ang napakahabang araw kahapon
7am- kitain si karen v. sa santolan station para sabay kaming pumunta ng FEU (required kami kasing umattend sa conference ng PSSP dun e)
kinig sa mga sinasabi ng mga taong aral tungkol sa paksang kanilang tinatalakay: kagandahan sa loob at labas... sa konteksto ng indibidwal at sa perspektibo ng manggagamot (therapist)
10am- natapos ang parteng iyon ng kumperensya at may 15min break. kain muna ng almusal na tuna sandwich at iced tea.
balik na sa kumperensya at makinig kay sir jay sa kanyang paglalagom sa mga nakaraang pananalita ukol sa kagandahan... pati ang pasasalamat... paggagawad parangal... at iba pa.
lampas 12nn- kailangan nang umalis para makarating ng UP at kitain sina marize at avril ng 1pm
130 dumating ng UP (imagine ang bulyaw sa akin dahil late ako)bumili ng monay bilang lunch at puunta na ng lopez museum...
sakay ng jeep papuntang mrt station... sakay ng mrt at baba ng shaw station... hanapin ang sakayan ng jeep papuntang ugong sa edsa central... i repeat, hanapin ang sakayan ng jeep papuntang ugong sa edsa central... i repeat ulit, ang kulit! hanapin ang sakayan ng jeep papuntang ugong sa edsa central... oh wel. magtanong sa guard. sumakay sa jeep at bumaba sa BENPRES... BENPRES at hindi TEKTYTE ok? mali ba ang spelling? i don't care basta dapat sa benpres!
2pm- dapat nasa museum na... but then again...
240pm- at last lopez museum... kanina pa nagsisimula ang talk ni datu arellano... nakita na ng mga kaklase ang video installation niya... kami hindi pa... kinig na lang muna.
lampas 430pm- natapos ang talk...pero dahil kailangan namin makita ang installation art niya, at nagbayad kami ng P100, dapat un lubusin kaya nilibot namin ang museum...
mga 6pm- hindi malaman kung paano uuwi, si marize kasi mei sundo... lakad na lang papuntang megamall para kumain ng isang/unang matinong meal (para sa araw na ito). aioko ng basurang pagkain ha... dapat tunay! (ok, bratness) iwas sa jollibee... mcdo... ayaw ng temptation ng sweets kaya wag red ribbon (na may napakagandang chocolate fountain) at goldilocks... nood muna ng fitness first chorva... hanap ulit... gusto ko kenny rogers... asan ba yun? asan? ay mcdo na nga lang... basura!
mga 7pm- sakay ng mrt papuntang cubao
730pm- nasa cubao na hanapin na lang ang lrt station
saan nga ba ang bridge na yun? syet antanga! pumasok naman ako dun sa mall na un a... san ba dun? labas ulit... baba sa ewan... mei jollibee, mercury at hbc akong nakita... ay syet sang parte na ako ng mundo? kung may magnanakaw lang na nakakita sa akin, ninakawan na niya ako dahil muka talaga akong nawawala... kumusta naman? uy goldilocks alam ko un! lakad lakad... fairmart... bridge... dun ako dapat dadaan... pasok ng fairmart at akyat. dapat nasa 2ndF lng ung bridge dahil mukang mataas... walang bridge sa 2ndF... omigod! its a sign! to lrt2 (arrow up) yes! 3rdF pala. hehehe. masaya na ako. pauwe na ako. pagod na ako. kelangan ko na makauwe agad...
830- nakarating ako ng bahay namin. yes buo pa ako! at walang magnanakaw na na-encounter... pagtapos nun... tulog na. kelangan ko na ng pahinga.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home