si maxi...
gusto ko lang mag-plug na sana panoorin ng mga tao ang pagdadalaga ni maximo oliveros... matagal ko na siyang napanood. wala lang time magsulat dito. at dahil blog ko to, walang makakapigil sa aking mag-comment sa pelikulang un kahit ang nagbabasa pa nito e hindi pa un napapanood.
una, ang pogi nung pulis... para siyang si dennis trillo na macho at manly. pogi talaga.
pangalawa, mahal ko na si Kuya Bogs... pero bilang kuya lang... ung character at hindi si Ping Medina. napakalambing at despite that lalaking-lalake pa rin, di mapapagkamaliang bading. ang galing kasi kahit ni-braid (ng pambabaeng way) ni maxi ung mahabang buhok ng kuya niyang to e macho pa rin. hehehe. word for the day ang macho! favorite scenes ko yung ayaw kumain ni maxi dahil sa problema niya sa crush niyang pulis tas nilapitan siya ng kuya bogs niya at isinandal ang ulo sa braso niya. sabi ni maxi "kuya, ang bigat ng ulo mo." tas sabay shake ng braso para umalis na ang kuya niya tas sabe ng kuya niya "maxi, patirintas ng buhok ko." AWWWW. tas isa pa. ung nakita ni kuya bogs na malungkot si maxi at mei hawak na papel... kinuha niya ung papel at binasa tas kinausap niya si maxi sa loob ng jeep... sabi ni kuya bogs "o hindi na to makakarating sa bahay basta ipangako mo hindi ka na makikipagkita sa pulis na yon... kung hindi magagalit talaga ako sayo." tas umiyak si maxi sa balikat ng kuya niya. AWWWW ulit. asan na ba ang kuya bogs ko? dahil sa character na to lalo kong gusto ng kuya....
pangatlo, ang ganda ng story. cool ang idea na hindi ipakita ang title sa umpisa ng story bagkus e ihuli un... sakto sa oras ng pagdadalaga ni maximo oliveros. maganda rin ang konseptong naintindihan ni maxi ung pulis sa nangyari sa tatay niya. astig na isang hindi stereotype na pulis ang laman ng kwento at siya pa ang pag-ibig na nagdala kay maxi sa pagdadalaga. ang galing na ang katulad ni maxi e na-recognize ang na tama na ang oras at nakapagdalaga pa kahit na dalawang tulad niya ang dumaan at hindi tumutol sa pagkawala ng kabataan kahit hindi dinadaanan ang pagdadalaga. isang kakaibang perspektibo rin ang ipinakita tungkol sa kapangyarihan at kasamaan sa pagitan ng tatay at ng bagong chief. at ang pinaka nakakuha ng pansin ko ay ang pagpapakitang malapit na ang pasko (naglagay pa si maxi ng christmas lights) at ang pagtatapos ng kapaskuhan (tinatanggal na ng kapitbahay ang mga palamuting pamasko) ngunit hindi ipinakita ang mismong araw ng pasko o hindi nakita sa pamilya ni maxi ang pagdiriwang ng araw na ito. at sa huli, di tulad sa pagbubukas ng kwento, ipinakitang malinis ang paligid at si maxi lang ang laman ng kalye, bukod sa pulis na halos kasabay lang niya. interesanteng hindi sila nagpansinan nung pulis sa huli at hanggang ngayon e inaaalam ko pa kung anong ibig sabihin nun...
astig talaga. at gusto ko pa siyang panoorin ulit para marami pa akong maisulat tungkol dito. uulitin ko tong palabas na to... pag may pera na ako. hehehe. wish ko lang na sana ung napanood ko e walang cut. oh wel.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home