ang pagbabalik...
hehehe. anu to, Panday? hehehe.
matapos ang ilang linggong pagkakalibing sa sandamukal na papel... literal... kahapon e kasabay ni Jesus na na-ressurect. hehehe. hindi naman... um mga march 30 e buhay na ako ulit.
ngayon e hindi na gumagana ang utak ko na tulad ng dati. nakalimot na ata ako kung ano dapat ang isulat dito kaya walang katinuan ang mga salitang lumalabas sa pagtakatak ng keyboard ko... ang ingay, parang typewriter... hehehe.
gusto kong mag-share...
nadala ata ako masyado sa dalawang araw na retreat sa araneta... kung saan may nag-share na kapangalan ko. siya, si fatima (duh!)... magaling... malalim. matured at alam kung ano ang misyon niya sa buhay... hindi ako un... hindi ako ganun. ang buhay ay dumarating at umaalis sa pagkatao ko (kaya nga nabubuhay ako at namamatay nang ilang beses... nabasa mo naman na di ba?)...
wag na to... sabaw e.
ang ibabahagi ko ay ang tungkol sa mga nakakatuwang entry sa litfolio ng org namin.
dalawa ung paborito ko, pareho kasing parang naisulat ng writer ang nararamdaman ko...
ndi ko mailagay dito ung mismong lit dahil baka ako makulong... kwento ko na lang.
ung una e ung tungkol sa tagong paghanga, pag-ibig... parang ganun.
basta... ung tipong mananatili na lang ako sa dito kung saan hindi mo ako nakikita dahil mas ligtas ka diyan. dito ako sa malayo para pareho tayong hindi masaktan... sa panaginip ko mananatili ka kailanpaman...
uuuuuuuyyyyyyyyy.... si edison nagsulat nun... kung napangitan ka sa mga sinabi ko... magaling magsulat si edison... basahin mo ung mismong sinulat niya.
ang tunay na point ay... nasa panaginip pa ba kita?
nagbabalik ka e. sa phan. sa celpown ko. sa bio buk. nagba-bio na ako nandun ka parin? kelangan na kita i-unlearn no? palagay mo?
paano kaya ako mag-uumpisa? kala ko tapos na dahil iwanan na e. good bye na ang sinabi natin sa isa't isa e. hindi ko na nga nasabi seong ingat dahil galit ako. hindi ko lang alam kung sino o ano ang object ng galit ko. basta alam ko galit ako. kung sayo man, alam ko naman na hindi mo ako susuyuin. wala lang. wala na. sabog ang mundo at high na ako... sa acads.
eeeeewwwwwwwww! saan galing un?
dati... acads ang dahilan kaya kita gusto... dumating ang pagkakataong acads na lang ang tanging paraan para mawala ka sa isip ko... pero ngayon, pati acads pinapaalala ka sa akin.
ang layo-layo mo naman pero sinasakop ng muka mo ung utak ko... lisjan!
nasaan na ako?
next lit na nga lang.
ung next mejo id-ish... nasulat dito ang sinasabi ni alex na dream ko... ang maging third party. hehehe. ang taas ng pangarap ko no? inggit ka? gaya ka din. hehehe. lahat kasi ng trip ko e attached na... ikaw. siya. sila. ang daming tao...
oh wel. wala pala akong maisip isulat bout it. lalabas lahat ng kasamaan ko. at ayaw ko un...
sa ngayon, kilalanin mo ang iyong sarili at magpaalam tayo nang maayos sa isa't isa. baka sakaling sa ganun kita ma-unlearn.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home