asianovela overload...
ang adik ko talaga ngeon bakasyon. nanonood pa ako ng frog prince, amazing twins, 18 vs. 29, star, only you, chun hyang, stained glass... and the like. buti na lang at wala kaming cable... kung hindi ay hahaba pa ang listahang yan.
ewan ko ba kung bakit wala akong kasawa-sawa sa mga ganyang kwento e umpisa pa lang naman e tinuturo na kung sino ang para kanino. parang yung frog prince. yung iba pa e rewind na... aioko nang isa-isahin. naalala ko tuloy ang sabi ko noon na ang meteor garden 1 kahit ilang beses pa ulit ipalabas e papanoorin ko pa rin dahil... wala lang. ok ang jologs nun.
pero ganunpaman e totoo naman. paborito ko pa rin sina charlie at gary pero mas gusto ko si charlie dahil masaya siya. gusto ko ulit mapanood ang scent of love (meron bang may alam na mei ganitong palabas bukod sa akin?) dahil hindi ko nasubaybayan nang maayos un at masaya dahil hindi naman nagkatuluyan ung dalawang bida. gusto ko si christopher dahil mei pinapaalala siyang tao sa akin... iniisip ko kung saan pang koreanovela ko nakita si tj han, pamilyar siya e. ang galing ng ideya na may nakaraan sina charlene at ronald kaya hindi kasing karaniwan ang ganitong kwento na basta-basta lang mangyayari sa isang mahirap at mayaman. ampogi lang talaga ni lee dong gun.
pero sa totoo lang, mga fave scenes ang nakakapagpaalala sa akin ng mga palabas na to lalo na ung mga hindi ko na napapanood ngeon. ung sa scent of love, ung moment nina mike at jeric... astig na best friends. ung amazing twins e nung mamatay si gigi... mahal kasi siya ni charlie. sa meteor garden ung pagkikita nina lei at shanchai pagtapos suntukin ni shanchai si dao. sa dolphin bay nung kinanta nung kalaban ung long long journey... mas maganda ung version nia e. sa frog prince naman e nung tumutugtog sila ng piano tas akala ko naalala na ni ronald na mayaman siya tlaga. ung sa only you e nung pinipilit ni jilian na mei responsibilidad sa kanya si tj dahil lang magkababayan silang nagkita sa ibang bansa. cool. tapos sa my 19yr old sister in law e kapag sinasabi nung bidang babae na "ayan. kumikislap na naman ang mata mo dahil nagso-solve ka ng math probs." lalo pa nung hiniritan siya nung kausap niya "ikaw din kumikislap ang mata mo." "huh? hindi naman ako mahilig sa math problems a." "hindi dahil dun, dahil sa luha." paborito ko naman ang paraan ng pagtugon ni chun hyang sa patibong ni sander... ung ndi na daw siya magpapakita sa kanilang dalawa. go girl!
syet. e puro pa naman un love stories...
sana manalo ung haplos na touch flick... andun si mark heras e. ultimate jologsness. pero un lang kasi ang maganda.
basta. paminsan talaga e pinag-iisip din naman ako ng mga jologs na love stories. sa bagay, wala namang love story na hindi jologs e. aii, ung kina cathe at jolens pala cool. in one way or another. eniwei. bahala na. basta. sana movies naman! the classic pa rin ang number1 sa isip ko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home