pagod at relihiyon...
parati na lang akong nagrereklamo sa lahat ng nangyayare sa buhay ko... kadalasan tungkol lang naman sa acads ang lahat ng ito.
at ayon na rin kay jik, nagiging relihiyosa ako dahil dito... tuwing ikukwento ko na lang kasi ang tungkol dito, bigla ko na lang naibubulalas ang pangalan ng diyos [refer to my previous post]. pero hindi lang naman si jik ang nakapuna... nabanggit na yan ni april sa akin dati... naalala ko lang ngayon.
tinanong niya ako kung bakt daw lagi na lang nasasama si god sa mga kwento ko... sabi ko kasi hindi ko na naiintindihan ang takbo ng mundo... hindi ko alam kung saan ako pupunta... hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ang mga nangyayari... at kailangan ko ng rason... si god ang pinakamabisang sagot sa ganitong mga tanong... nabubura bigla ang mga follow up questions...
sana lang hindi blasphemous ang mga pananaw ko... kasi hindi ko naman intensyon maging blasphemous...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home