Saturday, November 19, 2005

andaming dapat gawin... ... pero ba't ako bum?

hindi ko naayos ang site na ito... kahit antagal ko ng pangako sa sarili kong gagawin ko un. siguro dahil hindi naman ako talaga marunong mag-ayos nito. gaya ng sabi ng tatay ko, ang taong pili nang pili walang pambili. understandable ba ang logic na ginamit ko at nakikita ba ang analogy dito? eniwei. kebs.
puno pa rin ang inbox ko sa email. inabot na ng 1000+ ang laman. ang tamad ko kasing magbasa. andami ko na ngang hindi binuksang message, ung iba pa sa mga binuksan ko e hindi ko rin binasa. a ewan!
sinubukan kong mag-hi5 dahil ang bestfriend ko na nasa ibang bansa e inaya ako. hehehe. hindi ko pa rin pala maiintindihan ang sentimyento ng mga nagfe-friendster. bakit? e ung bestfriend ko lang na yun ang friend ko sa hi5. kahit ang ate ko na mei account din dun e hindi ko friend. kumusta naman?
dapat maglilinis ako ng kwarto nitong sembreak. aayusin ko rin dapat ung mga kalat ko at pupunasan ung lalagyan ng libro dahil magabok na at baka mei iba ng nakatira dun. pero natapos na ang sembreak at lumala lang ang itchura ng kwarto namin. oh wel.
nakita ko ung ilang nasira kong damit. maganda pa naman at pede pa sanang suotin. kelangan lang tahiin. gusto ko din sanang gawin un. pero hindi ko rin nagawa.
hindi ko tuloy alam kung anong ginawa ko sa mga nakaraang araw.
gusto ko naman ung mga dapat kong gagawin pero wala pa rin. hindi pala sapat ang will. oh will. hehehe.
ansarap matulog. ang ginaw na e. merry krismas!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home