ang daming learnings ngayong summer!!!
akala mo naman ang exciting...
akala mo naman ang saya...
hay naku. nasira ang plano kong mam-boylet ngayong summer.
salamat sa bio11.
hay naku. naging friendships na kami ni campbell for a while... nang mag-fade ang aking interest.
bakit? mas masarap kasing manood ng tv e... kesa malaman kung ano ang different functions ng different leukocytes in the body...or kung anung pinagkaiba ng plant cell sa animal cell...ano ang ichura ng chlorophyll at paano nagaganap dito ang photosynthesis... mei dark at light reaction (tama ba to o phase dapat?) pa... basta. hindi pa kasi ako nagrereview kahit sobrang takot na akong isa ako sa mga kailangan pang mag-finals para lang pumasa.
tuwi na lang pagkatapos ng exam akala ko nabati ako (uy 108) at sinipsip ng kung ano ang kaluluwa ko. tapos kapag naman bigayan ng result parang tatalon palabas ng dibdib ko ang aking puso dahil sa sobrang kaba. ang judge kasi e. kapag binanggit ang score mo ibig sabihin above 80 ka... kapag hindi, kabahan ka na dahil baka... baka lang naman, below 60 ka. buti na lang nang minsang hindi banggitin ang score ko e sabit pa ako... it was good enough to be above 60 in any bio exam.
pero ang pinakanatutunan ko sa bio... na ang magmamalasakit sa iyo e ang sarili mo lang. iniisip ng lahat na kaya mo pa kahit hindi na... kahit pumipikit na ang mga mata mo, hindi titigil ang mundo para sa yo dahil gusto pa ng teacher mong magkwento. kung gutom ka, magbaon ka... alas diyes pa ang tapos ng klase kaya kumain ka na lang habang may klase. ang exam ay hindi dumadali, mag-aral ka kung gusto mong makaluwag sa huli. prinsipyo nilang sa hirap ka matututo... kaya pahihirapan ka talaga nila. sinong may sabing madali ang bio? mga taga-mbb. hindi ako taga dun e.
pero masaya naman pag-lab. kahit hindi kami taga-cs, tanggap nila kami. hehehe. ang mga boys, maingay. ang mga girls, nag-aabalang magbasa. ay teka, boy ba ako o girl? hehehe.
tinutulungan namin ang isa't isa. kapag palakaan portion na, naiiyak na ako. kasi naman ang tapang ng formaline (syet, di ko pala alam ang spelling nun... eniwei pede na yan) kaya maluha-luha na ako with matching sipon *sniff* kaya sinasabihan nila akong "uy, okay lang yan..." hehehe. suppport din un no.
masayang mag-exam nang hindi nakaupo kundi nakatayo... naglalakad pa. reminds me of chem (guys. amishu!) tapos nagiging mas exciting pa kapag nagsimula ka sa 1 samantalang 7 ang class number mo therefore dapat number 7 magsimula. duh-er. ang dami kong bloopers. tapos mare-realize mo lang kapag number 20 ka na. woooo-hoooo. re-write to the max ang lola mo. take note ang 1.5 mins na dapat lang itagal per station. mamatay na lang ako.
tapos nitong huling exam pa natutunan kong ang mga taong maraming tanong ang siyang maraming alam. not necessarily naiintindihan niya ang mga alam niya... pero at least marami siyang alam. bago ung lab exam namin sabi ni april sa akin, tanungin mo naman ako... kaso wala akong matanong dahil wala naman na akong maalalang facts... concepts... o kahit ano. syet!
hay naku. pagod. pagod na akong mag-bio. hindi ko naman siya ayaw. pagod na lang ako. parati na lang information overload ang drama ng lahat ng tao. sawa na ako.
gusto ko nang magbakasyon. but i guess wanting that now is just too late. ilang araw na lang at reg na ulit. sasakit na naman ang ulo ko dahil nararamdaman kong hindi ako makakakuha ng msts sa crs... sasakit naman ang puso ko pagdating ng pasukan dahil rejection na naman ito ng mga walang pusong prof na tanggi lang ng tanggi sa mga estudyante... o kaya paasa lang. sana hindi ko ito danasin... eniwei... ang punto ko... ilang araw na lang at pasukan na. un lang.
wala nang pahinga. sasabak na naman ako sa isang sem na puno ng paper works at puyatan. sana magkaboylet na ako next sem para may magandang dahilan para pumasok sa skul. hehehe.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home