andaming papel ang talagang pumapapel sa buhay ko ngayon. nilimas ko nang lahat ng papel na makukuha ko sa bahay namin pero kulang pa rin... nanawagan na ako sa lahat ng kasama ko na magdala ng papel at nagdala naman sila pero kulang pa rin... parang tinimbang ka ngunit kulang... hindi kaya dapat tumuntong din ako sa timbangan? ako nga kaya ang kulang?
pero bukod diyan marami pang kaguluhan ang nagaganap sa utak ko. hindi kaya dito nagtatago si bin laden at sa kasalukuyan ay nagpa-praktis ng terrorism skills niya?
andami kong gustong sabihin pero naubos bigla ang mga salita. baka kinain ni bin laden... hay naku.
kung hindi ako nagkakamali ito ang unang post ko sa taong ito. HAPPY NEW YEAR!
walang resolution... bati lang. ayoko na ng additional frustration and disappointment.
madumi na ulit ang mga chinelas na kakalaba ko lang. tinatamad na akong maglaba kaya rubber shoes muna. balik na naman ako sa mga t-shirt at pantalon ko... ang aking uniform. sana may pambili ako ng bagong shirt na girli... wala lang. todo na ang kabaklaan ko dahil sa ate ko. at least hindi pa ako umaabot sa blush on level... nilampasan na un ng ate ko. gusto ko ng bagong bag... ung bakpak to match my girli tops... ayaw na ipagamit ng ate ko ung pinaglumaan niyang bakpak dahil muka na daw basura kahit labahan. hindi naman kasya sa mga shoulder bag ung lahat ng gamit ko. oh wel. nagkaroon ako ng dalawang bote ng bagong pabango... nga lang ay butas ang ilalim ng isa. andaming natapon, sayang.
hindi ko pa rin tapos ang mga paper na kinailangan kong ulitin... pero nandito ako at nag-uubos ng oras. hindi na matutupad ang pangarap kong maging party planner. ang lungkot. pero un pa rin ang pangarap ko dahil palagay ko iyon ay isang magandang pangarap. at parang ung mga natapong pabango, sayang.
kailangan ko nang ayusin ang sarili ko ngayon para mahawa na ang buhay ko at umayos na rin ito... pero wala akong balak mag-effort. baka lalong bumaba ang hormone level ko... ayoko na. hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko na ito madaan sa tsokolate. naka-isang pakete naman ako pero walang epekto. hay naku... baka dapat isang kahon ang ubusin ko.
sana may magbigay ng isang kahong tsokolate... mas maganda kung tulad sa hapi haus... doble tsokolate. hay naku. mukang mabenta sa akin ngayon ang mga mais... at panget un. oh wel. umaga na. kelangan ko na matulog. baka sakaling swerihin ako... maganda un. swerte.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home