nakapagtataka ang kapaligiran, ang buhay, ang mundo, ang tadahana... papaGod?
natambakan na naman pala ako ng gawain nang hindi ko namamalayan. nakakapagtaka dahil alam ko ako naman talaga ang sumasalo ng mga nagpapabigat ng buhay ko, pero bakit ganoon? baka wala na akong malay...
naiinis ako sa mga exam, quizzes at iba pang kamukha nito. bukod sa pagkahirap-hirap kasi ng mga ito sobra pa akong napapagod magpakitang gilas dito. pakiramdam ko kasi hinuhusgahan ako gamit ang bagay na di naman kaya talagang sukatin ang kakayahan ko. pero sa ganitong sitwasyon na wala naman binibigay na kahit ano, naiinsulto naman ako na hindi na inaalam ang kakayahan ko. ewan ko ba at parang mali lang talaga ang lahat.
may mga report pa akong dapat ay inaasikaso ko na dahil nalalapit na ang palabas ko... bahala na sa resulta. ngayon ang nais ko lang ay matapos na ito. pero wala pa pala akong alam... ano kayang lalabas sa bibig ko niyan?
nahihiya na akong parati akong nagmamarunong, lalo tuloy napaghahalatang wala akong alam. ang tanga! hindi na talaga ako natuto... parang kahapon lang ang lahat pero tinangay na ng hangin ang laman ng isip ko. kasama ng lahat ng sama ng loob at puso ang kaalaman at utak ko...
nakakaasar na ang mga taong nakakalimot sa mga binitiwang salita at pangako... at nakakainis na tinatamaan ako. sadya lang ata akong malilimutin at pati sariling hangarin ay nawala na sa pagkatao ko... ang ingay ko na kasi... nasaan na ang pakikinig? ang kapal na ng mukha ko... nasaan na ang pakikiramdam? paano ko pang panonoorin ang mundo kung hinahangad ko nang magnakaw ng atensyon? mali talaga ito.
pinaglalaruan ako... kailangan ko bang makipaglaro? buti na lang hindi na ako nasasaktan... malilimutin kasi ako. sana hindi ako biruin at iharap ka sa akin ngayon... hindi na ako handa. dati, kaya ko pang magkubli sa likod ng matatamis na ngiti... hindi ko na matantya ngayon. ayoko atang ganito ako... pero di ko naman alam kung anong gusto ko...
hinahanap-hanap ko na ang bigat ng kahapon... naaamoy ko ang kwarto ni mama jo kahit nasa paaralan naman ako... ninanais ko na ulit bigyan ng panahong makasama si boyps... ang mga pagkaing hinahatid na lang sa pinto kapalit ng ilang makulay na papel... gusto ko muling maglakad sa kalye para lang mapapayag ang mga taong kausapin ako... tumambay sa tindahan ng iba at panoorin ang mga taong dumarating at umaalis... fishballs, softdrink, tapsilog, shake... hindi naman magaan ang ganitong buhay... masarap ata talagang mapagod...
kapag pagod na ang katawan at utak... natutulog na lang ata nang basta ang puso at hindi na naghahanap ng kung ano pa man...
ang kamay ko ay inaabot ang mga bagay na dapat kong makamit... ang paa ko'y hinihila ng mga bagay sa mundo kong nagsasabing "hindi pa tayo tapos." sana lang nakakatangkad ang ganitong ehersisyo... gusto ko nang tumangkad!!!
kailan kaya matatapos ang lahat? sana malapit na...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home