nalaglag na sa kalsada ang relo...
hindi ako nagrerelo.
pero ganito ang pakiramdam ko ngayon...
wala na kasi akong konsepto ng oras...
hindi ko na siya nararamdaman.
dahil kaya wala na siya sa kamay ko?
ang pangit talaga...
ginagawa ko na lang ung mga bagay kahit di ko sure ang timing.
bahala na.
kung mali... e di mali.
kung tama... e di swerte.
sana kaya na lang ingatan ng bukas ang sarili niya.
kaso pabigat siya e.
pagod na nga sa ngayon, papampam pa ang bukas.
leche. ngarag na ako... promise... obvious man o hindi.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home