krismas break nga ba?
ang ewan nito... wala dito ang mga magulang ko at nasa malayo silang lugar... at kinailangan namin ng ate ko na lumagi sa ibang tahanan... ang sad. namiss ko tuloy ang bahay namin... ang weird... hindi ako makapag-net... hindi makagalaw nang maayos... kasi hindi ko naman bahay un e. but am back sa aming home sweet home... may pasok pa rin ang ate ko at kasama ko ang lola ko...
pero kahit naka-ilang araw nang walang pasok e minumulto pa rin ako ng natambak kong trabaho... 3 papers... 2 sa GE at 1 malupit na major... kumusta naman ang rrl na hindi ko pa naman tapos basahin ang mga lit. syet... at ang kas1 paper na tungkol sa mga ninuno ko pa... ewan... mas may pag-asa pa ung paper tungkol sa lantern... pero kung meron ngang pag-asa un, bakit kaya ndi ko pa ginagawa?
buti na lang at ndi pa din tapos ang globe unlimited... nakakabati pa rin ako sa madaming tao... kahit mukang asar na sila sa panggugulo ko... hehehe. buti nga naalala ko pa e. sana hanggang pasko na at bagong taon pa ang unlimited.
andami ko pang dapat gawin at wala pa akong nauumpisahan dahil ang nakikita ko e ang ideyang krismas break at pedeng maging bum. pero bawal un...
wala kaming krismas tree ngeon... wlang parol o kaya krismas greeting sa dingding. buti na lang at mei bnigai si marize na cd ng krismas song at un ang pinatutugtog ko ngeon... dalawang maliit na santa claus at mga pundang pamasko ang nagpapaalala sa akin na malapit nang dumating ang araw na dahil ng matagal na walang pasok... ang lamig...
sa labas... dito sa kwarto, kung walang aircon e mainit... hay naku... dito na lang ako sa kwarto tatambay sa araw ng pasko...
tulog na ang mga kasama ko sa bahai at ako'y nagsusunog pa ng taba. kelangan ko to dahil ang panahon ngeon e nagtutulak sa aking kumain ng marami... at gumawa ng konti... aii ndi... ndi na pla gumalaw... tamad!
aioko na... aioko na pumasok pero aioko maburo dito sa bahay... anlungkot... paskong-pasko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home