Wednesday, June 21, 2006

tapos na ang bakasyon. back to uncertainty.

although hindi ko sure kung walang uncertainty noong bakasyon... sigurado akong meron niyan ngayon.
matapos ang bakasyon kung saan nababad ako sa napakakapal na bio book... at sa bahay dahil walang outing whatsoever to look forward to na inihanda ang pamilya namin... matapos pasukin ng pasaway na gamu-gamo ang tenga ko para lang iparinig ang galing ng kanyang pakpak sa paggawa ng ingay... sinukuan ko ang ideya ng magandang buhay. pero ngayon... muli akong umaahon mula sa boredom... patungo sa sugal ng bukas.
parati na lang ganun. pahirapan mag-enroll. ang jolgs maging taga-public school. pero ang realidad ng buhay ay matututunan pa rin dito. dapat magbayad dahil pagbabayarin ka sa ibang paraan kapag di mo un ginawa. ang katotohanang gumagawa ng paraan ang mundo para bayaran ng lahat ang kung anumang tinatatamasa nila ngayon ay idinuduldol sa mukha ko kapag registration.
ngayong tapos na ang hirap para maging estudyante, haharapin ko naman ang hirap na magpaka-estudyante. lahat pa naman ng courses ko ngayon ay mga reading subjects. ang hirap manindigan.
bahala na ang tadhana. sana may pakialam pa si bathala. pero kung wala, kahit ako e walang magagawa. mangyari na lang kung ano ang mangyayari. mag-aantay na lang akong mahulog ang bayabas mula sa puno. (juan tamad, ikaw ba yan?)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home