hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko
nahihirapan ako dahil alam kong iniisip ng mga tao na dapat masaya ako. may magandang nangyari e... pero hindi ko alam kung maganda iyon para kanino...
sa katunayan ay parang mas nalulungkot ako. kasi kahit mukhang tama ang mga nangyayari sa mundo ko, ang totoo e may pangarap akong gumuho na kahit anong pagsisikap ko ay hindi na matutupad kahit kailan. ang lumipas na oras ay talagang lipas na... hindi na babalik kailanman... at nakakainis na pinagsisisihan ko ang mga nangyari. hindi naman sa kinokontra ko ang kagalingan ni bathala sa pagpili ng mga dapat at hindi dapat... nga lang ay malungkot. lalo pa at may nalulungkot at higit pa diyan ay nasasaktan sa mga nangyari. muli akong nagbalik sa dati kong anyo na isang inidoro na tagasalo ng lahat... na karamihan pa ay kasamaan.
pero ang tadhana pag nagbiro... alam kung kailan hihirit ng punchline... at talaga namang nakakapasa saan ka man tamaan. ang nadidiin ay tinitignan din pala ako bilang inidoro... pressure. ngayong narinig ko ang pakiramdam kong magbabalanse sa lahat, nadudurog ang puso ko dahil sa sobrang lito. may inaasahan ako sa pangarap ko. dahil alam kong wala pang isang braso ang layo ko rito. pero nagkamali ako. at ngayon habang naghihinanakit ako ay may ibang taong hindi rin makapagsaya kahit nararapat na.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home