nanghuhula na naman ako... parati na lang
muli na namang tinamaan ang ulo ko ng kung ano at nagising ako sa isang masamang bisyo...
iniaasa ko na ang maraming bahagi ng sarili ko sa panghuhula ko. hindi ko naman talaga alam. at dahil tinatamad na akong alamin kung anuman iyon, hayaan ko na ang takbo ng imahinasyon ko para ituro sa akin ang daloy.at iyon na lang ang susundan ko.
ayoko nang mag-isip nang pinag-iisipan. gusto ko nang lumaya ang haraya ko sa mga sapilitang pagpapalalim. sa totoo lang, hindi naman ako lumalalim doon. hinuhubog ang utak pero parang hindi naman bumabaon ang mga pag-uukit. di magtatagal malilimot ko rin ang mga ito. at mabubuhay na parang bata, hayok na malaman ang lahat sa pamamagitan ng karanasan at hindi ng pagbabasa. yan nga ang masaya sa panghuhula e, walang basehan at nakakakiliti kahit ng puso. pero walang pusong kasali sa panghuhula ko ngayon. ang hinuhulaan ko ay ang kinabukasan ng isang taong tulad ko. at kahit ang daang tinatahak ko ay bunga lang din ng panghuhula. sa huli, sigurado akong hindi ko magugustuhan ang hahantungan nito. pero ito ang ipinagpapalit ko. ang ngayon laban sa bukas. malayo pa ang huli at ang nauna ay walang kasing lapit. hahayaan ko na lang na ang panghuhula ko ang magligtas sa akin sa pagbabayaran ko dahil sa mga ganitong desisyong ginagawa ko. bahala na si bathala.
pero dahil dito, wala akong karapatang magreklamo. hula ko maiintindihan naman ako ni papa god.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home