christmas wish...
pangalawang pasko ko pa lang ito sa up at... ewan. bukas ko pa malalaman kung masaya ako. kanina naman ay masaya ang mga pangyayari... krismas party at carolling. kumain ako ng madami. kumanta rin ako ng madami. ang galing (ko? ewan... namin? ewan pa rin...). gayunpaman ay hindi pa rin ako masaya sa kabuuan ng buhay.
siguro ay masyadong malaki ang inaasahan ko sa panahong ito na dapat ay makapagpasaya sa akin kaya hindi ko na nakikita ang talagang saya nito. basta naniniwala pa rin akong ang pasko ay para na lang sa mga bata at sa ngayon (oo, aaminin ko na) hindi na ako bata.
ang hiling ko sa paskong ito ay higit na sa laruan, libro, damit na pamasko...
alam na ng lahat ng tao ang tungkol sa pagkakaroon ko ng deadline sa pasko. ang ingay ko kasi. naghahanap pa rin ako ng crush na didigain para sa sem na ito at wala pa ring nangyayari. ang UGBF ko ay ipinagkakait pa rin ng tadhana. hindi pa rin nagkakatotoo ang hiling ko nitong nakaraang kaarawan ko na hindi naman tungkol sa lalaki (dahil mas mahalaga pa rin ang grades at ang pagtatapos nang may babanggiting mga kakaibang salita pagkatawag sa pangalan ko...). ano na bang nangyari sa mga tagadinig ng hiling? kung sa pasko pa ako papakinggan ni santa claus ay mahuhuli na ako... ano nga ba ang hinahabol ko? wala lang... may tao na kasi akong nakikita at palagay ko kapag hindi pa bago magpasko ay wala na akong aasahan... ay UGBF nga pala un at hindi kung ano pa man...
hindi ko alam kung bakit parati kong iniiiwas ang sarili kong hilingin ang mga ganoong bagay. nauuwi tuloy ako sa pagbibigay ng deadline sa sarili ko. hai.
ngayong pasko. alam kong malungkot pa rin ako. tulad ng mga nakaraang pasko na hindi na ako bata. o hesus... baka naman ikaw ang UGBF ko... sana magkit't magkasama tayo bago magpasko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home